Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


Iscariote

Ang katrayduran ay tulad ng kadena,

May magkakaugnay na tanikala.

May magkakamukhang anyo.

Ngunit may magkakaibang tipuno.[1]

Natuklasan kong may magkakaibang lamig,[2]

Yaong kay Iscariote ang pinakamalamig.[3]


[1] Yung konsepto na madalas sabihin kaugnay sa kadena, ‘weakest link’, therefore, mayroong degree and forms of betrayal.

[2] Maraming mga kategorisasyon na ginagawa ang mga Psychologists. Isa na rito ang: ‘Public Humiliation and Betrayal of Confidence’ ayon kay Lauren Dummit-Schock, April 13, 2026.

[3] Matthew 10:4. Bakit ko sinabing ‘Pinakamalamig’? Simple lang: sapagkat siya’y kabilang sa LabingDalawa, pinagkatiwalaan ng maselan at mahalagang papel (treasurer), at itinuring na kaibigan. “Faithful are the wounds of a friend” ika nga sa Proverbs 27:6; pero ang pinakamahapding sakit at brutal na sugat ay ang saksakin ka sa likod ng pinagkakatiwalaan mong kaibigan (et tu Brute?!). Para kay St. Augustine, ‘Judas did not betray Christ as an enemy but as a disciple.’ Sa Psychology, mayroong tinatawag na ‘Interdependence Theory’ pagdating sa punto ng ‘betrayal.’ Ito’y mula sa pag-aaral nina Harold Kelley at John Thibaut. Ang basic idea ay ganito: pinili ng isang tao (lalo’t kaibigan) ang personal na advantage sa isang sitwasyon na kung saan inaasahan sana ang kanyang pagtitiwala at katapatan (loyalty).