Ang Malakas na Hindi Manyakis

“Huwag mong pitahin ang kanyang kagandahan sa iyong puso…” (Kawikaan 6:25, cf 5:1-23; 6:20-35)

Oh, pambihira! Itigil na natin ang paniniwala sa ‘basurang kaisipan’ sa ating lipunan na ang pagiging ‘playboy’ ay tanda o ekspresyon ng pagiging tunay o mahusay na lalake. Well, sa Mundo ay itinuturing itong kapakinabangan at dapat alayan ng saludo ng mga macho at barako; ‘benefits’ daw na proweba ng isang matinik na diskarte at tropeyo. Subalit sa kaisipang Kristyano na hinugasan ng dugo ni Cristo (Roman 12:1-2), ito’y isang napakatinding kahungkagan at kasiraan ng ‘dangal’ ng isang lalake. Sa pilosopikal na punto, iyan ang dahilan kung bakit hindi ako makaramdam ng matamis subalit maginoong ‘aura’ na katulad ng kay Kenshin Himura sa kulturang kinalalagyan ko ngayon. Maraming lalake ngayon na pa-cute, mabisyo, tamad, agresibo, manyakis, walang disiplina, mabarkada, walang prinsipyo, materyalistiko, at walang kontrol! Oh!!! Kapos ang ating mga tahanan, lipunan, mga paaralan, at mga kabataang babae ng ‘halimbawa’ (mentors and examples) ng isang ‘maginoong solidong diwa na masasandigan’ – ika nga, ‘haligi ng tahanan’ o ‘haligi.’ ‘Haligi’ hindi dahil sa macho at barako, kundi ang diwa at aura ay rebolusyunaryong maprinsipyo – gaya mismo ng diwa ng ating Maestro![1]  

Sa Biblia, si Jacob ay may 12 anak na lalake. Ang panganay ay si Ruben. Noong si Jacob ay malapit ng mamatay at binasbasan niya ang kanyang mga anak, kapansin pansin ang kanyang naging mensahe kay Ruben. Ganito ang ating mababasa sa Genesis 49:3-4 (with 1 Chronicles 5:1). Gamitin ko na lang ang KJV para makita natin ang katagang nais kong iyong pansinin. Ang sabi ay ganito,

“Reuben, you are my first-born, my strength and the firstfruit of my power; excellence of dignity and excellence of might. Like boiling water you shall not excel, for you went up to the bed of your father; then you defiled it; he went up to my couch.”

Ayon sa paglalarawan ni Jacob, si Ruben ay tulad ng “boiling water” at hindi siya mag-e-excel. Now, bakit “boiling water,” kasi sa Genesis 35:22 ay makikita natin na sinipingan niya si Bilha na asawa ng kanyang ama. Oh grabe!!! “Boiling water” means, walang pagpipigil sa sarili. Kung ano ang maibigan ng laman, kaagad na sinusunod! “Laki sa layaw, Jeproks” ika nga noong panahon namin![2] Subalit ang kabaligtaran ni Ruben ay si Jose. Si Jose ay marunong humindi sa tukso. Oh pambihira, isipin mo ito: kahit na nasa mataas na katungkulan na siya at magagawa na niyang kontrolin ang mga bagay-bagay, ngunit hindi siya naging mapagsamantalatang lalake! Nilabanan Niya ang tukso sa pamamagitan ng ‘paglayo’ or ‘cutting off.’ Basahin mo ang kwento sa Genesis 39:7-12.[3]

Balikan ang Part 1, Part 2, at Part 3 ng Series na ito.


  • [1] Basahin mo at bulaying mabuti ang scenario sa Luke 4:28-32
  • [2] Ang pamagat ng awit ay ‘Laki sa Layaw” ni Mike Hanopol (1977)
  • [3] Compare with 2 Timothy 2:22