Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


Ang Sabi ni Yahweh, Siya Lang ang Diyos. Eh Ano ang Kontrobersyal na Kahulugan niyan?

May isa lang bang Diyos sa universe?

Hmm…bago ka sumagot, limiin o pag-isipan mo muna talaga ng mabuti ang implikasyon ng tanong na iyan. Bakit? Well kasi…pansinin mo sa ibaba ang relihiyosong pananaw at praktis ng mga tao sa mundo tungkol sa espirituwalidad at kung sino o ano ang ‘supreme being.’

Now syempre, kapag Filipino ka, malamang na ang relihiyon mo ay nakapaloob sa relihiyon ng Kristyanismo, sapagkat ito ang nangungunang relihiyon sa ating bansa. Namulat ka sa paniniwalang si Yahweh o si Jesus ang Diyos.

Pero may mahalagang tanong na ganito: Kilala mo ba talaga si Yahweh? Alam mo ba ang Kanyang sinasabi tungkol sa Kanyang Sarili? Naku…maaaring isa ka sa napakaraming bilang ng populasyon sa Pilipinas na bagamat nakasulat sa birth certificate na ‘Catholic’ ang religion, pero hindi kilala si Yahweh o si Jesus – ayon mismo sa Kanyang sinasabi tungkol sa Kanyang Sarili.

Now, papasok tayo sa controversial na usapin dito. Bakit? Kasi si Yahweh[1]— ang Diyos ng Biblia – ay may napakatinding pahayag na sinasabi tungkol sa Kanyang Sarili. Kung si Yahweh ng Biblia kasi ang tatanungin mo, maliwanag Niyang sasabihin sa iyo na ang mga kinikilalang ‘diyos’ ng mga relihiyon sa mundo (yaong inilatag natin sa itaas) ay mga huwad na diyos; hindi tunay. Ito ang sabi Niya sa Israel na Kanyang hinirang na bayan.

Kita mo? Sa pananalita (claim) ni Yahweh tungkol sa Kanyang Sarili, Siya lang ang tunay na Diyos. Ang ibang ‘diyos’ ng mundong ito ay bulaan; mga gawa-gawang diyos lamang ng imahinasyon ng tao ng dahil sa kanilang kamangmangan o misinterpretasyon tungkol sa tunay na Diyos.[2]

Gayunpaman, kahit na ang mga nabanggit na supreme being o diyos sa mga gayong kilalang relihiyon sa mundo ay hindi tunay na Diyos (ayon kay Yahweh), hindi naman idini-deny ng mga relihiyong ito na ‘may Diyos.’ Sa madaling salita, sila’y mga kakampi natin pagdating sa theistikong pananaw at sa paniniwala sa supernatural (kontra sa pilisopiya ng naturalism at materialism). Gayunpaman, ang kanilang pagkakakilala sa Diyos ay mali sapagkat wala silang tamang source ng information tungkol sa tunay na Diyos.[3] Ano kung gayong ang gusto nating palabasin tungkol rito? Well, dito papasok ang sunod na mahalagang tanong: ano ang tamang source ng information tungkol sa Diyos? Iyan ay napakahalagang tanong.

Ang sabi ng French reformed theologian na si John Calvin,

Kita mo? Saan natin matatagpuan ang tamang impormasyon (hindi fake news) tungkol sa Diyos?

Sa Biblia. Iyan ang authoritative source tungkol sa Diyos. You see, mahalaga sa atin ang ‘authority’ sa isang larangan ng kaalaman tungkol sa ating pangangailangan. Kapag maysakit tayo, Doktor ang hanap natin. Kapag sira ang ating sasakyan, mekaniko ang hanap natin. Kapag legalidad ang kailangan natin, abogado ang hanap natin. See? Ganyan din dapat sana sa relihiyon. Ang ating hanap ay di dapat na opinyon, kundi datus o facts. At iyan ay matatagpuan natin sa kung ano ang Nasusulat sa Biblia. Kaya diyan ko gusto si Eli Soriano eh, “Nasusulat!” “Basa!” ang madalas niyang sigaw sa pagtuturo niya.  

Now…ang pinakapunto ko lang ay ito: ang Biblia ay batayan at labis na mahalaga sa tamang pagkakilala natin sa tunay na Diyos. Anumang pananaw na tungkol sa Diyos na taliwas sa sinasabi ng Biblia ay bulaan at hindi mapagkakatiwalaang impormasyon – at least sa Kristyanong perspektibo.

Kaya nga, sa usapin ng relihiyon, hindi talaga mahalaga kung ano ang iyong kuro-kuro tungkol sa Dios; hindi mo kailangan iyan. Ang kailangan mo ay isang matuwid na pananaw sa Diyos na nagmumula sa turo ng Banal na Kasulatan.

Ang Biblia kung gayon ang dapat na batayan ng ating paglapit at pagkilala sa Diyos. Kung wala ito, hindi natin kaylanman makikilala ng tama ang tunay na Diyos.

Ang Biblia ang siyang tumatayong ‘objective source’ ng ating pananampalataya. Ang Kristiyanismo ay naghahandog ng obhektibong pananampalataya, hindi subjective. Hindi bunga ng damdamin o palagay, kundi hatid ng data – ng Nasusulat sa Biblia. Ang biblical data ay pwedeng ilagay sa ‘scientific method of observation.’  Iyan ang dahilan kung bakit ang ‘Theology’ ay hindi lamang arts kundi science – the science of God; and so, in effect and in a sense, ang mga pastor ay mga scientists, na pwedeng i-apply scientific method sa ibaba sa pagbabasa at pag-aaral ng Biblia.

As a Christian, ang saligan, kahulugan at kulay ng ating pananampalataya ay nakasalig sa ‘object’ nito. Ang sabi nga, hindi lang mahalaga kung seryoso ang iyong pananampalataya, kundi mahalaga rin ang kredibilidad o katotohanan ng kung sino o ano ng iyong sinasampalatayan.  Totoo na may mga tao na sincere sa kanilang pananampalataya (subjective), subalit kung yung kanilang sinasampalatayanan ay mali (objective), sila’y magiging ‘sincerely wrong.’

Dahil riyan, dapat na tama at totoo ang sinasampalatayanan. At para mangyari iyan, dapat na mayroon tayong mapagkakatiwalaan, dalisay at tunay na batayan. Para sa ating mga Kristyano, ang batayan (basis) na iyon ay walang iba kundi ang Biblia.

Kita mo? I hope na nakatulong sa iyo ang paliwanag na ito pagdating sa iyong pag-iisip tungkol sa relihiyon at tungkol sa Diyos.

Salamat sa pagbabasa. Magandang araw. Pagpapalain ka ng Panginoong Jesus sa iyong espirituwal na paglalakbay. Kita tayo ulit sa next lesson next week.


[1] By the way, ang Yahweh at Jesus sa theolohikal na usapan ay may napakalapit na ugnayan. Si Yahweh ay si Jesus at si Jesus ay si Yahweh. Ang Yahweh ay kilalang pangalan ng ‘Diyos’ sa Lumang Tipan. Samantala, ang pangalan ni Jesus ang siyang sikat na pangalan sa Bagong Tipan bilang pangalan ng ‘Anak ng Diyos.’ Higit natin itong tatalakayin sa araling nauukol rito. 

[2] Tingnan mo ang sinasabi sa Romans 1:19-23. Pokus mo paningin mo sa mga kataga ng v. 23.

[3] Basahin ang naging karanasan ni Apostol Pablo sa lugar ng Athenas na kung saan marami siyang nakitang mga diyus-diyusan – Acts 17:16-21