Pinoy Apologista

PER STILUM VINDICTA


May-Akda

Hala! Salamat po sa pagbisita. Tuloy po kayo sa aking munting barong-barong! Ipagpaumanhin po ninyo ang aking mga di-sikat na kakanin, inumin, at miryenda – talbos na gulay at prutas.

Aking Kubo: Si Pinoy Apologista (kilala sa tawag na ‘Kuya’) sa intelek at diwa ng Order of Simeon D. Montecristo, ang siyang nagtatag ng Kubong ito. Ikinulong siya ng Diyos sa Kubo na ito – parang katulad daw ni “L” ng Deathnote, although ang idol niya ay si Light. Magdadalawang dekada na ang Pinoy Apologista, yun nga lang pabago-bago ng nilalaman ng Kubo sapagkat natuklasan ni Kuya na masalimoot at kumplikado pala ang laboratoryo ng Kubo —may ‘dark program’ —ang mga tao ay lubhang naging materialistiko at ang susunod na henerasyon ay 2 Timothy 3:1-5.

Theolohikal na Pagsasanay: Naglakbay si Kuya sa mga theolohikal na pag-aaral simula pa lang noong 2000. Ang ‘Pinoy Apologista’ mismo na kanyang Kubo ay inspirado ng kanyang mga nakaraang pag-aaral at pati na rin ng disertasyong nakatuon sa ‘Presuppositional Apologetics.‘ Hanggang ngayon ay patuloy na naglalakbay-aral si Kuya, lalo’t bilang isang Black Scholar na may pulang balabal.

Favorites: Si Kuya ay matanda na–at palagas na ng palagas ang mga dahon sa puno, hehe. Simpleng tao, mahilig maglakad, at ang pinakamahal na sasakyan ay ang maliit niyang dilaw na eBike na may basket. Maliban sa pagsusulat, mahilig siya manuod at humanap ng inspirasyon mula sa mga anime gaya ng: Dragon Ball, Yuyu Hakusho – lalo’t si Sensui, Samurai X, Naruto, Demon Slayer, OnePiece, Attack on Titan, DeathNote, Solo Levelling, atbp. Sa lahat ng ito, ang paborito at hindi niya ipagpapalit na anime character na idol niya ay si Goku. Liban rito, hobby rin niya ang composition ng mga awitin, tula, at pagsusulat ng mga kwento. Paborito niya ang ‘malagkit’ na kakanin with matching barakong kape. Tai-Chi ang paborito niyang exercise tuwing hapon. Mayroon siyang isang anak na parang si Son Goku ang sikmura at asawa na parang si Gon ng Hunter X Hunter. Gayunpaman, sila ay parang Zoldyck family.

Local Act: Inspirado ng idea ni Charles Xavier ng X-Men, ng Hogwarts School sa Harry Potter at ng Chapter 25 ng Noli Me Tangere, kasalukuyan siyang nagtataguyod ng isang ‘Bahay ng H’ na ang primaryong layunin ay: Fraternity of Christian Akatsuki ayon sa diwa ng Post Tenebras Lux. Ang apologetic Act na ito ay tinawag niyang “Kage-Bunshin Project.” Teknik ito ni Naruto, subalit ang ripple effect na tirada ay Tobi. Ang Bahay ng H ay parang katulad ng Castle ni Dracula sa ‘Castlevania: Aria of Sorrow.’

Ang pamagat ng website na, ‘Pinoy Apologista’ ay simpleng tumutukoy sa tatlong kahulugan. Una, ito ay pangalan ng kanyang mandirigmang espiritu na parang sa Attack on Titans–sugod! Patay kong patay! Ikalawa, ang salitang ‘Apologista’ ay inspirado ng salitang ‘apologia’ o ‘give an answer’ na mababasa 1 Peter 3:15. Ito ay tumutukoy sa Christian Defense. Ikatlo, ang ‘Pinoy’ ay bunsod ng paghanga at pagmamahal ni Kuya kay Rizal na kanyang bayaning manunulat. Kaugnay rito ang kanyang simple at mapagpakumbabang pagsusulong ng literaturang krusada na: ‘Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa Kristyanong Theolohiya para sa Masang Kristyano.’

Ang Project SDM ay katulad ng larawan ni Ashborn…at ni Superman matapos makalaban si Doomsday; nasinagan ng Araw and then lumipad – “I’m aware therefore I am.”

Ang motto ng website na: ‘Per Stilum Vindicta’ ay tumutukoy sa napakayamang kahulugan (counterstrike), ngunit isa na rito ang spiritual warfare ng propesorial na pluma ni Kuya. Parang sa pinto ng mga halimaw sa Yuyu Hakusho – na ang kalaban ay si Sensui – may nakikita si Kuya na isang matagal at solido ng atmospera ng kadiliman sa bayang Pilipinas (lalo’t sa lugar na kanyang tinitirhan) na ang partikular na specialty na hindi na mawawala ay: ang pagpapalaganap ng ideology ng Moral Relativity, Materialism, at Sensual Feminism—(tinawag niyang Theory of Sexy Roommate). Pero ang sabi ni Kuya, may nakaka-relate siya kay Sensui.

Ang Logo ng website ay isang anyo ng calligraphy na nagtataglay ng napakayamang pilosopiya ng damdamin, lalo’t sa punto ng tinatawag ni Kuya na ‘Passiocracy’ sa punto de vista ng Humean at Tulipian na lenses.

Ang Kubo na ito ay handog niyang teritoryo sa mapagbiyayang puso ni Yeshua – ang kanyang di-bumibitaw na Tagapagligtas habang nilalakbay niya ang Tenebras.