- Summary: Ang Arguments sa Article na ito ay Umiikot sa Ganitong mga Premises:
- Ang Sabi ni St. Paul – Doctor of Theology na Apostol
- Subjective Manifestation: Ang Tinig ng Diyos sa Puso Mo
- Objective Manifestation: Kapag May Gumagalaw, May Diyos
Pinag-aralan natin sa Lesson 1 na mayroong isang Diyos – si Yahweh ng Biblia. Pero siguro may ilang dinidisturbo ang utak ng mga pilo-pilosopo ng ating kapaligiran, kahit na wala naman silang alam.[1] Ay! Grabe siya! Sorry…hate speech ba? Nah! It’s just the hard truth na hindi na natin malunok kasi ginawang spoiled brats tayo ng individualistic na kultura na pinasisikat ng western culture sa buong mundo. Okay tama na. Baka mapunta pa ako sa ibang topic. Pero seriously…(serious ang face ko ngayon)…are you ready? Sure? Peksman? Wala ng peksman sa kabataan ngayon (x-men ang marami)… Pag-uusapan natin iyan in the future.
Hmm…okay…here we go…
‘Mayroon ba talagang Diyos?’
Pikit ka muna at limiin mo ang tanong na iyan. Please… 30 seconds pause muna…
Ang Sabi ni St. Paul – Doctor of Theology na Apostol
Okay…
For us Christians, hindi mahirap maniwala na mayroong Diyos. It’s a ‘given’ kumbaga. Pero sa mga taong hindi exposed ang isipan sa Biblia at sa simbahan – mga binansagang hindi relihiyoso; kasi di daw nagsisimba – big deal sa kanila ang question na ito. And so, for us to somehow minister to them – ang matulungan sila na makawala sa gayong pagdududa – “Mayroon bang Diyos” – I believe, as a starter, makakatulong sa atin ang sinasabi ni St. Paul sa Romans 1:19-21. Sana basahin mo kapatid. But in this article, gusto ko lang i-quote yung v. 19 as a focus ng aking eksplenasyon. Ganito ang sabi ni Paul,
“Because that which may be known of God is manifest[2] in them; for God hath showed it unto them.” (Romans 1:19, KJV)
“Sapagkat ang nakikilala tungkol sa Diyos ay hayag sa kanila; sapagkat ito’y ipinahayag ng Diyos sa kanila.” (Ang Biblia, bersyon)
Now, mula sa talatang iyan ay gusto kong magpokus lang sa salitang ‘manifest’ o ‘hayag.’ Maliwanag ang sinasabi sa talata, na ‘ipinahayag ng Diyos sa kanila’ ang ebidensya tungkol sa Kanyang existensiya.[3] Pero yun nga lang, kahit hayag na hayag ang Kanyang ebidensya, hindi makita at maintindihan ng marami nating kababayan – lalo’t ng ilang philosophy students sa UP – kasi hindi nagpupunta sa simbahan, hindi nagbabasa ng Biblia at patuloy kasing umiiwas sa Diyos (kasi may bisyo). And so, makikilala mo ba ang Diyos kapag ganyan ang attitude? Aber. Hindi ah. Kaya mahalagang nagsisimba ka para napapaliwanagan at naliliwanagan ka tungkol sa Diyos. Mahalagang may tinatanong ka at hinihingan ng payo tungkol sa isyung ito. Huwag kang mag-solo kaibigan.
Okay, ayon sa talata…ang Diyos mismo ang nagbigay ng ebidensya, pagpapaliwanag o kapahayagan para sa Kanyang existensiya – kasi nga “for God hath showed it unto them.” At ang Kanyang manifestation (in theological reflection) ay pwede nating hatiin sa dalawang kategorya: inward manifestation at outward manifestation. Ang inward ay subjective; ang outward ay objective. Ang inward ay instinct; ang outward ay scientific.
Now, I tell you, napakaraming arguments ang mga theologians and theistic philosophers for the existence of God, but for our introductory purposes, magsimula muna tayo sa dalawang ito.
Inward Manifestation: Ang Tinig ng Diyos sa Puso Mo
Now, it’s interesting to note, na sa wikang Filipino, tinatawag natin ang Diyos na ‘Manlilikha.’ Syempre, maaaring ito ay bunga lamang ng translation ng salitang Ingles na ‘Creator.’ Gayunpaman, ang salita ay may kapangyarihan na maglarawan ng isang bagay na tinutukoy. At pagdating sa ‘Diyos,’ inilalarawan natin Siya sa ating wika na ‘Manlilikha.’ Now, bakit ‘Manlilikha’? Well, sapagkat sa simpleng puntong mayroong lumikha o gumawa ng ‘lahat ng bagay’[4] na masasabi nating ‘nilikha.’ Kuha mo? Mayroong Creator-creation distinction sa ating wika. At bilang bahagi ng sangkatauhan, nakikiisa tayo sa pagbibigay katawagan sa isang Supremo na sa kamalayan natin ay ang lumikha ng lahat ng bagay. Ang pinakapunto ko kung gayon ay ito: hindi mabubuo ang isang ‘katawagan’ (gaya ng sa Diyos) kung walang ‘kamalayan.’ Sa Theology ito ay tinatawag na ‘homo religiosus’[5] o ‘the sense of God’ o sa kataga ni John Calvin ay “religious sense” at “the idea of God”[6] na ‘indelible’[7] sa isip ng tao. Sa madaling salita, yamang tayo ay bahagi ng ‘nilikha,’[8] hindi matatakasan na may tatak ang Diyos sa atin na hindi mabubura.[9] Kumbaga, ito yung punto ng pag-iral mo na naghahanap ka ng kahulugan, kulay, at kasiyahan ng buhay. ‘What is the purpose of life?’ Yung ganyang tanong ay ipinanganak ng ‘kamalayan’ na may Something or Someone beyond the natural na ating kinasanayang makita at madama. Okay? Well, hinto muna ng explanation. Marami pang pwedeng sabihin tungkol riyan pero diyan muna. Let me just end this particular argument by asking you a personal question. Heto: Kapag nag-iisa ka, nalulungkot, may pinagdaraanang problema, at binitawan ka ng lahat ng inaaasahan mo, may naririnig ka bang tinig sa puso mo (yung sobrang munting tinig na madalas tabunan ng ingay ng mundo sa buhay mo) na nagsasabing tumawag ka sa Diyos? Honest question lang kaibigan…kasi ang munting tinig na iyan…ang munting idea na iyan…ay isang malaking argumento na may Diyos na tumatawag sa iyo na manumbalik ka sa Kanya.
Outward Manifestation: Kapag May Gumagalaw, May Diyos
The second argument para ipaliwanag ko ang salitang ‘manifest’ ni St. Paul ay mula sa nakikitang Pagbabago or Motion.[10] Kung ang unang argumento ay subjective, itong ikalawa ay objective – observable and scientific. Ang ibig sabihin, pwedeng aralin gamit ang scientific method. Now, this doesn’t mean na ang una – purket hindi mailalagay sa laboratorial observation – ay mahina, walang kwenta at unscientific. Masyado lang tayong naging bilib sa katagang ‘Science’ na anupat kapag nababanggit ang salitang ito ay parang katumbas na rin ng salitang ‘Diyos’ – not knowing na ang Science as a study or process of study and observation ay dumaraan rin sa maraming pagkakamali (trial and error) – which is binibigyang tibay mismo sa scientific method. Okay pause muna…pero gusto ko lang i- express ang clarification na iyan.
Okay tungkol sa tinatawag kong argumento mula sa nakikitang Pagbabago, ito ay pasok sa cosmological argument for the existence of God. At ang ‘guru’[11] ko rito ay walang iba kundi si Thomas Aquinas. Gamit ang kanyang philosophical argument na kung tawagin ay ‘Quinque Viae’ (Five Ways), ganito ang nais kong i-punto sa argumento mula sa Pagbabago.
‘First Way’ of Aquinas. Alam natin na ang mga bagay sa mundo ay gumagalaw at nagbabago. Habang isinulat ko ang article na ito, tuwang-tuwa ako sa ulan (bagyong Maymay)…ang lamig…at ang sarap magkapeng barako. Now, tumingin ako sa labas…at syempre hindi mababasa ng ulan ang mga puno, damo, kalsada, pati ang mga sinampay ko kung hindi gumagalaw ang ulan patungo sa lupa. Now…you get my point right? Pero yun nga, ayon kay Aquinas, ang lahat ng bagay sa ating mundo (universe) ay gumagalaw at may pagbabago. Pero ‘here’s the kicker,’ ika nga, it is logical to say na dapat na may nagpagalaw sa mga galaw at pagbabago. At dagdag pa rito, dapat na mayroong umiiral na ‘First Mover’ sapagkat illogical ring isipin at hindi pwedeng mangyari na: ang ‘lahat’ ay umiiral bilang nagpagalaw (I mean, nag-move o lalamove, hehe). Hmmm…do you get it? Kung lahat ay nagpagalaw (Cause), sino o ano ang gagalaw (Effect)? Kung may mga gumagalaw, therefore, may nagpagalaw…and in the final analysis may isang ‘Nagpagalaw’ na hindi dapat ‘nagalaw’ – Unmoved Mover. Kita mo? Ang Nagpagalaw na iyon (capital letter ‘N’) ay tinatawag ni Aquinas na First Mover – God.
Now, isang way (First Way) lang ni Aquinas iyan; mayroon pang apat na ways na binanggit siya: way of efficient cause, way of contingency, way of gradation, and way of design. Pero sapat na ang way of motion na ito bilang pambungad sa iyong pag-iisip. Kung medyo nalito at sumakit ang ulo sa mga pinagsasabi ko rito, I encourage you na mag-Milktea muna at pag-isipan ang mga bagay na ito.
God bless your heart KaPinoy! Kita ulit tayo next week sa isa pang theological topic. Ingat lagi sa mga lakad mo. Huwag kalimutan si God ha.
[1] Nasusulat iyan. Sabi iyan mismo ni St. Paul, Roman 1:22. Masyado lang kasing pabebe ang mga tao sa panahong ito. Napaka-sensitibong ewan na daig pa ang dahon ng ‘Makahiya’ – teka may nakikita pa ba kayong dahon ng Makahiya? Gusto ko ang dahon na iyan. Bakit? May delekadesa eh, kumpara sa mga…ng panahong ito. Aray! Bitter? Nah. It’s just the hard truth. Hahaha. Hey, tama na ang footnote.
[2] Ang word na ‘manifest’ ay mula sa Greek word na ‘Phaneros’ na ang root word ay: ihatid sa liwanag (Phaino). – Strong Greek Dictionary. Sa ibang salin ay: “plain” (NET), “revealed” (LSV)
[3] Sa kataga ni Pablo ay “ang nakikilala tungkol sa Diyos.”
[4] At syempre sa worldview ng Biblia, ang ‘lahat ng bagay’ na iyon ay ipinapakita sa atin sa Genesis 1.
[5] Literally, ‘man the religious.’
[6] Mababasa mo ito sa book ni John Calvin na, “Institute of the Christian Religion” Book 3, article 1 and 3. Ang book na iyan ay may free PDF. I-Google mo lang.
[7] Cambridge Dictionary. Indelible is an adjective that means impossible to erase, remove, or forget. It describes physical marks, stains, or ink that cannot wash out, as well as abstract things like memories, impressions, or impacts that last forever.
[8] Nilikha ng Diyos ang Tao – ayon pa nga sa Kanyang wangis at larawan (Genesis 1:26).
[9] In fact, ang Romans 1:19 sa The Living Bible ay ganito ang pagkaka-translate: “For the truth about God is known to them instinctively; God has put knowledge in their hearts.”
[10] Sa aking isipan, ang existensya ng ‘pagbabago’ na ito ay bahagi lamang ng sinasabi ni St. Paul sa “that which may be known of God is manifest in them: for God hath showed it unto them.” (Romans 1:19-20—ff)
[11] Literally means, from darkness to light (enlightener). Kapag ‘Guro’ ka, you’re a guru. Ganda ng meaning ano?

