‘Homewrecker’ ang pinakamataas na pagkakasala sa lupa,
sa mata ng Diyos, ito ang siyang pinakamalala.[1]
Ngunit di lang ito tumutukoy sa tahanang ginambala
kundi sa anumang ‘safe place’ na sinira.[2]
Sinira ng mga walang pakundangang kapasyahan[3]
Bunga ng di pinag-isipan at ingratang mga hakbang.
[1] Homewrecker ayon sa sinasabi ng Proverbs 6:16 and 19, “seven things that are an abomination to Him” “…a person who spreads discord among family members.” Ikumpara sa mga talatang ito: Proverbs 6:14; 16:28; 22:10; 26:20.
[2] Konektado sa homewrecker, anumang Kristyanong samahan, gaano man iyon ka-imperpekto ay maituturing pa rin na Kapatiran kay Cristo. Kaya’t kung ang isang pagkakasalang kaso ay hindi inaayos ng pribado sa loob ng Kristyanong kapatiran at sa diwa ng Krus (1 Corinthians 6:1-8), iyon ay naghahatid ng kasiraan sa tahanan ng Diyos at ito ay kasuklam-suklam sa Kanyang paningin. Kaya’t anong pagkamuhi ng Diyos sa mga taong gumagawa ng pagkawatak-watak na ito sa Kapatiran!
[3] Mga desisyon at aksyon na dulot ng walang konsiderasyon, irresponsable, at padalos-dalos na isipan. Selfish! Walang pakialam sa komunidad.
