Apolohetikal na Kubo: Taglay ang makabayang puso ng isang Pinoy, pakumbabang layunin at mapanalanging pagsusumikap ng Pinoy Apologista na maging ‘kubong’ silungan sa gitna ng matinding init ng sumisikat na makamundong ideya at praktis sa aking Inang Bayan. Gaya ni Juan Bautista sa Ilang, sa ‘kubo’ na ito ay ipapahayag at ipagtatanggol ang mga ginintuang theolohiya at pilosopiya ng Salita ng Diyos at ng Ebanghelyo ng Panginoong Jesus.
Apolohetikong Lohika: ‘May Bagong Kaisipan sapagkat ang Puso’y Muling Sinilang’ (Roma 12:1-2).
Apolohetikong Ugali: “Isang Kaluluwa, sa bawat Probidensiya” (Lukas 15:1-7)
Makabayang Apolohetika: “…Susugatan ko ang bayan sa kanyang pinakamaselang himaymay, uupatan ko ang buwitre upang mismong ito ang humamak at uminis sa bangkay na nagbibigay-buhay sa kanya.” – El Filibusterismo.
Ma“Lamang” na Apolohetika: Ang Pinoy Apologista ay tumitindig at yumayakap sa higanteng diwa ng ‘Solas’ ng Protestanteng Reformasyon.
- Biblia Lamang (Sola Scriptura) ang ganap at wagas na kapamahalaan at batayan sa Kristyanong pananampalataya at pamumuhay.
- Biyaya ng Diyos Lamang (Sola Gratia) ang batayan at bukal ng kaligtasan; na si Jesu-Cristo Lamang ang Tagapagligtas (Solus Cristos) at Pananampalataya Lamang (Sola Fide) sa Kanya ang magpapaging-dapat sa tao sa harapan ng Diyos Ama; hindi ang sariling-katuwiran ng tao, upang siya ay walang maipagyabang sa Diyos.
- Lahat ng ito ay para sa Kaluwalhatian ng Diyos Lamang (Soli deo Gloria).
Apolohetikang Pilosopiya ng Mahiwagang Bulaklak
- Makasalanang Likas
- Sa Diyos ang Unang Kilos
- Bisa sa Partikular
- Mapanakop na Langit
- Pagpupunyagi