- Overview of the Article: (1) Katawan ng Diyos. Kapag nananalangin ka sinasabi mong may katawan ang Diyos eh. (2) Body Parts ng Diyos. Kahit si Moises, David, at Isaiah ay nagsabing may katawan ang Diyos. Oo nga. (3) Anthropomorphic Language. Well, hehe…ito ang theological explanation for point 1 and 2.
Sa nakaraang mga aralin ay tinunghayan natin ang mga theolohikal na katotohanang nakapaloob sa kalikasan ng Diyos bilang ‘Espiritu’ – Trinity, Transcendence, at Immanence. Ang mga katangiang ito ng Diyos ay napakahiwaga, that’s why tinatawag ng mga theologians na ‘non-communicable attributes.’ Subalit isa pang kahiwagaan na nakaugnay rito ay ang palaisipang sa unang tingin ay simple, ngunit kapag pinagbulayan na…ah’y… isa palang malalim na karagatan. Well, ano yun? Hmm, tawagin natin siyang ‘divine anthropomorphism.’ Wag ka mag-alala, ipapaliwanag ko ang termino mamaya, subalit nakapaloob sa paksang iyan ang isang mahalagang katanungan na ganito:
‘Diba, kapag sinabi nating ang Diyos ay Espiritu eh wala Siyang katawang pisikal? Eh bakit ang Biblia ay punong-puno ng pagsasabi na Siya raw ay mayroong kamay, mata, bibig, ilong at iba pang bahagi ng katawan ng tao?’
See? Iyan ang tanong.
Panalangin sa Diyos na may Katawan?
Sumagi na ba yan sa isip mo? Hindi nga, as in? Sa simbahan kasi, minsan may mga panawagan o dalangin sa Diyos na nagsasabing, ‘Panginoon, yakapin Mo ako’ na para bang gustong ipahiwatig na may braso at kamay ang Panginoon. Tapos may mga pastor na kapag nananalangin ay ganito, “Panginoon, iunat Mo ang iyong mapagpalang kamay at kami’y Iyong pagpapalain,” na syempre nagsasabi sa ating isipan na tila may ‘kamay’ ang Panginoon, na parang sa ating tao. Now ikaw, ano ang karanasan mo sa iyong simbahan tungkol diyan? Naririnig mo ba ang iyong mga ka-churchmates o pastor o mga leaders na may ganyang kataga ng ginagamit sa Diyos?
So gamit ang ganyang mga halimbawa ng pagtawag at dasal sa Diyos, gusto ba nating palabasin na ang Diyos ay mayroong ‘katawan’ na gaya ng sa atin? Minsan pa, batay sa mga nagdaang aralin, inilatag ko na ang Diyos ay Espiritu – at ika nga ni Jesus – ang espiritu ay walang laman at buto (Luke 24:29).
Espiritung Diyos na may Bisig, Puwet, at Tenga? Ha!
Now, huwag tayong mabahala kung sakaling ginagamitan natin ang Diyos ng mga pisikal na sangkap sa ating panalangin, yamang ang mga tao sa Biblia na tumatawag sa Diyos ay gumagawa rin naman ng ganyan. Halimbawa, ang sikat na lider mismo ng Israel na si Moises ay humingi ng basbas sa Diyos para sa bansang Israel na ganito ang sinabi, “Walang hanggan Niyang bisig ang inyong kanlungan…” (Deuteronomy 33:27). Sa talatang iyan ay sinabi ni Moises na ang Diyos raw ay may ‘bisig’ – in fact, ‘walang hanggang bisig.’ Samantala, ang sikat na mandirigmang makatang hari ng Israel na si David ay nagsabi ng ganito, “Si Yahweh ay naroon sa Kanyang banal na Templo, doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono…” (Psalm 11:4). Kita mo? Ang Diyos ay ‘nakaupo,’ so ibig sabihin, mayroon Siyang puwet. Hmm. Kita mo yun? At heto pa, ang isa sa mga major prophets ng Old Testament na si Isaiah ay nagsabi ng ganito, “Tingnan ninyo, si Yahweh ay may kakayahan upang iligtas ka; siya’y hindi bingi upang hindi marinig ang inyong hinaing.” (Isaiah 59:1). And so, gustong palabasin ni Isaiah na ang Diyos ay may tenga. Now you get the point? Syempre, marami pang mga talatang ganyan. Pero yun nga…gamit ang mga pahayag na iyan, nangangahulugan ba na ang Diyos ay mayroon ring katawan na gaya natin?[1] Hehe…question na naman. Sa palagay mo? Isip ka muna Kapinoy…ng 30 seconds bago mo basahin ang susunod na section. May katawan kaya ang Diyos?
Point of Contact: Anthropomorphic Language
Now heto na…papasok na tayo sa termino ng mga theologians – ang ‘anthropomorphism.’ Well, madali lang unawain ang salitang iyan. Iyan ay kombinasyon ng dalawang salita sa Griego: ‘anthropos’ (human) at ‘morphe’ (form). Kita mo na? Ang dali lang diba? Ang literal lang na ibig sabihin ay: human form. Sa simpleng kahulugan sa Theology, ang divine anthropomorphism (human form of God) ay isang metaporikal na pahayag na ginagamit ng Diyos[2] o ginagamit natin sa Diyos upang magkaroon tayo ng makabuluhang pakikipag-usap sa Kanya or yung maka-relate Siya sa atin.
Now ganito yan: sa pamamagitan metaporikal[3] na pangungusap, ginagamit nating ‘paglalarawan’ ang mga sangkap ng ating katawan upang tukuyin ang isang kakayahan at katangian ng Diyos – sa paraang madali rin nating maunawaan. Okay parang ganito: kapag sa panalangin ay sinasabi natin na ‘Yakapin mo ako Panginoon,’ ginagamit nating larawan o metapora ang bisig upang tukuyin na kung paanong dito sa lupa ay ipinapahayag ng mga tao ang pagmamahalan sa pamamagitan ng pagyayakapan, gayundin naman, tinatawagan natin ang Diyos na ipadama rin Niya sa atin ang prinsipyo at diwa ng tunay na pagmamahal na galing sa Kanya; Siya na nasa Langit. Ginagamit natin ang salitang ‘yakapin’ – na pamilyar sa ating kaunawaan, karanasan, at larawan dito sa lupa – upang ipadama ng Diyos ang isang katotohanan ng pagibig na mayroon sa langit; na kung saan ang pagibig na iyon – bagamat taga-Langit—ay gusto nating maranasan dito sa lupa sa paraang mauunawaan natin. Kita mo? That’s why, hindi maiiwasang gamitin ang salitang ‘yakapin’ tungkol sa realidad na iyon ng langit sapagkat ang hangad nating mangyari ay maranasan ang makalangit na realidad na iyon sa paraang mauunawaan natin dito sa lupa. Gets? Medyo lumalim ba? Hmm…Pero yun nga…sa madaling salita: gumagamit tayo ng mga termino, larawan o kataga dito sa lupa kapag tayo ay tumatawag sa Diyos sapagkat gusto nating bumuo ng isang common ground or point of contact na kung saan ang tao at ang Diyos ay magkakaroon ng rational o makabuluhang ugnayan o usapan. Kita mo na? Ha? Hindi pa rin? Sabi ko sa iyo malalim eh.
Pero yun nga, hindi malabong mangyari ang ugnayan ng Diyos at tao sapagkat tayo’y nilikha ayon sa Kanyang wangis at larawan. Halimbawa, tayo ay may mata sapagkat ang Diyos na lumikha sa atin ay may prinsipyo ng paningin. Hindi man pisikal ang Kanyang mata, subalit ang kakayahan o prinsipyo ay naroroon. Ang ‘prinsipyo’ ay higher kaysa ‘pisikal.’ Nauunawaan Niya ang realidad ng makakita (sa higher level pa nga) yamang Siya mismo ang Manlilikha nito. And so, ganun din sa ating pandinig, pandama, puso, atbp; ang Diyos ang lumikha ng lahat ng mga iyan – and so, napaka impossible naman na Siyang Manlilikha ay hindi nagtataglay ng mga gayong kakayahan – yamang Siya ang bukal ng lahat ng kakayahan. Kaya nga, kapag ginagamit natin ang mga paglalarawang pisikal sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos, huwag tayong mabahala na para bang hindi Niya tayo nauunawaan. Think about it! Siya ang Creator at Designer ng mga ito – and so…He understands. And so, kapag sinabi mo sa Diyos na ‘yakapin Mo ako,’ bagamat wala Siyang pisikal na bisig na gaya natin (sapagkat Siya nga ay Espiritu), ang prinsipyo at diwa naman ng ‘yakapin’ ay napakayamang nananahan sa Kanyang Presensya; na anupa’t kahit walang pisikal na braso ang yumayakap sa atin subalit yung prinsipyo, diwa o espiritu ng Kanyang pagibig ay pinapadaloy Niya sa ating kalooban na sagad sa ating kaluluwa. Kita mo na?
Okay, last thought na lang…hehehe. Ang ating mga pisikal na metaporang panawagan at pakikipag-ugnayan sa Diyos na halaw sa ating pagkatao at pisikal na sangkap ay nagpapakita lamang na kahit na ang Diyos ay hindi pisikal, subalit Siya ay personal. Sa katunayan, ang personality ay nakaugat sa spirituality.[4] No time to explain but food for thought. And speaking of ‘food,’ habang sinusulat ko ito, pinapaligaya ang utak ko ng Toblerone. Hehe…nang-inggit. God bless your day Kapinoy. Huwag kang susuko, fighting lang – ang yakap ni God ang lakas mo! Tawag na sa Kanya.
[1] Ito ay maaaring simpleng tanong sa pakinig ng ibang tagapagturo, subalit para sa akin – yamang ito’y under pa rin ng subject ng God’s spirituality – ito’y isang palaisipan. Syempre, madaling sabihin na ang Diyos ay walang katawan na pisikal na gaya natin, subalit dahil ang Diyos ay mayroong (sa kataga ng mga theologians) ‘substance’ or ‘being’ or existence, lalabas na dapat ay mayroong Siyang ‘pagiging mayroon’ o ‘pagiging nariyan,’ kumbaga ay, ‘katawan’ na syempre ay hindi pisikal, kundi sa Kanyang level ay isang ‘kalalagayan’ o ‘kinaroroonan’ ng Kanyang pagiging ‘mayroon’ at ‘nariyan.’ Wika ni Theissen (1949), “God is a substance…a spiritual substance” (p. 75). Now, kung ‘ano’ ang anyo o porma ng Kanyang ‘pagiging mayroon’ ay hindi ko (natin) alam. Kay Jesus (na Anak ng Diyos) ay medyo madaling isipin sapagkat Siya’y nagkatawang tao, subalit sa Diyos Ama at maging sa Espiritu Santo…napakahirap isipin. Kita mo ang conceptual at perceptual struggle ko rito? Ang mangangaral na si Finis J. Dake – sa pamamagitan ng kanyang ‘Dake’s Annotated Reference Bible’ ay natuklasang naniniwala na ang Diyos ay mayroong ‘katawan.’ Tingnan rito: https://www.equip.org/articles/does-god-have-a-spirit-body/ (accessed September 11, 2026). Hindi ko view ang kanyang arguments, but interesting para sa akin ang mga natuklasang argumento niya.
[2] Halimbawa pa, sinasabi na ang Diyos ay may ‘mata’ (Psalm 34:15), tenga (2 Kings 19:16), kamay (Exodus 6:6, 15:6), mukha (Numbers 6:25), bibig (Isaiah 55:11), daliri (Exodus 31:18; 33:23), paa (Nahum 1:3), puso (Hosea 11:8), boses, (Genesis 3:8)
[3] Teka, alam mo ba ang ‘metaphor’? Remember ang iyong English subject? Or Google mo na lang.
[4] Sabi ni Theissen, “…the very idea of spirit implies personality.” Theissen, Clarence. Lecture in Systematic Theology. Revised by Vernon D. Doerksen. Wm. B. Eerdmans Publishing Company. Grand Rapids Michigan. 1977. p. 77.

