Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


Ang Tapik ni Mata

Paningin, paningin, ang nagsasabi sa akin

kung ano ang panlasa1 ng likas kong akin.2

Mata3 ang nagpapaabot sa kung anong tinitibok

ng pusong nasa sulok ng pagkataong alabok.4

Ang pagnanasa’y taglay na ng ‘unique’ mong persona;

si mata’y tagatapik lang ng kung sino ka talaga.5

GABAY SA INTEPRETASYON

  1. Mayroon akong tinatawag na konsepto ng ‘theology of taste’ o ‘psychology of taste’ na nakaugnay sa punto na: ang panlasa ng tao o yung kanyang desire o passion ay konektado sa kanyang personalidad o programang katauhan. Iyon ay dahil sa para sa akin, ang ‘personality’ ay katulad ng isang ‘computer program’ or ‘app.’ Ang puntong ito ay dapat na iugnay sa kasunod na puntos. 
  2. Sa Genesis 3:4-6, kung iyong papansin, mayroong malapit na ugnayan ang v.5 at v.6 sa ‘stimulus and response’ na sikolohikal na perspektibo. Ang sabi ng Ahas, “your eyes shall be opened…” At pagdating kay Eba, ganito ang descriptions: “when the woman saw…it was pleasant to eyes…a tree to be desired to make one wise.” Ang mga katagang ito ay may kinalaman sa paningin, sa mata, at sa ating nakikita. Ang konsepto ng “your eyes shall be opened” ay alam ng Ahas; at ang konseptong ito ay ibinahagi niya lang kay Eba. Sa tingin ko, possible na alam na ng Ahas na ang konseptong ito ay nasa pagnanasa na ng Babae. And the fact (v.6) na sinunod ng Babae ang suggestion ng Ahas ay nagpapakita lang na ang information tungkol sa ‘Mata’ – ‘and your eyes shall be opened’ ay nasa ‘Puso’ (passion) na ni Eba – ‘a tree to be desired to make one wise.’
  3. Sa madaling salita, ipinaalam lang sa iyo (inform) ng iyong mata kung ano ang magpapatibok sa iyong puso. Hindi lahat ng makikita ng iyong mata ay magpapatibok sa iyong puso (that’s why, psychology of taste); hindi lahat ay type mo. Subalit kung ano ang makita mo na nagpatibok ng iyong puso, ang tibok na iyon ay ‘trigger’ o tagatapik lang sa kung ano talagang passion (desire) ng iyong unique na pagkatao.  That’s why, may nabuong ‘love at first’ at ‘beauty is in the eyes of the beholder’ na mga kasabihan. Hindi lahat ng nakakakita sa isang bagay ay may pare-parehas na response.
  4. Ang salitang ‘alabok’ rito ay may tatlong kahulugan. Una, tumutukoy ito sa Genesis 2:7 na nagsasabing ang tao ay nilikha mula sa alabok. At ikalawa, ito’y tumutukoy sa sinasabi ng Psalm 103:14, “For he knoweth our frame; he remembereth that we are dust.” Sa madaling salita, tumutukoy sa likas na kahinaan ng tao bilang tao. At ikatlo, sa theolohikal na punto, ang tinutukoy ko ay ang ‘peccatum orihinale’ or Total Depravity. 
  5. That’s why, pwede kong gamitin ang sinabi ni Blaise Pascal sa punto kong ito na: ‘The heart has its reasons which reason knows nothing of.’ Kung logic ang pag-uusapan, hindi lohikal para kay Eba na kainin ang bawal na bunga na malinaw na ipinagbabawal ng Diyos. Gayunpaman, ang pagbabawal ng Diyos (logic) ay hindi hadlang sa kalooban ng Babae (passion) na gawin ang kanyang gusto, iyon ay, kung ano ang sinisigaw ng kanyang puso.