Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


Isang Kagat Lang

Ang ‘moral ideal’ ay ating hinahangaan;

‘Right and wrong’ na bigay ng Langit ating sinasampalatayan.[1]

Ngunit ang Utos ay mahina sa ating laman

Siyang pinapalakpakan nati’y, atin ring dinuduraan.[2]

Ang bawal sa isang kagat lang,

Di ka uurong kapag iyo ng natikman.[3]


[1] Ganyan tayong mga tao. Sa Episode 2 ng DeathNote, sinabi ni Light Yagami na pakitang-tao talaga tayong mga ‘humans.’ Kapag sa usapin sa publiko ng tama at mali, mabilis tayong pumalakpak sa mga GMRC na pangangatuwiran. Ang bilis nating hatulan ang mga lumagpak sa mga itinuturing nating mali; at wala tayong habag na sila’y duraan na walang pakundangan sa sitwasyon kung bakit nila iyon nagawa. Napaka-self-righteous nating mga humans. Eh sa totoo lang, ikaw rin naman ay may kinakagat na ‘bawal’ na Diyos lang ang nakakaalam; na di pa niya sinasa-publiko. Pag sinabi-publiko niya yan, anuman yan, duduraan ka rin. So bakit, ang lakas mong dumura sa pagbagsak ng iba? (Romans 2:1,3, 21-23). Eh kung sa mata ng Diyos, ‘walang hiya’ ka rin naman.

[2] Romans 3:20; 7:7-9; 8:3; Hebrews 7:18. Ito yung ‘peccatum orihinale.’

[3] Genesis 3:1-8