Pagplaplano ay PagpapakaTao

“Boast not[1] thyself of tomorrow; for thou knowest not what a day may bring forth” (Proverbs 27:1)

“Huwag mong ipagyabang ang kinabukasan; sapagkat hindi mo alam kung ano ang dadalhin ng isang araw.” (Ang Biblia, 2001)

Take note ‘what a day,’ hindi ‘isang linggo’ o ‘isang buwan’ kundi ‘susunod na araw’ o ‘another day.’[2] Pero sa tingin ko, base sa namamayaning salin na ‘what a day,’[3] maaring ang tinutukoy sa kawikaan ay hindi yung susunod na araw kundi mismong yung kasalukuyang araw na kinapapalooban ng isang tao ngayon.

Sa madaling salita, kung isasalin ko ang talata, parang ganito ang sinasabi:

“Huwag mong ipagmalaki ang gagawin mo bukas sapagkat ni hindi mo nga nalalaman kung ano ang mangyayari sa iyo mamaya[4] (paglipas ng isang minuto).”[5]

Textuwal na Pagsusuri: Gamit ang orihinal na pangungusap sa Masoretic Text.

  1. Ang emphasis sa kawikaan ay sa ‘Huwag.’ Isang uri ng kasabihan na nagbibigay muna ng Prohibition, ‘Hindi’ o ‘Huwag,’ o Pagbabawal at pagkatapos ay ipapakita sa susunod na pangungusap o taludtod ang Dahilan (Reason/Why).
    • Sa madaling salita, ang kawikaan na ito ay nagpapakita ng matalinong pagbabawal or wise prohibition.
  2. Ang salitang ‘ipagmayabang’ sa talata ay hango sa Hebreo na Hawlal, na ang salitang ugat ay nangangahulugan ng ‘clear’ o ‘shine.’[6] Sa madaling salita, sa konseptong Hebreo ang pagyayabang ay yaong ituring na walang nalilingid sa iyo; walang malabo, walang natatago, lahat ay malinaw; lahat ay tiyak, walang pagdududa. Ibig sabihin, ‘kita mo ang lahat.’[7] Kumbaga eh, Argus Panoptes – all seeing, omniscience.
    • Ang konsepto na ‘kita mo ang lahat’ na asal o tawagin kong “Panoptes attitude” ay sinusuportahan ng Hebreong salita (Yada) para sa  “nalalaman” na pwedeng isalin rin na “nakikita.”  Sa madaling salita: Huwag mong ipagmayabang ang mangyayari bukas sapagkat hindi mo nalalaman o nakikita ang lahat ng mangyayari (Yawlad)[8] ngayon.
  3.   Ang salita o katagang “kung ano” ay mula sa Hebreo na Maw. Usually, ito ay naka ‘interrogative what.’[9] Sa madaling salita, parang gustong itanong ng kawikaan: “Bakit alam mo ba ang lahat ng mga mangyayari ngayon?” Iyan ang tanong na gustong ipunto sa talata.

Klaripikasyon: Pero nangangahulugan ba ito na pinagbabawal o pinawawalang-bisa at pinawawalang-saysay ng Kawikaan ang pagpaplano? Syempre hindi. Bakit? Tatlong pangunahing dahilan ang pwede kong imungkahi.

  1. Sa parehas na chapter, o sa malapit na kapit-bahay ng talata, sa v.23-27, binibigyang pugay at diin ang halaga ng prudensya (prudence) o matalinong pag-iingat. Sa madaling salita, ang maingat na pagpla-plano o strategic planning ay hindi pinawawalang bisa.[10]
  2. Mismong ang buong Aklat ng Kawikaan ay napakayaman sa tuntunin ng praktikal na karunungan, kasama na syempre ang maayos na pagplaplano sa buhay.[11]
  3. Ang main point o pangunahing punto ng talatang-kawikaan rito ay ‘Huwag magyabang’ hindi ‘Huwag magplano.’ Sa madaling salita, ang pagpla-plano ay hindi nangangahulugan ng pagmamayabang kundi pagpapakatao.
Pagplaplano: Paanong Pagpapakatao?

Tatlong konsiderasyon:

  1. Bilang tao, kapag tayo’y nagpla-plano, ipinapakita natin na hindi natin nakikita ang lahat ng bagay. Kinakailangan nating mag-aral, umalam, tumuklas upang maging maingat sa ating pasya at kilos. Hindi tayo omniscient o nakakaalam ng lahat ng bagay.
  2. Kapag natuklasan natin sa pamamagitan ng pag-aaral sa ating sitwasyon o kalagayan ang mga ‘pros and cons’ ng ating gustong gawin, pwede nating makita ang ating mga advantage at disadvantage or strengths and weakness and therefore pwede tayong tumawag sa Diyos upang specific[12] na idalangin sa Kanya ang ating sitwasyon.
  3. Sa pamamagitan ng plano, mas higit kang makapagpapasakop ng malinaw sa kung ano ang kalooban ng Diyos para sa Iyo. Sapagkat kung mayroong kang specific na plano, pwede mo ring makita ang clear at specific na sagot ng Diyos sa plano mo – kung ito ba ay No, Wait, o Yes. Sa madaling salita, ang pagplaplano ay nakakatulong sa atin upang maging mapagbantay sa sagot ng Diyos. Gayunpaman, sa proseso ng panalangin at paghihintay, ito ay isang masalimoot na bagay. Minsan kasi parang ganito: dahil wala naman tayong normal na napapakinggang mahiwagang boses sa langit, nahihirapan tayong unawain agad kung ang “No” ay talagang ‘No’ o “Wait” pala. At gayundin naman, ang “Wait” ay pwede nating isipin na “No” at dahil rito’y hihinto na tayo sa pananalangin. Kita mo? Iyan ay tumatawag ng malalim na pagbubulay.

  • [1] Do not brag (GW)
  • [2] GW Version; TAB “ibang araw,” RTPV: “pagkat di mo alam kung anong magaganap” – medyo malabo, “magaganap” kaylan? Ngayon o Bukas?
  • [3] Makikita sa ESV, NASB, NET, WEB, NIV, YLT, BBE, AB-TL, 2001.
  • [4] Mamaya – kahit sa paglipas ng isang minuto; yun ay, mga minuto na nakapaloob sa 24-Oras ng Ngayon.
  • [5] Gamit ang Masoretic Text, ganito ang aking literal translation: “Huwag mong ipagyabang ang araw ng bukas, sapagkat hindi mo nalalaman (nakikita) kung ano ang ihahatid ng araw (ngayon/bukas).”
  • [6] Sa panahon ngayon, iniisip ko na pwede itong itumbas sa mga salitang: calculated, scheduled, planned, appointment, arranged, ordered
  • [7] Kaya kung sa Tagalog ay may salitang “ipagmalaki” o “pagmamataas,” sa tingin ko gamit ang Hawlal, pwede itong isa-Tagalog na “pagmama-alam” o “pagmama-liwanag.”
  • [8] Tila mayroong laro ng salita sa Yada at Yawlad
  • [9] Full information
  • [10] RC Sproul. Christ Told His Disciples not to be Anxious About. 2018. “Christ told his disciples not to be anxious about tomorrow, but he never said not to consider tomorrow. Intelligent problem solving demands careful consideration of the future effects of present solutions.”
  • [11] Kawikaan 11:14; 12:5, 11; 12:11,15; 13:4, 16; 14:8, 12,15, 23; 15:22; 18:15; 20:18; 21:5; 24:3, 5-6; 24:27; 24:30-34; 25:28; 27:23-27, 28:19; 30:27; 31:10-31
  • [12] Magkakaroon lamang ng specific na panalangin sa Diyos kung inintindi natin ng maayos ang ating sitwasyon (through planning).