‘Peccatum Orihinale’1 ay ugat ng pusong salbahe
Narcisistikong ugali mapanlaglag sa ere.2
Mapagmalinis na posteng asin sa alat3
Pariseong tumingin na gaya ng spoiled brat.
Oh A Kempis tama ka! Pamilyaridad ay punyal
ng mga taong sinlamig ng kalawang na bakal.4
GABAY SA INTERPRETASYON NG TULA
- Ang katagang ‘peccatum orihinale’ ay isang Latin na kataga na tumutukoy sa theolohikal na turo ng ‘Total Depravity.’ Kinuha ko ang katagang ito sa Repormistang theologo na si John Calvin. Sa simpleng paliwanag, ito ay tumutukoy sa ‘makasalanang likas ng tao.’ Sa punto ng tula, ang kamay ay kukuha ng punyal o kutsilyo laban sa kapwa sapagkat (in the first place) sa puso pa lang ng tao ay mayroon na siyang tendensiya na hindi maging mabuti sa kapwa. Totoo na sa punto ng karanasan ay may ‘bait’ na nananahan rin sa puso ng tao – siguro ito yung madalas sabihin na ‘butil ng liwanag’ – gayunpaman, alam rin natin na hindi lahat ng lumalabas sa puso ng tao (natin) ay mabuti at butil ng liwanag. Sa katunayan, mas marami pa nga ang kalawang na tinik at nagliliparang kutsilyo ng kadiliman ang lumalabas sa puso natin. Ito marahil ang dahilan kung bakit pesimistiko (at suspicious) si Jesus at si Pablo pagdating sa lagay ng puso ng tao. Pagdating sa pananalita ni Jesus, dapat tandaan na pinaniniwalaan ng Pinoy na Siya’y Anak ng Diyos – at ang Anak ng Diyos ay hindi dapat nagmamalabis at nagsisinungaling sa kanyang pananalita; dapat tumpak, makatuwiran at totoo. Ganito ang sabi Niya, “Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang puri.” (Mateo 15:19). Kita mo? Ang sabi naman ni Apostol Pablo ay ito: “Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos…pananalita nila’y pawang panlilinlang. Ang labi nila’y may kamandag ng ahas.” (Roma 3:13). At sa katunayan, ang may-akda ng Pinoy Apologista ay namatay ng dahil sa kamandag na ito – isang narcisistikong kamandag ng ahas.
- Yung katagang ‘mapanlaglag sa ere’ rito ay actually inspirado ng kataga sa KJV ng 2 Timothy 3:3, ‘trucebreakers.’ At ito ang dahilan kung bakit naisip ko ang pamagat sa tulang ito na ‘Punyalita.’ Bakit? Kasi bago ang verse 3, mayroong descriptions sa verse 2 tungkol sa uri ng mga tao (bata, kabataan o matanda man) na lalabas sa ‘huling mga araw’ na sinasabing ‘proud, abusive, disobedient to parents, ungrateful, unholy,’ then pasok sa verse 3, may progressive description ng kasamaan, yun ay: ‘heartless, unappeasable…” (ESV). By the way, ang ‘huling mga araw’ sa Biblia ay tumutukoy sa ating panahon ngayon. Now, ito ang nakikita ko: ang pagkuha ng kamay sa kutsilyo laban sa isang tao ay napakadali lang ng dahil sa verse 2. Pag-isipan mo, ang ugaling iyan (trucebreakers) ang nagpapadali sa tao na kumuha ng kutsilyo na itatarak sa likod ng kanyang kapwa patungo sa puso. Ikalawa, tinawag kong “Punyalita” sa halip na “Punyal” lang sapagkat may tono at katunog kasing salita na gusto kong maisip mo. Walang iba kundi ang Kastilang salita na “punyeta.” Iyan mismo ang salitang bagay sabihin at ilarawan at itunog sa uri ng mga taong iyan. Sila ay mga ‘punyeta’ sa buhay. Sila yung tipo ng mga tao na kung saan kahit anong banal mo pa na katulad ng Santo Papa ay hindi mo maiiwasang uminit ang ulo mo at magmura. Wala akong pakialam kung hindi mo gusto ang salita; masyado ka lang sigurong konserbatibo sa buhay, palibhasa’y lagi kang nasa comfort zone at hindi ka nakakahalubilo ng ganyang uri ng mga tao. Ngunit ang ganyang uri ng mga tao ay ‘punyeta.’ Ikatlo, pinamagatan ko ang tula na ‘Punyalita’ sapagkat iyan ang tawag ko sa maliit na punyal or baby knife. Haha. Kasi ganito: ang punyalita ay paboritong sandata ng mga ‘ingrata’ o mga ‘ungrateful’ (2 Timothy 3:2). Ang mga ‘ingrata’ kasi ay may malapit na kaugnayan sa mga ‘traydor.’ Sa katunayan, iniisip ko na ang dalawang salitang ito ay mag-asawa at ‘walang under’ sa kanila kundi equal. Bagamat suspicious sila sa isa’t isa subalit sobrang-sobrang magkasundo talaga sila pagdating sa pananawi ng kapwa na inalagaan at pinagkatiwalaan sila ng lubusan; ito ang kanilang passion. Bagay na bagay sa kanila yung sinabi sa napanood kong movie na pinamagatang ‘The Fifth Estate’ na ang bida ay ginampanan ng paborito kong actor na si Benedict Cumberbatch. Okay, ganito ang sinabi niya sa senaryong ang mga tao ay nagiging ‘confused’ o balingbing na ng dahil sa mga sabi-sabi: “You can’t go far in this world by relying on people. People are loyal until it seems opportune not to be.” Hindi ako masyadong agree sa first line (50/50, may element of truth pero may denial rin kasi ng psychological reality). But pagdating sa second line, 100%. Very true! Kahit kay Jesus ay nangyari yung second line.
- Habang binubulay at sinusulat ko ang linyang ito: ‘Mapagmalinis na posteng asin sa lahat,’ may tatlong punto ang naglalaro sa isip ko bilang ilustrasyon. Una, naisip ko yung asawa ni Lot na lumingon o ‘nagbalik-tanaw’ sa Gomora habang pinapaulanan ito ng Diyos ng asupreng apoy. Naging posteng asin ang babae. Ito yung uri ng mga taong ang hina ng kalooban; walang paninindigan; iiwan ka sa ere ‘during the heat of the battle’ ika nga. The thing is: malakas sila tingnan sa panlabas na anyo at pananalita, subalit ‘during the heat of the battle’ lilingunin nila ng may hagulgol ng panghihinayang ang mga bagay o tao o jowa na hindi nila maiwan; yung kanilang comfort zone. Ikalawa, pagdating sa salitang ‘mapagmalinis,’ syempre automatik na Pariseo ang iniisip ko (Luke 18:9-14). Sila yung mga tao na ang tingin sa sarili ay nakaka-angat at napakalinis; walang baho. Mga taong walang konsiderasyon, walang awa, holier-than-thou. Eh sa mata pa lang nila ay mahahalata mo na ang pandudusta sa kapwa, lalo’t sa bumagsak na kapwa! Usually, ito yung mga taong lumaking ‘spoiled’ sa isang comfort zone ng kalinisan at pagkarelihiyoso. Mga konserbatibo, nasa yayamaning malamig na simbahan (tahanan) na humubog rin ng kanilang malamig na kalooban. Ito yung uri ng tao na kapag may nakita o narinig na nagkasala, ang puso niya ay tuwang-tuwa na kumuha ng bato at makibato rin sa katauhan ng nagkasala – parang asong ulol makitahol (Puntahan mo ang tula ko tungkol sa ‘Aso’t Baboy.’ Usong-uso itong asal at galawan sa Social Media. Now, ito ay hindi dapat maliitin na uri ng pagkakasala – ‘mapagmalinis’ – sapagkat isa ito sa seryoso o major na ugali na dahilan ng pagbagsak ng bayan ng Juda sa kamay ng Babilonia (Micah 6:8). Nang dahil sa naging ‘mapagmalinis’ ang mga banal-banalan o religious leaders ng Juda, hindi sila naging ‘maibigin sa kaawaan’ na isa sa tatlong essensya ng katuparan ng buong Kautusan (Equality, Mercy & Humility). Ito rin mismo ang ugali at galawan na makikita sa mga pinuno ng Israel noong may iniharap sila kay Jesus na isang babaeng nahuli sa pangangalunya. Gusto nilang batuhin ang babae – ayon na rin daw kasi sa sinasabi ng Kautusan – subalit tumugon si Jesus ng rebolusyunaryo at napakabisang konsepto gamit ang diwa ng Mikas 6:8: ‘Sino man sa inyo na walang kasalanan ang siyang unang bumato sa kanya.’ At pagkatapos nito, si Jesus ay nagsulat lang sa lupa at ang mga mapagmalinis ay unti-unting nawala. Kaya’t ikatlo, bagamat sa panlabas na anyo ay napakaputi o santo-santita ang mga punyalistang ito, pero kapag natikman (nasubukan) mo na sila, eh ang alat-alat pala! Pwe!!! Mapapadura ka talaga. Kaputi-puti, ang alat naman! Kita mo ang point? May kilala ka bang ganyan? Kaya mag-ingat sa maputi. Hehe.
- Dito sa ikatlong saknong, ang ideya ng ‘pamilyaridad ay punyal’ ay kinuha ko sa aklat na Imitation of Christ ni Thomas A Kempis. Mababasa sa Book 1, Chapter 8. Sa tingin ko ay mahaba itong usapin, bagay na mismong naranasan ng may-akda ng Pinoy Apologista na ikinamatay niya. Subalit kung maaari ko mang paikliiin ang paliwanag ay ganito: Ang pagmamahal sa kapwa ay hindi maiiwasang pagbabahagi ng ating puso; ganyan talaga ang pagibig. Syempre, alam natin na hindi laging perpekto ang pagmamahal sa kapwa; madalas na may bahid ng kahinaan. Gayunpaman, dahil ang tibok at kilos ng pagmamahal ay nangangahulugan rin ng pagbibigay ng panahon at pagpapahalaga sa ating minamahal, nagiging ‘vulnerable’ (familiar) tayo gaano man tayo kalakas na nilalang. Inaalis ng pagibig ang ating mga kalasag o ‘defenses.’ At gaya ni Jesus, kapag napatapat ang puso mo sa isang taong hindi mo alam ay may pusong ‘sinlamig ng kalawang na bakal,’ siguradong patay ka. Kita mo? Isa siyang napakasakit na karanasan, gaya mismo ng pagkapako sa Krus.

