Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


AHAS

Anong ibig nating sabihin kapag sinabihan natin ang tao ng pasigaw-sapagkat tayo’y nag-aapoy sa galit- na “Ahas ka!” O kaya, kahit sa mahinanong sambit, “Ahas siya!” Mabalasik man o mahinahon, ang salitang “Ahas” ay napakamabisang larawan para sa taong Traydor, Ingrata, at higit sa lahat Hipokrito (Self-Righteous). Simula pa lang noong pinatay ni Cain si Abel, ang ugali ng Ahas ay patuloy na gumagapang sa puso ng sangkatauhan, lalo’t sa mga taong malapit sa iyo. Isa ka bang ahas? Maaari. Kaya’t sa positibong punto, maging ‘ahas’ rin tayo (sa ‘talino’) upang hindi matuklaw ng mga ulupong na ito (Mateo 10:16).