Pagkakahubog ng Isang Idolo

Ang sabi ni John Calvin, “The heart is an idol factory.”

Sa Decalogue (Sampung Utos), ipinapakitang malinaw sa atin na ang Diyos ay Seloso.[1] Ayaw Niya ng may kahati at kaagaw sa ating puso.[2] Ayaw Niya na may ‘dinidiyos’ tayong iba liban sa Kanya. Si Yahweh lamang ang Tunay, kaya’t anuman o sinuman na humihigit sa Kanya sa ating puso ay ‘pagyakap sa di-tunay.’[3] Sa madaling salita, ang idolatria at kasinungalingan ay magkapit-bahay o ‘sides’ ng isang singko. At pagdating nga sa paggapang ng Kuko ng Kasinungalingan[4] sa puso ng tao, laging nagsisimula ang Kuko ng Kasinungalingan sa pagpuntirya sa utak – yun ay, ang ilayo ang isipan mula sa Liwanag o ‘paliwanag’ ng Liwanag.

Gamit ang datus (insights) ng Isaiah 44:9-17, ganito ang aking nakita na ‘stealth’[5] na paggapang[6] ng Kuko ng Kasinungalingan sa buhay ng isang tao upang makahubog o makaiwan ng ‘diyus-diyusan’ sa kanyang kilos-loob.

  1. (v. 9-11) Hahadlangan ng Kuko na ito ang isip ng tao (by means of isolation) na marinig ang ‘paliwanag ng Liwanag.’ By means of ‘isolation technique’ – na gaya ng ginawa ng Ahas kay Eba[7] – pupunan ng Kuko na ito ang isip ng tao ng ‘wrong mindset’ o sa tawag ko pa, ‘dark mindset.’ Ito ay mga kaisipang makalaman, makamundo, at makaDiyablo. At dahil sa nakikita ko – gamit ang pananaw ni David Hume – na ang (mga) ‘damdamin’ ay ‘mental states’ kung tutuusin, ergo, ang lagay ng damdamin ng tao ay kung ano ang lagay ng kanyang isip. Pagkatapos nito…
  2. (v. 12-14) Dahil ang ‘mindset’ ng isang tao ay madilim na, ang kanyang ‘common-sense’ ay apektado na rin, yun ay, mangangapa na rin sa dilim – hindi na makita yung (talagang) Totoo.[8] Parang ganito: sa ilalim ng Liwanag, kaya nating i-distinguish o makita ang pagkakaiba sa isa’t isa ng mga kulay na: Pula, Bughaw, at Dilaw, at pati na rin ang iba pang mga kulay. Subalit sa ilalim ng Dilim, ang mga pagkakaiba ng mga kulay na ito ay hindi na natin makita. Gayundin naman, ganyan ang nangyayari sa ‘common-sense’ kapag pinapaandar ng ‘wrong mindset.’ Sa madaling salita, ang ating desisyon at kilos ay mawawala sa common-sense. At dahil wala ng common sense, ang nangyayari ay…
  3. (v.15-17) Nakakabuo ang Kuko ng Kadiliman sa ating buhay ng isang matamis ngunit maitim na prutas ng lason na kung saan ay nagiging ‘obsess’ tayo – yun ay, obsession kasi wala ng common sense; obsession kasi patay na ang reason (good thinking). At kapag lumitaw na sa puso ng tao ang matamis ngunit maitim na prutas ng obsession, kahit ang isang pirasong walang kwenta ay nagiging napakalaking kwenta para sa isang obsessed or possessed! Ang ‘pirasong’ ito ay nagiging mundo niya; ito na ang humahawak ng puso niya. Sa stage na ito nagiging hubog-na-hubog at solido ang isang diyus-diyusan (false) – isa ng ‘stronghold’; mahirap ng gibain, napakasakit ng alisin at iwan, at isa ng napakatamis na gayuma.

Bilang sumaryo,[9] ang Kuko ng Kasinungalingan ay nakakabuo at nakapag-iiwan ng diyus-diyusan sa ating buhay sa pamamagitan ng ganitong tuso at ‘stealth’ na move – kumbaga ay, isang bato pero dalawa ang tatamaan:

  1. MINDSET FAILURE (v.18): Isolate the mind from the light of God’s word
  2. COMMON SENSE FAILURE (v.19): Isolated mind (which is now darkened) will affect (numb) the senses (common sense)
  3. VALUE SYSTEM FAILURE (v.20): Numbed senses (dumbed senses) will embrace (attention and affection) a ‘worthless’ object.

  • [1] Exodus 20:1-5
  • [2] James 4:4-5
  • [3] e.g. Sa Psalm 24:4, ang salitang ‘diyus-diyusan’ (MBB) o ‘idol’ (NKJV) ay isinalin sa ibang translations na: ‘false’ or falsehood (NASB, GW and ESV)
  • [4] Sa description ko na ito, ang nasa isip kong larawan ay isang napakagandang babae na mangkukulam na partikular na hinugot ko sa karakter ni Utara ng Serpent Clan ng Battle Realms.  
  • [5] ‘A secretive way of moving’ – Merriam Webster
  • [6] Actually, ang mas gusto ko talagang gamitin ay ‘paghimas,’ in a massage way.
  • [7] 2 Corinthians 11:3
  • [8] And so, yumayakap na sa ‘False’ – Idol
  • [9] O aking ‘Diagnostic Protocol’