Hingi Tayo ng Payo kay A.Kempis
Si Thomas A. Kempis ay isa sa paborito kong mala-ermentanyong manunulat sa nakaraan na ang pagpapahalaga sa malalim na pakikipag-relasyon kay Jesus ay tatak ng kanyang mga pagmumuni-muni. Sa usapin ng kilos–loob na may kaugnayan sa ‘lust of the flesh’ – sa anyo ng bisyo o layaw at anupamang di-kaaya-ayang pagnanasa – ganito ang kanyang ibinahaging pananaw.[1]Kagamit-gamit ang kanyang kaisipan sa atin ngayon, kasi – ay grabe, Diyos ko’t patawarin ka – ang hina o wala tayong pagpipigil sa sarili. Diba?
Ganito ang aking pagsasalin.
Sa tuwing ang isang tao ay may hinahangad na hindi kaaya-aya, ang kalooban niya’y naliligalig; parang apoy sa tigang na lupa.
Ang taong hindi marunong tumanggi sa sariling-nasa ay madaling matangay ng tukso. Siya’y madaling daigin at tangayin ng munting pita. Siya na mahina ang espiritu at nasanay sa gawi ng laman at may marupok na damdamin ay tiyak na mahihirapan na lumayo sa kamunduhan.
Lubhang nalulungkot ang isang taong mahilig sa layaw ng laman sa tuwing nalalayo siya mula sa ginugustong bawal. Mabilis sumiklab ang kanyang galit kapag may mga taong pinagbabawalan siya na yumakap sa kanyang layaw at bisyo. Subalit ang layaw at pita kapag iyo ng nalasap sa pinakapuro nito ay matutuklasan mong isang palakol sa iyong ulo. Hindi nito naibibigay ang tunay na kasiyahan at kaloobang payapa.
Ang tunay na kasiyahan at payapang kalooban ay matatagpuan sa pakikipaglaban sa pita ng laman; di sa pagsunod sa layaw. Kaya’t kung tutuusin, wala talagang tunay na kapayapaan sa puso ng isang makamundo at makalaman.
Aplikasyon Ngayon sa Mundo ng Facebook at TikTok
Grabe at gusto ko yung kanyang sinabi na, “Ang tunay na kasiyahan at payapang kalooban ay matatagpuan sa pakikipaglaban sa pita ng laman…” Para sa akin, ang tindi ng thought na iyan. Para s aiyo, ano ang provoking or challenging thought?
Now, kapag titingnan natin ang sinasabi ni A.Kempis gamit ang background ng karaniwang hilig ng mga kabataan ngayon, siguradong pwede nating maisip, “Totoo ba ang sinasabi ng taong iyan?” Parang un-realistikong larawan na yata yan sa panahon natin ngayon; lalo’t sa Facebook at Tiktok na mundo ng mga kabataan at idagdag mo na rin ang Vape, O pambihira! Now…I tell you, I feel you and I understand. Gayunpaman, ang intension ng puso ni A.Kempis sa kanyang sinasabing ‘Inordinate affection’ (sa English version actually)—bagamat parang unrealistic and un-normal salagay ng pagkatao ng ating sense-experience ngayon—ay bunsod kasi ng isang puso na nasanay sa habitual na pakikipag-usap kay Jesus sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa ng Biblia. Iyan ang malaking pagkakaiba ng kanyang Kilos-Loob sa atin ngayon. May malakas at marami siyang exposure kay Jesus, kumpara sa atin ngayon na babad ang paningin sa Facebook (at sa babaeng kumikembot na ang ganda ng pag-sway-sway ng balakang at maikling palda—talking to you guys, hehe). Diba true? At kayo naman na girls, naka-adikin n’yo na rin kasi ang magpa-show-off ng inyong mga hita at dibdib, tapos ang gusto n’yo mag-isip kami ng matino kapag ginagawa n’yo yun?! Diba, parang nilalandi n’yo kami? Ano yun? Hehe. True naman diba? The point is: bawat isa sa atin ay may sala, at ginagawa natin ang mga kontribusyon na iyan sa paglawak ng kasalanan kasi hindi tayo ‘exposed’ ng sobra sa presensya ni Jesus. At iyan, ang talagang problema sa ating panahon: expose-na-expose ang utak at damdamin sa social media at wala ng time at pagpapahalaga na lumuhod sa isang tahimik na kuwarto at makipag-usap at ibuhos ang isip at damdamin sa presensya ni Jesus, na sa totoo lan ay laging naghihintay sa atin na makaalala at makipag-usap sa Kanya.
[1] Hinalaw o hinango at isinalin ko ang kanyang sinabi mula sa kanyang libro na ‘Imitatio Christi,’ sa Chapter 6. Pinamagatang “Inordinate Affections.” Sa katunayan, kapag itinaype mo sa Google ang book na iyan, may makikita kang libreng PDF, and I hope na i-download mo; it’s good for your soul.

