- Overview of the Article: Westminster Confession. Magandang reference sa pag-aaral ng doktrina. Godhead. Ang Diyos kasi ay may Kadiyosan. Shema. Konteksto ng ‘One Lord.’
Ang trinitarian na paniniwala sa Diyos ay hindi nangangahulugan na ang mga Kristyano ay naniniwala sa tatlong magkakahiwalay na Diyos, na parang addition: 1(Ama) +1(Anak)+1(Espiritu Santo)=3 (Tatlong Diyos). Sa halip, ito ay paniniwala na may isa lamang na Diyos, ngunit may tatlong persona.
Okay illustrate[1] natin kunti. Kapansin-pansin na kahit na paghaluin natin ang kape, asukal, at gatas, pwede pa rin nating tawagin ang kabuoan nito na, ‘Kape.’ Halimbawa, kapag tinanong kita sa umaga ng, “Nagkape ka na?” Even though nilagyan mo ng creamer o gatas ang kape mo, pero hindi ka magri-respond sa akin ng, “Hindi nagkape’t gatas-asukal ako.” Gets mo? Inincorporate na natin sa salitang ‘kape’ ang mga ingredients ng asukal at gatas kapag nagtimpla tayo ng…kape. And so, sa ganyang pagkakagamit ng salita – sa kape – common understanding or expectation na rin sa atin, na ang ‘kape’ or ang kakapehan[2] ng kape ay hindi laging binubuo ng ‘kape’ lang, kundi may asukal rin o kaya’y minsa’y may gatas or creamer. No wonder, hindi nagtagal, nauso na likhain ang 3-in-1. Kita mo na? Now, alam natin na si kape ay hindi si asukal, si asukal ay hindi si gatas, pero sa pagkakagamit ng salitang ‘kape’ sila ay incorporated or ingredients. Okay kita mo?
Ganyan din naman sa pagpapaliwanag ng theolohikal na punto ng ‘Trinity.’[3]
Okay… sa tulong ng theolohikal na pormulasyon o pagsasaad ng Westminster Confession of Faith (WCF),[4] Chapter 2, section 3. Ganito ang paliwanag nila tungkol sa Trinity,
In the unity of the Godhead there be three persons, of one substance, power, and eternity: God the Father, God the Son, and God the Holy Ghost: the Father is of none, neither begotten, nor proceeding; the Son is eternally begotten of the Father; the Holy Ghost eternally proceeding from the Father and the Son.”
Okay, medyo malalim ang pagkaka-Ingles at napaka-teknikal ng mga kataga sa Theology. Pero tatlong pambungad na bagay ang papansinin natin rito.
- Ang Kadiyosan ng Diyos. Sinasabi sa konpesyon ang katagang ‘In the unity of the Godhead…” Ang katagang ito ay pundasyon o baytang sa pagkakaintindi sa konsepto ng trinity. Hindi itinatanggi ng mga trinitarian na mayroon lamang isang Diyos – sa katagang Ingles ay ‘Godhead.’ Ang isang Diyos na ito ay may ‘Kadiyosan’[5] at bahagi sa Kanyang Kadiyosan ang pagkakaisa ng tatlong persona. Okay, ang sabi sa paliwanag, “In the unity of the Godhead there be three persons…” At ang tatlong ‘persons’ na ito ay “of one substance…” And so, tatlo na nagkakaisa o sa kataga ko pa ay, ‘tatlo-sa-isa.’ At noong unang panahon, sa isang mainit na talakayan doon sa Nicea (325 AD), ang salitang ‘Godhead’ sa Ingles at ‘Kadiyosan’ sa Tagalog ay mahalagang salita para maipaliwanag ang mga salitang ‘ousia’ (essence) at ‘hypostases’ (persons). Sa madaling salita, kapag ipapaliwanag natin ang trinity sa theolohikal nitong paliwanag sa data-description ng Biblia, mahalagang magkaroon tayo ng distinction sa pagitan ng salitang ‘kalikasan’ at ‘persona.’ Sa kalikasan, ang Diyos ay iisa. Subalit sa persona, Siya ay tatlo. Ang ibig sabihin, ang trinity ay isang katuruan na nagsasabing mayroon lamang nag-iisang Diyos, ngunit sa Kanyang kalikasan o kadiyosan bilang isang Diyos, Siya ay mayroong tatlong Persona na ‘nagkakaisa sa iisang kalikasan.’[6]
- Kontekso ng Isa sa Shema. Dagdag pa sa konseptong may isang Diyos lamang, makakatulong rin sa atin na maunawaan ang isang theolohikal na paliwanag tungkol sa nag-iisang Diyos. Okay halimbawa, puntahan natin mismo yung sikat na talata sa mga Judio – ang Shema (Deuteronomy 6:4-5). Ang sabi rito, “Hear, O Israel: The LORD our God is one LORD.” Ang salitang ginamit sa Hebreo para sa salitang ‘one’ ay ang karaniwang kataga ng mga Judio para sa salitang ‘isa’ – ‘echad.’ Now, hindi istriktong matematikal na “1” ang siyang laging pagkakagamit sa salitang ‘echad’ sapagkat may mga pagkakataon na ang salitang ito ay ginagamit para sa konsepto ng ‘pagkakaisa’ gaya ng pagiging ‘isa’ nina Adan at Eba sa matrimonya ng kasal.[7] Sa wikang Filipino, mayroon tayong salita para sa konsepto ng ‘isa’ at ‘pagkakaisa.’ Ngunit kapansin-pansin lang na ang salitang ‘echad’ o ‘isa’ sa Hebreo ay sapat na gamitin para sa konsepto ng pagkakaisa. Kita mo yun? Ang ibig sabihin, pagdating sa Diyos, yung Kanyang pagiging ‘one LORD’ ay hindi natin pwedeng ikulong ang paliwanag sa single personhood. Sapagkat pwede palang ipaliwanag ang ‘echad’ sa punto ng pagkakaisa. Gets mo ko? Hmm, dagdag pa… maaari ring tingnan ang konteksto ng pagiging ‘isa’ ng Diyos sa Deuteronomy 6:4 na may malapit na kaugnayan sa Decalogue ng Exodus 20 – Ten Commandments. That is to say, kumpara sa mga diyos ng mga pagano – gaya sa Ehipto at Canaan – ang Diyos ng Israel ang siyang ‘one LORD’ sa punto na Siya kasi ang tunay na Diyos o ang Diyos ng mga diyos; ang nakahihigit sa lahat ng mga kinikilalang diyos sa sanlibutan.[8]
- Pagkakaisa-Pagkakaiba. Lastly sa definition ng WCF, mahalagang tandaan rin na bagamat mayroong pagkakaisa sa iisang kalikasan ng pagkaDiyos ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, sila naman ay may pagkakaiba sa persona. Iyan ang dahilan kung bakit mabilis na dagdag paliwanag agad ng konpesyon na ang Ama ay hindi ang Anak, ang Anak ay hindi ang Espiritu Santo. Sa madaling salita, may pagkakaiba sa persona. Now, take note, dapat rin nating bigyan ng differentiation ang salitang ‘pagkakahiwalay’ at ‘pagkakaiba.’ Ang tatlong persona ng Diyos ay hindi magkakahiwalay sapagkat sila nga ay nagkakaisa sa iisang kalikasan “of one substance…” Gayunpaman, kahit na sila ay may pagkakaisa sa iisang kalikasan, mayroon naman silang pagkakaiba bilang mga persona. Kuha mo? Madalas kong ilustrasyon ang ganito: Kapag hiniwalay ko ang katawan mo at kaluluwa mo, mapapatay kita. Subalit kapag pinagkaiba ko ang katawan at kaluluwa mo, buhay ka pa rin, kasi ang ginawa ko lang ay ang bigyan ng pagkakaiba ang katawan at kaluluwa mo: ang katawan ay hindi kaluluwa, at ang kaluluwa ay hindi katawan. Kita mo na?
Hay! Grabe! Kapagod sa utak ipaliwanag ang doktrinang ito. O siya, kita-kits ulit Kapinoy sa next lesson. Kailangan ko ng magkape, sumakit ang batok ko.
[1] Laging may kahinaan at limitasyon ang illustration, and so, nais ko lang na sundan mo ang konsepto o prinsipyo ng illustration na pinupuntirya ko – ang i-establish ang konsepto ng pagkakaisa at pagkakaiba. Ang kahinaan ng illustration na ito ay mismong sa ingredients. Kasi kahit nai-establish ko na may ‘pagkakaiba’ subalit kasi mapipinsala nito yung fact na magkakatulad ang tatlong persona sa ‘nature’ – that’s why ‘of one substance.’ Hence, ‘mixture problem.’ I mean, suppose to be, ang konsepto ng pagkakaiba ay hindi dapat sa substantial na pagkakaiba ng asukal at kape at ganon na rin ng gatas. Kuha mo? Pero, ano ba kasing illustration sa planet earth (2D) ang pwedeng maka-illustrate ng perpekto sa Trinity (3D)? Ang alam ko lang na madalas gamitin ay ang ‘liwanag.’ But I’m appealing to memorable illustration here as an introduction; and so I commend you to your pastor to study it more in its complexities. Mahina ang kalaban eh. Hehe. Kasabihan na lang pala yan ng mga millenials.
[2] ‘State of being’ ng Kape; yung pagiging ano (whatness) ng kape.
[3] Tingnan ang Matthew 3:13-17; 28:19; 1 Corinthians 13:14.
[4] Ang Westminster Confession of Faith ay doktrinal na konpesyon ng isang denominasyong Kristyano na kung tawagin ay ‘Refomed.’ Ang Konpesyon na ito ay binuo noong 1643 sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang theologians noong panahong iyon para sa Church of England. Hindi ako Reformed kundi Calvinist pero sa punto ng TULIP. Gayunpaman, gusto ko ang theological statements nila sa mga partikular na doctrina. Maituturing ko ang WCF na magandang reference. For general information puntahan ang Wikipedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Westminster_Confession_of_Faith
[5] Salin ko sa salitang ‘Godhead’ sapagkat ang salitang ito ay etimolohikal na tambalan sa Ingles ng ‘God’ at ng hulapi (Old English suffix) na ‘had.’ And so, ‘Godhad,’ na syempre sa paglipas ng panahon ay naging ‘Godhead.’ Ang suffix na ‘had’ kasi ay nangangahulugan ng estado, kalagayan, katatayuan, ranggo o kalikasan. Ginagamit rin ang suffix na ito sa mga salitang ‘brotherhood, childhood, priesthood….at iba pang may ‘hood’ sa English. Sa ating wika – sa tingin ko – kakatwa ang nangyari sapagkat kung sa English ang ‘had’ ay suffix, sa Filipino ang ginawa natin ay prefix or unlapi – gaya ng sa ‘kapatiran, kaparian, kabataan at iba pang may ‘ka.’
[6] Now, I understand na mahirap sa atin itong maunawaan sapagkat wala tayong reference sa ating pagkatao para maunawaan ito. Walang sinuman sa atin ang nagtataglay ng tatlong persona; at hindi natin kaylanman dapat ipaliwanag o ilarawan ang trinity ng Diyos sa schizophrenia. But this is good, nagpapakita lang na God-level ang usaping ito, therefore expected na dapat maging mystery sa isipan at karanasan ng tao – although magagawa pa rin nating ipaliwanag in a logical way.
[7] Tingnan sa Genesis 2:24, ikumpara na rin sa Genesis 11:6 at Numbers 13:23.
[8] Ang konteksto ng ‘echad’ sa Deuteronomy 6:4 ay higit mong mauunawaan kung babasahin mo ang kabuoang kabanata.

