Ang kirot ay naghahanap ng kakampi1
Ipapahiwatig di daw ‘affected’ eh.2
Ngiti ay sa picture lang na selfy
Yayakap pa sa mga kakamping kunyari.3
Ngunit iyan ang reaksyong-aksyon ng mga wasak
para lang itago ang mapait nilang sising-sising iyak.4
GABAY SA INTERPRETASYON NG TULA
- Sa ilustrasyong kwento ng pabula ni Aesop, iyan ay: ‘Misery loves company.’ Mula iyan sa kwentong ‘The Fox without a Tail.’ Basically, kapag sinabing ‘misery loves company,’ iyan ay yung kalagayan na kapag ang isang tao ay nasa kalungkutan, may panghihinayang dahil sa katangahang kapasyahan, sakit ng puso, inaaway, o kaya’y may dinaramang hiya ng kalooban, maghahanap siya ng mga indibidwal upang kampihan siya, or actually, para ilagay sa kanyang level. At yung mga taong makikinig o sasama naman sa kanya ay hindi rin nag-iisip – usually, sa bansag natin, sila yung mga tsismoso at tsismosa, o kaya’y maibigin sa intriga; na nginangata na parang tsitsaron ang mga kwentong-bayan o kaya’y ‘scoop’ na kwentong-social media na talagang trending sa intriga. Sa Ingles, ang tawag sa mga taong iyan ay ‘gullible’ – isang side lang ng storya ang tinitingnan (bias); ang tinitingnan lang ay ang kung ano ang nasa picture ng ‘Selfy’ – na kung saan ay hindi naman alam na sa isang parisukat na angulo ng larawan sa Selfy, in reality ay mga basura sa tabi. Sa Biblia – yung pinaniniwalaan nating aklat ng Diyos – ay ganito ang sinasabi, “Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat niyang mapakinggan …” (Proverbs 14:15 MBB). Napakagandang salita, ‘mangmang.’ O kaya, mas gusto ko ang sinasabi ni Rukawa kay Sakuragi, “Gunggong.” Sa Strong Hebrew, ang salita ay “Pethiy” na ang ibig sabihin ay ‘silly’ and ‘foolish’ or ‘seducible,’ iyon ay, madaling mauto, therefore, uto-uto. Narito pa ang ilang mga talata, basahin mo, ang ganda nito, lalo’t sa Tagalog: Proverbs 11:13; 18:13; 18:8, 17. Pero balik ako sa kwento ni Aesop na ‘The Fox Without a Tail,’ basahin mo, type mo lang sa Google. Ang basic na kwento ay ganito: naputol ang buntot ng isang fox, and so sa kanyang misery at embarassment, kinumbinsi niya ang ibang fox na putulin ang kanilang buntot, kasi di daw beneficial ang may buntot.
- ‘Passion’ na talaga ng tao ang laging magtago; ang hindi maging totoo sa kanyang nararamdaman. Ang passion na iyan na kumakadena sa pagkataong loob at ugali ng sangkatauhan ay naipanganak sa Genesis 3, simula ng kinagat ni Eva ang bawal na bunga. Iyan ay pamanang-kilos-loob or sa taguri ko pa ay ‘peccatum orihinale.’ Basta’t pagdating sa liwanag ng katotohanan, ang tao ay laging ‘low key’ o ayaw bumilad, ayaw pa-expose; kasi sa kabila ng ganda ng ating bihis at mala-kuting na ka-cute-tan sa mukha, mabaho ang ating ihi at tae. Kaya gusto ko ang ‘aso’ eh, loyal.
- Hindi kaylanman magiging ‘loyal friends’ ang mga kakamping nakuha mo lang sa paawa-effect o kaya’y bunga ng tsismis. Sa aklat ng Deuterocaniko, mayroong aklat na pinamagatang Ecclesiastico. Ang aklat na ito ay umiiral na bago pa lang ipinanganak si Jesus. Ang aklat na ito ay umimpluwensya sa paghubog ng kultura ng mga Judio. Sa chapter 6:7—17 ng aklat ay may sinasabi tungkol sa tunay na kaibigan. Personally, napakasarap basahin sapagkat ako man ay niluray-luray na biktima ng mga huwad na kaibigan na hindi ako inabutan ng kamay at pinakinggan sa oras ng kabagsakan. Subalit nagkamit ako ng habambuhay na karunungan na magiging gabay ng mga susunod na henerasyong matututo sa aking paanan. Narito ang teksto: “Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya, at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad. Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan. May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo, at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo, palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya. Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain, ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan. Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino, uutusan niya pati ang mga katulong mo; ngunit sa kasawia’y pababayaan ka niya, pagtataguan ka, at di mo na siya makikita. Lumayo ka sa kaaway, at mag-ingat ka sa kaibigan. Ang matapat na kaibiga’y parang matibay na kanlungan, kapag nakatagpo ka ng tulad niya’y para kang nakahukay ng kayamanan. Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan; hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi. Ang matapat na kaibiga’y parang gamot na nagbibigay-buhay, at siya’y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon. Ang may paggalang sa Panginoo’y makakatagpo ng tapat na kaibigan, at ang mga kaibigan niya’y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.”
- Sa tingin ko, isang klassikal na kwento ang pasok na pasok sa tinutukoy ko rito. Ang kwento ng ‘The Tell-Tale Heart’ ni Edgar Allan Poe (1843). Sa salaysay na kwentong ito, ang tinatawag na ‘Narrator’ ay may walang-awang pinatay ng dahil lang sa hindi niya magustuhan ang ‘mata’ ng isang tao. Naging matalino at metikuluso siya sa pagpatay ng walang kamuwang-muwang na taong iyon. Sa panlabas na tingin ay kalmado ang suspek, ngunit sa loob ay kinakain siya ng paranoia at hallucination ng taong pinatay niya. Sa tingin ko, pwede ko ring iugnay rito ang Proverbs 28:13.

