Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


Pugad ng Kaligayahan

Habang nakaupo at nagpapahinga sa jogging-an
Biglang natulala sa sumambulat na kalamnan.1 
Isang dalagang ang bihis ay pangtulugan
Ngunit pinanlabas na parang wala lang.2
Tapos magagalit kayo kung kayo’y sisipulan
Sa pinasisilip ninyong pugad ng kaligayahan.3
Walang hiya naman!

GABAY SA INTERPRETASYON NG TULA
  1. Inspirado ang linyang ito ng Proverbs 7:6-11. Sa parehas na kataga at pagsusuri ng mata ni Solomon, ganito ang mga ideya at paglalarawan sa tula na pumasok sa isipan ko habang nakikita ang  “woman with the attire of a harlot.” Dagdag pa rito, napapangiti na lang ako sa kulturang nabuo sa mga lugar ng ehersisyo sa ating bayan. Alam mo, kung lalaki ka talaga at mahilig ka sa mga chicks na sexy at magaganda, madali na lang ma-predict o malaman ang mga lugar na mabubusog ang mata mo ng mga maiinit na kalamnan ng mga kababaihan – gym o jogging area. Oh! alam na alam ko ito! As in, pinaghahandaan talaga nila ang get-up nila, yung damit or outfit – di ko alam kung ano na ang tawag ng mga kabataan diyan – at talaga nga naman kapag nakasalubong mo ay umaalingasaw sa kabanguhan at tumatalbog talaga sila sa kaalindugan. Well, hindi ko naman nilalahat, pero may mga babae pa rin naman akong nakikita na desente ang ‘get-up’ kapag nagja-jogging or exercise sa gym, pero sadyang naging trending na ngayon sa maraming mga kababaihan ang seductive at provocative na mga ayos – yung mapapalunok ka na sinasabi, “Panginoon, patawad!”  Sa tingin ko’y bunsod ito ng kalabisan ng pilosopiyang Feminismo na naghatid ng kawalang-hiyaan sa mga Filipina. Nabuo sa kanila ang konsepto na ang ‘seduction’ ay anyo ng self-expression, empowerment at autonomy – kumbaga ay, kalayaan ng babae na dapat ay igalang. Gayunpaman, ang kalayaan ay dapat na balansehin ng moralidad or GMRC. Diba? Dito rin papasok ang konsepto ng ‘moral absolutes’ o ganap na batayan ng kung ano ang tama at mali – bagay na ayaw na ayaw ng mga tao sa panahong ito. Pero yun nga, isang kataka-taka sa akin na ang ehersisyo ng mga kababaihan ay nagiging ekspresyon (sapagkat kalayaan daw naman nila) ng kanilang kalandian, kabuangan, kawalan ng common sense, at craving for attention. Oh! Matagal na nating alam Lalakeng Lipunan na laging mabili sa atin ang itsura ng maalindog na babae. At alam mismo iyan ng mga babae! Dunong iyan na mismong udyok ng kanilang likas. Alam nilang wala silang kamaong lakas subalit alam nilang kaya nila tayong itumba sa hatak ng kanilang hiyas. Noon pa man, kahit panahon pa lang ni Adan, napakalakas na talaga ng kalamnang hiyas ng babae. Isipin mo ito: bakit nagkaroon ng digmaan sa Troy? Hmm.
  2. Alam ko mainit sa Pilipinas, alam ko iyan; nakatira ako sa napakainit na lugar sa Pilipinas (andaming mga impakto, yung tipong magiging impakto ka na rin), gayunpaman ‘por pabor,’ sana naman mga babae ay matuto kayong ilugar ang pananamit ninyo. Pero ‘pwe,’ hay naku, aral na lang ito sa hangin ngayon! Bakit? Kasi sa Humean ng perspektibo, hindi kaya ng maraming mga babae ngayon na baguhin at hinhinan ang kanilang pananamit kasi ba naman ang likas nilang gasolina ng paglalandi – lalo’t kapag ovulated – ay ini-encourage mismo ng pera, kultura, pamilya, social media (at gusto kong magmura!!!) at pati na rin ng kanilang mga jowa! Diba? Kung magmamasid ka, napakarami pa bang mahinhin ngayon, di lang sa asal kundi sa pananamit? Oh! Sa Facebook, TikTok, atbp social media platforms! Anong mabili? Trending? Viral? Usually ay yaong humahaliparot na (P*&#@) babae! Yung bumubulaga na hita sa maalindog na sayaw! Yung pinapuputok at pinababakat na suso! Yung mukha at labi na may sinusundang awit pero parang nasasarapan sa sipingan.  Diba yan? (P*&#@) Bayan! Huwag ninyong i-deny iyan!!! Ako ay may Mata (na dumaan sa buhay at kamatayan; at kadiliman ng buhay) na alam na alam ang mga bagay na iyan! Tapos, itong mga haliparot na babae ay maghahanap ng karapatan (sa Kongreso at Senado at sinupaman o anupamang pulitikong maligno at impakto na gusto lang ay ang boto ng Masa at hindi ang moralisasyon ng Masa) na igalang sila?! Walang hiya! Totoo, sinabi ni Jesus na ‘bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kanyang puso” (Mateo 5:28). Totoo iyan! Iyan ay absolute ideal. Gayunpaman, sa realidad at praktikalidad ng buhay sa mundong makasalanan o walang pagpapahalaga sa salita ni Jesus ng Nazareth, ito ang isyu: Totoo na dapat ang lalake ay dapat tumingin ng may paggalang sa babae. Good iyan. Dapat lang. Kaso nga lang, paano kami titingin ng may paggalang kung malandi ang anyo ng babaeng aming nakakasalubong at nai-enkwento sa buhay? Hmm. Golden Rule: Babae kung nais mong tingnan ka ng may hinahon at respeto ng isang lalake, mag-ayos ka muna ng ugali mo at pananamit mo! Hindi yung puro tambok at biyak ang ibubungad mo sa amin! Walang hiya.
  3. Sapat na ang mga sinabi ko sa puntos 1 at 2 para sa puntong nais kong iparating sa tula. Ngunit kunting dagdag lang: sa patriarchal frame na perspektibo, iyang “Pugad ng Kaligayahan” – na ayon kay Cercei Lannister ay kapangyarihang nasa pagitan ng hita ng babae – ay dapat na balutan ng dangal ng mga kababaihan sa panahong ito. Kaso nga lang, dahil nasa panahon tayo na prinograma ng demonyo sa pamamagitan ng mga kumplikado at tusong mga algorismo na kung saan ang mga babae ay magiging haliparotski (2 Timothy 3:1-5), sa tingin ko’y wala ng pag-asa ang lipunang Filipino upang maging mapagmahal sa moralidad, lalo’t sa Panginoon ng Kristyanismo. Laging napakarami ng mga tao sa lipunan na ayaw kay Cristo o sa sinumang diyos o diyosa na magpapalaya sa bayan mula sa kadena ng kahaliparutan. Ang Relihiyon ay tila wala ng kapangyarihan. Total depravity always wins! Cristo, kaylan ka ba kasi muling darating?