Kasi Pwedeng Ma-Enjoy
Ang kasalanan ay pwedeng ma-enjoy, as in, pwedeng-pwede![1] Maihahalintulad ko siya sa isang makamandag na lason ng kobra sa probinsya ng Tarlac na inihalo sa maraming minatamis na dessert. Ang makikita at maaamoy mo ay ang dessert, hindi ang lason. See?
That’s why, hindi nakapagtataka na marami ang nalululong sa mga bagay na ipinagbabawal ng banal at mabuting Diyos. Well, ito ay sapul na sapul sa pinasikat na kanta ni Eva Eugenio. Tiyak na alam ito ng mga millennials (O ng mama at papa mo), bagamat uso parin ang kanta na ito ngayon lalo na tuwing Linggo. Ito ay pinamagatang “Tukso.” Narinig mo na? Sabayan mo minsan.
Ilan sa hinog sa karanasang pangungusap sa awit ay ganito ang sinasabi bago pumailanlang ang koro.
Wag sanang mangyari
Matukso ako nang sandali
Pagka’t ang tukso ay
Madaling nagwawagi
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako.
Ang pinakagusto ko na pangungusap sa lyrics ay yung pambuwelo para sa tunog at sigaw ng chorus: ‘Oh tukso, layuan mo ako!’ Haha. Pero in real life situation, hindi lumalayo ang tukso. Ang character ng tukso ay ang maging malapit sa iyo. That’s why maraming manloloko na gusto ang teknik ng tukso – yung maging malapit sa iyo (sa gusto mo) hanggang sa makuha ang loob mo – kasi ang pinakamalalim na panloloko ay nagaganap kapag nalagay na ang puso mo sa malalim na pagkagusto. Hmmm…(ang ganda ng sinabi ko ah)…Food for thought mga kabataan. Pagisipan n’yo iyan. Okay…ilagay natin sa box ang thought na iyan para di mo makalimutan…

Wow! Oh ha! Remember that youth ha! Para makaiwas kayo kahit papano sa posibleng napakalalim na heartaches ng buhay.
Kasi may Something sa Loob Natin
Now okay, balik tayo sa awit ni ate Eba. Hmm…Maraming dapat i-komento sa mga kataga ng awit. In light of common sense-experience (na tawag namin sa Philosophy), tama ang sinasabi ng awit – lalo’t sa mga epekto nito. Alam mo kasi, kung walang enjoyment sa kasalanan, disin sana’y walang gagawa ng masama o pagkakasala. But sin is enjoying, ‘kilig to the bones’ pa nga, ika ng iba; o sa kataga ng awit “madaling nagwawagi.”[2] Madaling nagwawagi? Oo, kasi nga ‘masarap sa pakiramdam ng laman.’ Diba? Come on dude, don’t deny it. Between you and God (habang binabasa mo ang article na ito), don’t deny it. Agree ka diba gurl? Tango ka kung agree ka; dibale si God lang naman ang nakakakita sa iyo eh. Pero diba true? Ang tukso ay masarap sa pakiramdam ng laman.
At dahil riyan nasasabi ng marami na, “Gusto kong bumait ngunit di ko magawa.”[3] At bakit di magawang magpakabait—iyon ay, yung hindi nagpapatangay sa tukso? Eh kasi, ang hirap magpakabait; mas masarap magpakasama sapagkat ang puso natin ay pinupugaran ng Original Sin. Ha…ano daw? Well sa Theology, ang Original Sin or ‘Peccatum Orihinale’ or ‘Makasalanang Likas’ ang maitim na bukal sa ating puso na siyang umuudyok sa atin na yakapin ang bawal ng Diyos kaysa ang Kanyang gusto. Kuha? Okay ulitin ko iyan:
Ang Makasalanang Likas ang maitim na bukal sa ating puso na siyang umuudyok sa atin na yakapin ang bawal ng Diyos kaysa ang Kanyang gusto.
See? Remember that ha. Ang maitim na bukal na iyan ang siyang naghahatid ng masarap na pakiramdam, kinikilig na damdamin, nag-aalab na iklinasyon, at puling desire na kung saan ang ‘bawal ng Diyos’ ay nagiging masarap at katakamtakam sa atin. Okay…practical scenario question para ma-gets mo pa.
Kasi may Kumukontrol sa Takbo ng Utak Natin
Hmmm…
Okay, tanungin kita lalaki (lalo’t kapag nasa Senior High o College ka na): Kapag nakakita ka ng seksing babae – lalo’t sa Facebook at TikTok—anong magandang isipin? Ang respetuhin siya sa isip? Ang i-pray siya? Hehehe. Talaga? Whew, di nga, magagawa mo iyan? Saludo ako sa iyo kung kaya mo siyang ipag-pray – ikaw na. I think, you’re one in a million; pwede mo ng palitan ang Santo Papa. Hehehe. In fact, kahit ako ay walang ganyang kakayahan. Usually, sa ating mga lalaki – lalo na yung mga personalidad na talagang barako—ang iniisip natin ay ang pagnasaan ang babae. Tayo kasing mga lalaki, ang kahinaan natin ay sa mata; mabilis tayong mabihag rito, lalo’t kapag tanawin ng alindog ng babae ang ating nakikita. Pero yun nga, eh bakit karaniwan na yun ang lalabas sa isip ng lalake kapag nakakita ng seksing babae? Eh kasi nga yun yung masarap sa ating isip at maging sa katawan. Now ang question, saan nanggagaling yung ganung pakiramdam at pag-iisip? Okay tanungin natin ang ating Panginoon. ‘Lord, saan po nanggagaling ang bastos na pag-iisip naming mga lalake?’

Kita mo? Ang theolohikal na konteksto ng ‘puso’ na tinutukoy riyan ng Panginoong Jesus ay yung ‘Peccatum Orihinale.’ Walang sinuman sa atin ang exempted riyan. Sa madaling salita, ang puso natin na pinupuguran ng ‘Makasalanang Likas’ ang siyang pinagmumulan at gumagawa ng sarap sa ating kilos-loob na yakapin at gawin ang bawal ng Diyos. At ang tanging paraan upang magkaroon tayo ng panlaban sa maitim na puwersa (black force) na iyan ay ang magkaroon tayo ng puting puwersa sa ating loob (white force) – alam mo yun, yung parang concept ng ‘Jinchuriki’ sa loob ni Naruto? Kailangan natin ng isang ‘white force’ sa loob natin na tutulong sa atin para paglabanan ang ating ‘Makasalanang Likas.’ At ang white force na iyan ay walang iba kundi ang Holy Spirit ni Jesus sa ating puso. At Siya – ang Holy Spirit – ay papasok lamang sa ating puso, the moment na tayo ay magbabalik loob sa Panginoong Jesus; ang magsisisi sa ating mga kasalanan at ang anyayahan ang Kanyang presensya na maghari sa ating buhay.
Kaso nga lang…para na lang laging busy ang utak at damdamin mo sa mga layaw ng Mundong ito. Hindi ka na makatingala sa langit – feeling mo bilang kabataan, malakas ka at laging malusog. Hindi mo na maalala ang Krus (busy ka sa Jowa mo eh); kinalimutan mo na ng tuluyan ang Tunay na Nagmamahal sa iyo – si Jesus. Ganyan ka ba? Hmm…sana hindi.
Nakikiusap akong lumapit ka kay Jesus; sana naman ay hindi nasayang ang Kanyang paghihirap sa krus para sa iyo. Hey, namatay Siya para sa iyo.
[1] Implikasyon ng ito ng Total Depravity (termino sa ‘Makasalanang Likas’ sa Theology). Inclination o likas sa tao o nahihilig ang tao sa pagkakasala.
[2] Dahil sabi ng Biblia, nasa kalikasan ng tao ang kasalanan. Romans 3:10-18; 8:5-8
[3] Sa usapang theolohiya: wala talagang magagawa, sapagkat may ‘spiritual inability’ ang tao pagdating sa pagsasagawa ng tunay na kabutihan o katuwiran sa harapan ng Diyos. Patay ang tao kasi sa kasalanan kung kaya’t wala siyang “response-desire-ability” upang maging mabuti sa standard ng mata ng Panginoon. Gets mo friend?


You must be logged in to post a comment.