Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


Purpose

Layunin ng ‘Pinoy Apologista: Per Stilum Vindicta’ na itaguyod ang (H) kamalayan sa Presensya ng Diyos sa kabila ng Pusikit na kadilimang hatid ng ‘Ikabod’ at ‘Hester Panim’ gamit ang Philosophy System ng ‘Post Tenebras Lux.’

Pag-asa ng Bayan. Kung maibabalik ang paghahari ng Theolohiya as the Prince of the Sciences sa kamalayan ng Masang Pilipino, mas darami ang teritoryo ng liwanag kaysa ng dilim. Ngunit ang Biblikal na Eskatolohiya ay Pesimistiko sa Popularidad ng Teritoryo ng Biblikal na Cristo.

Core Values. Ang Platform na ito ay Pinapatnubayan ng ‘System’ ng Tatlong Magkakaugnay na Prinsipyo.

  • POST: After
  • TENEBRAS: Darkness
  • LUX: Light

Mission. Gamit ang konsepto ni Kuya na ‘de-trending’ sa Social Media na nakapundasyon sa deskripsyon at ideya ng buong chapter ng Job 28, lalo’t partikular sa philosophical ideas ng verses 13 & 21; then relate sa Proverbs 2:1-5 (cf Job 28:28). Gayunpaman, mayroong partikular na ‘hunting’ na makikita lamang ng mga tunay na ‘hunter’ ng Panginoon; ito’y ayon sa ideya ng Daniel 2:22 & Proverbs 25:2. Ang konsepto ng ‘de-trending’ ay inilarawan na ni Jesus sa Matthew 7:13-14 at itinuro na ni St. Paul sa 1 Timothy 4:1 cf 2 Timothy 3:1-7. Therefore, dahil sa ganitong espirituwal na atmospera, ang misyon na Pinoy Apologista ay: ‘Isang Kaluluwa sa Bawat Providensiya.’ (Luke 15:3-7).