- Overview of the Article: Medyo mahaba ang article na ito, hehe. (1) Frontline Confession. Ang power ng Diyos ay bungad na bungad sa Biblia at sa Apostles’ Creed. (2) Sun Illustration. Ang naaabot ng kapangyarihan ng Diyos. (3). Speed of Light. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat higit pa sa per second.
Ang Frontline na Konpesyon ng Kristyano
Ang kapangyarihan ng Diyos ay isang napakalawak na paksa sa Biblia. Ang Diyos ng Biblia ay kilala natin sa tawag na ‘Makapangyarihan sa lahat’ or ‘the almighty.’[1] Sa bansag ni St. Augustine, “Omnipotens Deus.” Sa wikang Ingles ng Apostles’ Creed, ganito ang konpesyon ng mga sinaunang Kristyano na ating mababasa, “I believe in God the Father Almighty, Maker of heaven and earth…”[2] Ang konpesyon na iyan mismo ang unang linya o pambungad sa Kredo (I believe). At masasabi kong iyan ay naaakmang pambungad o nasa bungad o front line confession ng binansagang Apostles’ Creed sapagkat mismong ang Biblia ay binuksan sa katagang naghahayag ng kapangyarihan ng Diyos bilang Manlilikha.[3] Sa wikang Ingles ng KJV ay ganito ang sinasabi sa Genesis 1:1, “In the beginning God created the heaven and the earth.” Now, gamit ang Apostles’ Creed at Genesis 1:1, nakikita kong ang kapangyarihan ng Diyos ay masarap na pag-usapan sa partikular na paksa ng Kanyang pagiging Manlilikha. Hence, power and creatorship. Isang particular na flavor na gusto ko sa Christian Theology pagdating sa pagpapaliwanag ng ‘power’ ng Diyos bilang ‘Creator’ ay ang katagang ‘ex nihilo.’ Ang ibig sabihin, ang kapangyarihan ng Diyos ay may kakayahan na papag-mayroon-in ang mga bagay na ‘wala.’ From ‘nothing’ to ‘something.’ Sa madaling salita, mula sa ‘wala’ tungo sa ‘mayroon.’ Oh! napakalupet niyan na kapangyarihan, lalo’t sa puntong pilosopikal na pagkakaunawa.
Ang Haring Araw at ang Kapangyarihan ng Diyos
Sa kabilang banda, sa aking palagay, ang kapangyarihan ng Diyos ay pwede ko ring isuksok o isailalim sa Kanyang katangian bilang Espiritu. Now ahy…sa totoo lang, ito ay napaka-juicy sa theolohikal na meditasyon. Ganito kasi, dahil ang Diyos ay Espiritu – hindi kulong ng space and time – ang kilos ng Kanyang kapangyarihan ay ganun din. That’s why, ang ‘power’ ng Diyos ay tinutukoy rin na ‘infinite.’ Ang reality ng space and time (bilang creation) ay hindi infinite, kundi finite – may limitasyon. Okay parang ganito: Halimbawa, ang ‘sun’ ng solar system ay kulong lang sa solar system; hindi nito kayang liwanagan o abutin ng gravitational pull ang iba pang planeta sa Milky way galaxy. Bagamat siya’y binansagang ‘haring araw’ sa planetang earth, subalit sa universe na perspective, may kinalalagyan lang siya; at maging ang liwanag niya na enjoy natin sa planetang earth ay hindi sinliwanag sa iba pang lugar sa kalawakan; in fact, kahit nga sa loob lang ng solar system. Ang liwanag ng araw sa planetang earth ay ibang-iba sa naihahatid niyang liwanag sa planet Pluto. Totoo na makapangyarihan ang liwanag ng apoy ng haring araw, subalit ito ay may limitasyon at antas ng lakas ng liwanag batay sa epektibong naaabot ng kanyang sikat. Subalit ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi ganyan. Ang kayang abutin, sakupin, at kilusan ng kapangyarihan ng Diyos ay hindi nalilimitahan ng layo ng lugar o laki o lawak ng lugar. Ang kapangyarihan ng Diyos ay espirituwal rin; ang ibig kong sabihin, hindi mo ito maikukulong sa espasyo, sa lugar, sa kalagayan o space. Hindi ko pwedeng sabihin na si Yahweh ay malakas lang sa planetang earth ngunit mahina na ang signal ng power sa Jupiter at iba pang planeta. At heto ang nakawiwindang; isang napakaliit na bagay at halimbawa lamang ang solar system kumpara sa lawak ng kalawakan o universe. Subukan mong panoorin sa YouTube ang pag-aaral ng mga siyentipiko tungkol sa universe, dark matter, dark energy, black holes, galaxies at maging sa teorya ng expanding universe. Kung papanoorin mo ang mga dokumentaryo at research ng mga siyentipiko na may maingat na obserbasyon, siguradong hahanga ka at matutulala sa LAWAK ng universe. No wonder, bagay na bagay na bansagan natin ito sa wikang Filipino na ‘kalawakan.’ Butil lang ng buhangin kumbaga ang solar system natin sa Milky way galaxy. At ang Milky way ay butil rin lang ng bungahin kumpara sa lawak ng universe. No wonder, may mga palaisip, na kino-consider na maaaring ang malawak na material universe na ating nakikita ay parang ‘katawan’ ng Diyos o ng Supreme Being or Supreme Something; sapagkat ang ‘kalawakan’ nito ay parang ekspresyon o ekstensiyon ng realidad ng Absolute Being or Absolute Something. Well, maaari tayong mag-disagree sa ganyang teorya, ngunit kung kukunin natin yung dahilan ng kanilang pagkamangha sa ‘lawak’ ng tinatawag nating kalawakan, maiintindihan mo kung bakit sila napapaisip ng ganung mga ideya. Pero yun nga, bilang mga Kristyano, isang basic na konpesyon natin – gamit syempre ang turo ng Biblia – na ang universe o ang kalawakan na ating hinahangaan at kinamamanghaan ay likha lamang ni Yahweh bilang Creator. Maaari tayong mapanganga at matutula sa lawak ng kalawakan, subalit ito ay isa lamang ‘creation,’ gaya rin nating mga tao. Oh yes, di hamak na malaki ang universe kaysa sa atin; at kung sukat lang naman ang pag-uusapan ay walang-wala tayong sinabi at hindi tayo karapat-dapat man lamang ihambing. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang kamangha-manghang kalawakan, siya’y nasa ilalim lang din ng category ng ‘creation’ gaya natin.
Now, balik tayo dun sa punto ng illustrasyon gamit ang ‘araw.’ Ang liwanag ng araw bagamat napaka makapangyarihan ang sikat at init sa planet earth ay hindi na makapangyarihan sa iba pang lugar ng universe. Limitado ang kapangyarihan ng liwanag ng araw sapagkat ito’y nakukulong ng space and time. By space, ito ay nasa kalagayan lamang na matatagpuan sa tinatawag nating solar system sa Milky way galaxy. Hindi na matatagpuan ang ‘ating araw’ sa iba pang lugar sa universe. Subalit ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi ganyan. Sapagkat ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi kulong ng space o lugar, sapagkat ito ay espiritu o espirituwal; ito ay nasa lahat ng dako at umiiral sa iba’t ibang anyo – at isa na nga rito ay sa pamamagitan ng ‘preservation.’[4]
Ang Konsepto ng Lightyear at ang Kapangyarihan ng Diyos
Now, pagdating naman sa ‘time,’ ang liwanag ng araw ay nalilimitahan rin ng panahon o oras—dahil sa distance. Sa Science, mayroong tinatawag na lightyear. Ang lightyear ay hindi time, kundi unit of distance na tinatravel ng liwanag sa isang taon. Noong nalaman ko ang salita ng mga astronomers na ‘lightyear’ sa History Channel at Discovery, napangiti lang ako na pati pala ang liwanag ay nagtra-travel rin, hehe. As a philosopher, very interesting ito sa akin. Dito sa planet earth, sa eye-perspective natin, para bang ‘no-sweat’ na sa liwanag ng araw na sakupin ng kanyang sikat ang kalupaan; parang di siya nagtra-travel. Napakabilis ng liwanag, na anupa’t walang kapaligiran sa lugar nating tinitirhan na hindi niya nababalot o nasasakupan – lalo’t tuwing tanghaling tapat sa Pilipinas. Ayon sa mga scientists, ang speed of light raw ay 300,000 kilometers per second. Ay grabe! Naisip ko tuloy – kasi kakapanood ko pa lang ng Justice League – anong bilis kaya ni The Flash at Superman, at isama na rin si Quicksilver kumpara sa liwanag? In fact, in Christian theology, magandang palaisipan kung gaano kabilis ang lipad ng mga demonyo at anghel. Kasi ang sabi ni Satanas, siya daw ay “pagpaparoo’t parito sa lupa at sa pagmamanhik manaog doon” (Job 1:7). Ilang minutes kaya yun?
Now, ano sa lugar mo Kapinoy ang distansiya na tantiya mo ay nasa 1 kilometer? Kung mahilig ka maglakad, ilang minutes mo nararating ang lugar na iyon? Siguro oras pa nga—andami mo pa kasing dinadaan. Siguro, kung magaling ka mag-motor at nakakagigil ang bilis (at kaasar ang tambutso mo), ilang minutes lang ang 1 kilometer na iyon? Bawas na syempre ang traffic. Sa Baguio, may lugar roon na tinatawag na KM6 sa La Trinidad. Kapag galing ako ng KM4 at naka-motor, 15minutes ang travel ko—mabagal ako magmotor eh, minsan pa nga, 25 minutes pa, hehe. Pero yun nga, ang travel speed of light ay 300,000 kilometers per second. Hindi ako magaling sa Math, pero sa 15 minutes na travel ko gamit ang motor tungo sa isang 1 kilometer na lugar – eh nakailang beses na kayang ng paroon at parito ang liwanag mula sa point A na pinagmulan ko tungo sa point B na destinasyon ko?[5] Gayunpaman, kahit na ang liwanag ay sobrang makapangyarihan sa punto ng bilis at pananakop ng ilaw dito sa planet earth, subalit kung ia-apply na ang bilis at pananakop ng speed of light sa Milky Way galaxy, sinasabi ng mga astronomers na ang pag-travel ng liwanag rito ay tantiyang nangangailangan ng 100,000 light years. Ang tagal!!!! Napakalawak ng Milky way, na kahit ang speed of light ay nangangailangan ng napakaraming yearssssssss…para malibot iyon. Pero ang punto ko rito ay: ang makapangyarihang bilis ng liwanag dito sa planet earth (8 minutes travel from the sun) ay nangangailangan na ng….sobrangggg efforttttttt…. (kumbaga) kapag universe-space na ang pag-uusapan. Therefore, sa malawakang pananaw pala, ang bilis ng liwanag ay may limitasyon o kabagalan rin at hindi laging presente (per second) sa buong universe. Get my point? Pero ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi ganyan. Minsan pa, ang Diyos ay Espiritu, at bilang Espiritu, naitatag natin sa mga nakaraang lessons na ang Diyos ay transcendent (tuktugatog) at immanent or omnipresent (sumasalahat). Kung ang speed of light ay nangangailangan ng 100,000 light years to travel across the Milky way galaxy, sa Diyos na makapangyarihan, hindi Niya kinakailangan actually ang mag-travel pa sapagkat Siya’y sumasalahat—Oo, sa lahat ng sulok ng Milky way. Yung effort ng liwanag (na sobrang bilis ang pananakop ng sikat dito sa planet earth) na malakbay ang Milky way for so many years, sa Diyos ay effortless or travel-less. Ang Diyos ang ‘Being’ na hindi nagtra-travel! At bakit? Kasi nga, ang kapangyarihan ng Diyos ay dapat na intindihin rin natin sa punto na hindi ito tali o limitado ng space and time. Kita mo na?
Madalas kasi nating tingnan ang kapangyarihan ng Diyos sa punto ng kung ano ang mapangyayari Niya.[6] Yung konsepto ng ‘walang imposible’ sa Kanya ay madalas nating tingnan sa kung ano ang magagawa Niya. Pero sa aking tingin, higit na nakakahanga siguro na tingnan rin ang kapangyarihan ng Diyos sa punto ng kung Sino Siya – particular sa Kanyang kalikasan bilang Espiritu (transcendent & immanent). Ito ay tumatawag ng napakalalim na pagbubulay.
God bless your heart Kapinoy! Kapag nag-jogging ka sa umaga, isipin mo ang sikat ng araw at ang bilis ng liwanag na paalala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos.
[1] Sa kasalukuyang pagbubulay at pagsusulat ko sa sanaysay na ito, ang Japanese anime series na Bleach ay nasa kasalukuyang madugong arc na Thousand Year Blood War. Ang itinuturing na kalaban na si Yhwach ay nagkamit ng ability na kung tawagin ay ‘Almighty’ sa anyo ng maraming mata na may kakayahang makita ang future at maging present sa isang mundo sa synchronous na paraan. Naiisip ko tuloy, paano nila tatalunin ang ganitong kalaban? Hehe. Anyway, maganda ang konsepto ng portrayal ng kapangyarihan ng ‘almighty.’ Pero syempre, wala iyan sa kalingkingan ng ability ng Biblical Yahweh.
[2] Job 42:2, Psalm 33:6, 147:5, Isaiah 40:26-28, Jeremiah 32:17, Nehemiah 9:6
[3] Isang magandang emphasis na pag-aaral na tingnan ang subject ng ‘power of God’ in relation sa Kanyang pagiging Creator
[4] Nehemiah 9:6; Psalm 36:6; 65:9-13; 104:27-30; Isaiah 46:3-4; Acts 17:24-28; Colossians 1:16-17; Hebrews 1:3
[5] Yan kumbaga ang araw-araw na gawain ni Satanas eh. Paroon-at-parito sa planet earth kumbaga.
[6] Ang salitang ‘makapangyarihan’ ay nangangahulugan ng kakayahang papangyarihin ang isang bagay o pangyayari. Yamang ang Diyos ay tinatawag nating ‘Makapangyarihan sa Lahat,’ nangangahulugan lang na kaya Niyang papangyarihin yaong ‘lahat’ na sakop ng Kanyang kapangyarihan.

