Overview: 1) Vertical Perspective. Ito yung kulang na pananaw sa mga kabataan ngayon. 2) Total Depravity. Ito yung dahilan kung bakit ang mga kabataan ay hindi pag-asa ng bayan in themselves. 3) Challenge. Kontrobersyal na hinaing sa mga babae sa social media.
Turo nina Aristotle at Rizal, ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan.’ Tanong ko naman: Sino o ano ang pag-asa ng mga kabataan?
Vertical Perspective
May isang kabataan na nagsulat (ang alias ay Sata Ka) ng isang talumpating-sanaysay na pinamagatang: “Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?”[1]Sa kanyang sulat ay kinilala niya ang mga pagkukulang at pagkakamali ng presenteng kabataan gamit ang pananaw na “…ang paligid ang humuhubog sa isang kabataan para lumandas ng mali.”[2] Gamit rin ang pananaw na ito, kanyang sinabi na ang kabataan ay may kakayahan na matuto at bumangon mula sa pagkakabagsak sa kamalian; at dahil rito’y siya parin ay maituturing na pag-asa ng bayan. Gusto ko yung damdamin ni Sata Ka sa kanyang isinulat. Masasabi kong hinugot niya ang kanyang sagot sa behavioral perspective[3] ng secular psychology. Gayunpaman, bilang isang theologian, naniniwala ako na pagdating sa konsepto ng ‘pag-asa ng bayan ang mga kabataan,’ hindi sapat na kunin lang ang sagot mula sa ating sarili (nature) at paligid (nurture), kundi dapat rin na tumingala tayo at hanapin ang sagot galing sa Langit (supernatural o vertical). Kailangan ito sapagkat ang ‘bugso at init ng damdamin’ (passion) ng mga kabataan ay mabibigyan lamang ng maayos na kontrol – parang mainit na tubig na nasa tirmus – kung nilulukuban ng presensya ng Diyos.
Iyan talaga ang kailangan – presensya ng Diyos – upang maging tunay na pag-asa ng bayang Pilipinas.
Kabataan and Total Depravity
Now, shift tayo ng perspective kunti…hmm…sa theolohikal na perspektiba, lalo’t sa particular na punto ng Total Depravity o makasalanang likas, ang kabataan ay hindi pag-asa ng bayan in themselves. Basic Christian perspective kasi na: ‘all are sinners and come short of the glory of God’ (Romans 3:23). Dahil sa sinful nature at lust of the flesh na napakalakas sa edad ng mga kabataan, hindi natin maituturing na ‘kabataan’ ang source ng hope, kundi sila rin ay kabilang sa mga umaasa – mga dapat umasa. At syempre, sa vertical o makaDiyos na perspektibo, ang pag-asa ng mga kabataan ay ang pagkilos ng presensya ng Diyos sa kanilang buhay. And so, may dalawang distinction:
- Una. Sa socio-pulitikal na pananaw, ang kabataan ang pag-asa ng bayan sapagkat sila ang susunod na henerasyon na magpapatuloy ng kung anumang legasiya na ipinamana sa kanila.
Subalit…
- Ikalawa. Sa moral at biblio-theolohikal na punto, ang Pag-asa ng kabataan para maging tunay na pag-asa ng bayan ay ang kaugnayan nila sa presensya ng Diyos.
Dagdag pa rito, ang biblio-theolohikal na punto ay mas higit na pinaiigting (critical need) ng agresibo, masiklab, at mainit-na-pitang lagay ng mga kabataan ngayon. Ang presensya ng Diyos ay hindi pamilyar na kumikilos sa kanilang isip, damdamin, at laman. Ibang-iba ang lagay ng mga kabataan ngayon (2026) kumpara sa uri ng mga kabataan na hinahangad ni Rizal noong kanyang panahon. For example, sabi mismo ni Rizal – sa saling Ingles ni Purino,
“Awaken and prepare the mind of the child for every good desirable idea – love for honor, sincere, and firm character, clear mind, clean conduct, noble action, love for one’s fellowmen, respect for God – teach this to your children…Teach your children to guard and love their honor, to love their fellowmen, their native land, and to perform their duties. Tell them repeatedly to prepare death with honor…”[4]
See? Para sa mga Kristyano, marami tayong makikita na ‘common grace’ or ‘borrowed lights’ or insights sa pangungusap na iyan ni Rizal. At para mangyari yung sinasabi ni Rizal na ‘respect for God,’ kailangan na maganap sa buhay ng mga kabataang Pinoy ang sinasabi sa Psalm 119:9,
“Young people can live a clean life by obeying your word.”
Iyan ang pag-asa ng kabataan! Wala ng iba. Oo, wala ng iba. At sa totoo lang, nais kong mangaral ngayon sa papel na ito sa mga kabataang babae—Oo sa inyo girls; magalit na kayo, okay lang, pero gusto kong bigyang emphasis sa mukha ninyo ang sinasabi sa verse na ‘clean life’ or purity. Gusto kong magbuhos ng aking damdamin sapagkat napakaraming tao (kabataan man o matanda) ang nabibiktima ng mga mahalay, malandi, at seductive-provocative na mga babae.
Heto na…prepare yourself…love ko kayo…pero you need to hear this…
Tapat na Hinaing sa mga Kabataang Babae Ngayon
Oh! Tayo ngayon ay nasa panahon kung saan laganap sa ating bayan ang kahalayan ng mga babae! Nagpapakalango rito ang mga Maria ng ating bayan sapagkat nakakakabig sila ng atensiyon (likes) at ginansiya (pera). Ang mga kabataang babae (syempre hindi naman lahat) ay maiinit sa laman; sila mismo ang naghahanap ng ganung bagay. Sila’y mga aggresibo! Mga mapanukso! Mga mapangahas![5] At ang matindi nito, ini-interpret nila ang kapahangahasan, pagpapaseksi, o paghuhubad o pagpapabakat ng ganun at ganyan sa kanilang katawan bilang isang art, work, at entertainment[6] – upang maging mabisang influencer kuno. Eh influencer ng ano? Ng ano? Ano yun? Yung ano?
At iyan noon pa man ang isang malalang problema ng ating bayan. Ginawang business ang seduction at pornography. Ginawang arts ang nudityby saying na ang katawan raw ng babae ang pinakamagandang tanawin sa daigdig and therefore it needs to be exposed for so-called art appreciation. At nakalulungkot isipin na maraming mga kababaihan ang nalilinlang at maging nahuhumaling sa kaisipan na ito! Ahr…Diyos ko’t patawarin ka! Matutukso kang magmura. Ay walang hiya! Handa silang ipangalandakan sa madla ang kanilang katawan at alindog para kumita ng pera – kung hindi man magpa-pansin. Mabilis raw kasing kumita ng pera kapag laman o malaman (chubby) na ang ibinibenta. Pag malaki ang legs mo, damitan mo lang ng maikling palda, yung nagwi-wave kapag kumikembot ka…naku…sigurado marami ka ng viewers. At lalo na….kung…ay naku…kung may boobs ka pa! Diba? Diba? Sorry, pero hindi ako plastic na tao – at hindi ako kabilang kaylanman sa mga konserbatibong Kristyano o simbahan na hindi kayang i-address ang mga bagay na ito. At wala akong pakialam kung anong sabihin ninyo sa akin; wala akong ibang master kundi ang talata ng Nasusulat. Ang Diyos ang nagpapakain sa akin hindi kayo! Pero ito…tuloy ko pa…
Now, bakit ba kasi dapat nagpapabakat ng laman ang isang babae sa madla? Bakit siya nagpapaseksi o nagbabawas at nagpapaiksi ng mga damit sa camera, sa Facebook, sa YouTube sa Tiktok atbp…? Ha? Bakit? Aber? Ano ba kasi ang nasa isipan n’yo mga babae? Gusto lang ba magpapansin kasi kulang sila sa pansin? Dahil ba sa yung ganitong dressing-style ay comfortable kasi mainit sa Pilipinas? Or let’s say ito kasi yung damit ni ‘idol’? What’s the reason? Ano? Ano? Pera? Ah…ang sabi ni St. Paul, ‘the love of money is the root of all evil.’ That’s why sa Japan, kahit na napakagaganda ng mga babae, pero pambihira pinapasok nila ang AV industry para sa mabilis na akumulasyon ng pera. Ahhh….grabe. At bilang isang lalaki, alam ko na hindi malalaos, mapapanis ang porn industry sapagkat ang katawan ng mga babae ay laging mabili sa mga lalaki. At alam ng mga babae na ang kanilang katawan (liban sa kanilang luha-effect) ang kanilang matinding kapangyarihan.
Okay…tama na ang sermon ko. Marami pa akong dapat sabihin sapagkat interest ko ang study na ito gamit ang likhang teorya na ‘The Theory of Sexy Roommate.’ Subalit ilagay ko ulit sa theolohikal na perspektibo ang isyu na iyan. Tatanungin kita babae sapagkat noon pa man, ikaw ay madalas ng gamitin ng Diyablo upang ibagsak ang lipunan ng mga kalalakihan. Simple lang ang question ko sa iyo: ‘Kung ang presensya ng Diyos ng Biblia ay nananahan diyan sa puso mo, sa palagay mo, gagawin mo ang bagay na iyan na ginagawa mo?’ Again, ang katawan mo ay kapangyarihan, no question about it…pero kung nananahan sa puso mo ang presensya ng Diyos, gagawin mo kaya ang bagay (landi) na iyan na ginagawa mo?
Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito. (Mateo 18:7)
Food for thought.
[1] Sata_Ka. “Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?” https://www.wattpad.com/378004949-mga-talumpati-kabataan-pag-asa-pa-nga-ba-ng-bayan Accessed March 6, 2019.
[2] Ibid.
[3] Dalawa kasi ito: Trait Approach at Behavioral Perspective. Natutuhan ko ito mula kay: James Woodward, Valuing Age: Pastoral Ministry with Older People, ed. Wesley Carr, New Library of Pastoral Care (London: SPCK, 2008), 57–61.
[4] Purino, P. Anacoreta. Rizal, the Greatest Filipino Hero. Manila Philippines: Rex Bookstore Inc., 2014. P. 173. (2018, revision).
[5] Wika pa sa Textbook ng Grade 10, Module 14: Seductive and Provocative
[6] Maganda sanang maipaliwanag pa ang kaugnayan ng mga terms na ito sa paksa natin, subalit hahaba na ang article. At at least, pwede natin itong maunawaan through social (media) awareness.

