Ang Malakas na Lalake ay Responsable

“…samantalang namamahinga ka ang kahirapa’y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.” (Kawikaan 6:11)

“What is life’s heaviest burden? To have nothing to carry.”[1]

Sa tuwing ako’y nagbubukas ng social media, naglalakad-lakad at nagsusuri-suri sa paligid, hindi ko maiwasang umiling kapag nakikita ko ang ‘trending’ na ugali, asal, at kilos ng mga kabataang lalake na puro porma lang at sunod sa uso – bilib sa kalaswaan at bisyo. Sawa na rin ako sa madalas na paniniwala’t paliwanag na, “Modernong panahon na ngayon, kaya dapat modernong ugali na rin.” Pero kasi ang problema sa kanilang ‘moderno’ ay ‘pagano.’ Sa madaling salita, ang kanilang ‘moderno’ ay ‘anti-Kristyano’ na values; mga pag-uugaling walang paggalang sa Diyos at walang GMRC.  Maraming viewers ang isang content kapag kalokohan, malaswa, at patok sa uso ang presentasyon.  

At yun nga, dahil sa mga pauso na hindi nagtuturo at nagpapalalim ng Values o GMRC, ang mga kabataang lalake ngayon ay nahumaling sa kalaswaan, porma, porn, gimik, bisyo, palaki ng muscle, games, sugal, vape, at pagiging playboy. Iilang kabataang lalake lang ang kilala ko na responsable, maginoo, praktikal at madiskarte sa buhay, disiplinado (na gaya ni Light Yagami), at may malinaw na pangarap o ‘goal.’ Napokus kasi sa ‘porma’ ang mga lalake ngayon, sa halip na sa ‘tungkulin’ o pananagutan; sa ‘hitsura’ sa halip na sa “ikabubuhay,” sa “laro” sa halip na sa pagiging ‘malikhain.’ Take note, ang qualifier ko ay ang salitang ‘focus.’

Oh, kailangan natin ng mga kabataang lalake ngayon na masipag, responsable, at marunong sa buhay. Ito ang uri ng mga lalake na may patutunguhan at kung saan ang mga babae ay magiging panatag (secure). At yun nga, dito sa Proverbs 6:6-8 ay ipinapakita sa atin ang isang magandang halimbawa na matatagpuan sa ‘langgam.’ Ang ‘langgam’ ay ginamit upang turuan ang isang lalake na maging responsable – na para sa akin ay isang mataas ng form ng self-control.[2]

Makisabay ka sa akin sa pagsusuri; sa saglit lang na tingin ay ilang mga prinsipyo ang nakikita rito kaugnay sa lalake na ‘responsable.’

  1. “Which having no guide, overseer, or ruler…” (Prov.6:7). Ang responsable na lalake ay may pagkukusa na gawin ang isang nararapat na bagay, lalo’t sa punto ng pananagutan. Hindi siya ‘late’ sa pagpasok sa trabaho o kaya’y sa paggawa ng mga takdang-aralin o mga takdang-gawain. Anuman ang okasyon na kinakailangan ang kanyang presensya, siya’y naroon at maaga pa nga siyang dumating kaysa sa iba. Bilang magiging ‘haligi ng tahanan,’ hindi mo na siya kailangan pang utusan kung ano ang kanyang gagawin. Mayroon siyang inisyatibo na bunsod ng isang malinaw na direction sa buhay o kaya’y malinaw na pananagutan. Mayroon siyang goal! May gusto siyang abutin! May pangarap, may ambition!
  2. “Provideth her meat in the summer” (v.8). Ang responsable na lalake ay masipag maghanap-buhay. Hindi makikita sa kanyang araw-araw na buhay ang imahe ni Juan Tamad. Siya’y may responsableng time-management. Productive ang kanyang bawat araw; lagi siyang may tinatapos at natatapos. Lagi siyang active sa pagbuo ng isang bagay na mapapakinabangan. Hindi mo siya makikitang laging nakatingin sa kanyang cellphone o nakatambay. Lagi siyang may ginagawa na produktibo. Kaya naman, sa oras ng pangangailangan, mayroon siyang nadudukot sa bulsa o wallet; mayroon siyang kita; mayroon siyang pera. Okay, i-down-to-earth ko ito: Ang responsableng lalake ay may pera; may pera talaga yan, kasi masipag at madiskarte sa buhay. Kaya’t sa isang babae na nililigawan, dapat man lang sanang isipin n’yo muna kung ang lalake ay may trabaho. Kung nagpaligaw ka sa walang trabaho, Oh!!! grabe, so, sa ganyang level ka lang pala magi-gets? Ang ‘C’ mo naman! Yan lang ba ang tingin mo sa ‘worth’ ng sarili mo? Aray ko! Huwag kasi puro kilig at landi ang iniisip eh! Dapat ang lalake ay may trabaho – in particular isang maganda, desente, at stable na trabaho – para buhay kayo, may pang-date, at may patutunguhan ang relasyon. Ang boyfriend na walang trabaho, bubuntisin o iiskoran ka lang, tapos ang ganda mo pa naman. Hay naku! Mga wala kasing self-control, lalo’t ang mga babae, hindi makatanggi sa pambobola ng mga walang-trabahong lalake! Kunting ‘sweet talk’ lang, susmaryosep!!! ayun napunta na sa ‘Diyos ko’t patawarin ka!’
  3. “…gathereth her food in the harvest” (v.8b). Ang responsable na lalake ay masinop sa kanyang mga nakamit na pagpapala. Meaning, hindi siya ubos biyaya at bukas ay nakatunganga. Marunong siyang magpigil hindi lamang ng sarili kundi ng paggamit ng resources. Marunong siyang mag-impok. Naglalaan siya para sa kinabukasan, para sa hinaharap – yung parang sa kwento ng Langgam at Tipaklong. Ganun dapat! At siguro, dagdag ko na rin, ang responsableng lalake ay masasabi ko rin na creative. Kahit basura sa paningin ay maaari niyang gawan ng paraan para pagkakitaan o gawing kapaki-pakinabang. Yan girls ang uri ng lalake na dapat ninyong hanapin, at sasabihin ko sa inyo, hindi kayo magugutom at malo-losyang.

Sa lahat ng ito, nais kong palabasin, gamit ang ‘langgam’ na analogy ni Solomon, na ang deskripsyon ko sa pagiging ‘responsable’ ng isang lalake ay sinasangkapan pala ng moral principles, pananagutan, inisyatibo, pagiging provider, wise manager ng resources, at creative. Sabihin ko sa inyo, ang lakas ng lalakeng iyan. Iyan ang may bitaw!

Balikan ang Part 1, Part 2, Part 3, at Part 4


  • [1] From ‘Bits and Pieces’
  • [2] ‘Being responsible is a high form of self-control’