Ang Malakas na Lalake

Kapag paksa ng pagkalalake ang pinag-uusapan, agad na nalalagay sa isip ko ang anime character na si Kenshin Himura. Para sa akin, isa siyang napakagandang konseptong-ilustrasyon ng pagkalalake para sa mga kabataan, kung hindi ko gagamitin ang Biblia. Sa katunayan, napakalaki ng epekto niya sa aking karakter at temperamento simula sa aking kabataan. Isa siyang konsepto at ilustrasyon ng pagkalalake sa nakaraang mga dekada, na nilusaw na ng mga pa-cute na pelikula at pogitong karakter ngayon sa Gen Z at Gen Alpha na kultura.  

Noon pa man at sa bawat henerasyon, ang pagkalalake ay karaniwang tinitingnan at sinusukat batay sa lakas at tipuno ng katawan, sa nakamit na dolyar, sa katatayuan sa lipunan, at sa pagiging angat sa nakararami. Nakalulungkot, subalit sa materyalistikong lipunan, kapag ang isang lalake ay hindi ma-pera o yayamanin, siya ay minamaliit, di iginagalang, at di pinapakinggan. Hindi kinikilig ang marami ngayon sa ‘prinsipyo,’ kundi sa ‘panlabas’ na ‘pakita.’ Subalit ang Diyos ay nagbababala ng ganito:

“Look not on his countenance, or on the height of his stature, because I have refuse him: for the LORD seeth not as man seeth; for man looketh on the outward appearance, but the LORD looketh on the heart.” (1 Samuel 16:7)

Hindi nakatuon ang Panginoon sa panlabas na anyo, kundi sa laman ng puso. At yun nga, gamit ang Kawikaan ni Solomon, sa 1:8-19 ay matututunan natin ang isang aral na pundasyon sa lakas ng tunay na pagkalalake. Ang puso ng isang lalake upang maging ‘tunay na lalake sa paningin ng Diyos’ ay dapat na naglalaman ng ganito: ‘May PRINSIPYO AT PANININDIGAN.

Sa wikang Ingles, ang dalawang salitang ito ay pwede kong iugnay sa salitang ‘Fortitude.’ At sa paborito at pinagkakatiwalaan kong diksyunaryo – si Webster – ganito ang kanyang definition sa ‘fortitude.’ Limiin or let this definition sink in your heart, ikaw na lalake – at pati na rin sana ikaw na dalaga – ganito ang lalaking dapat ninyong hangaan at ipag-pray.

FOR’TITUDE: That strength or firmness of mind or soul which enables a person to encounter danger with coolness and courage, or to bear pain or adversity without murmuring, depression or despondency…Fortitude is the guard and support of the other virtues.

Yun lang ay ito …

Tayo ngayon ay nasa panahong ang pinaniniwalaan na ‘tama’ ng mga kabataan ay yung ‘majority belief.’ Kumbaga ay, ‘Vox Populi vox Dei.’ Ang boses daw ng Masa ay boses ng Diyos o tinig ng tama. At yun nga, nira-rason nila na: “Ginagawa naman ng marami, so bakit hindi ko rin gawin?” At syempre, dahil sa takot na hindi makasabay sa uso at tuksuhin na ‘old fashion,’ marami ang natatangay na makisawsaw sa paniniwala at gawi ng Masa.

Sa isang libro na nabasa ko[1], ang kabataan ay natatangay ng uso sapagkat ang kanyang apat na ‘wants’ o inner desire ay tinutugunan o nabibigyang-lugod sa pauso ng Masa o ng Mundo. Ang apat na wants (kagustuhan) ay ito: (1) Wants Personal Recognition, (2) Craves New Experience (Thrill Urge), (3) Wants Response, and (4) Wants Greater Security.

At madalas na ang apat na ‘wants’ na ito kapag hindi kontrolado o edukado ay nagiging malaking hadlang sa paghubog sa puso ng isang kabataang lalake – ang magkaroon ng prinsipyo at paninindigan (syempre pati na rin sa mga kababaihan). Kapag ang isang ‘wants’ ay walang prinsipyo, ito ay magiging bisyo (vices) o ‘masamang hilig.’[2]   

Pero dito nga sa Kawikaan 1:8-11, itinuturo at ipinapakita sa atin ng malinaw na ang pagiging malakas na lalake ay siya na hindi sunud-sunuran sa uso o takbo ng sanlibutan.[3] Ipinapakita sa mga talatang ito na ang paninindigan pala ay nagmumula sa prinsipyo. At ang tamang prinsipyo ay nagmumula sa turo ng Diyos.[4]

Now sa overview na pagsusuri, ganito ang nakikita ko sa Proverbs 1:8-10, gamit ang KJV.  Sa verse 8 ay mababasa natin na ang pantas ay nananawagan sa kanyang mag-aaral na “hear the instruction” and “forsake not the law” (v. 8). Ang ‘instruction’ at ‘law’ ay tumutukoy sa Salita ng Diyos na maghahatid sa tao ng ugali ng “fear of the Lord” (v.7). At kapag talagang isinapuso ng isang lalake ang salita ng Diyos, ito ay magiging “palamuti” sa kanyang buhay (v.9) at magbibigay sa kanya ng lakas to say “NO” sa masamang Masa at takbo o uso ng sanlibutan (v.10). Kaya nga, ang paninindigan na pinapakita sa verse 10 na “if sinners entice thee, consent thou not” ay nagmumula sa prinsipyo na bigay sa verse 7-9. Kita mo? Tingnan mo ang mga talata minsan pa.

Now, kapansin pansin ang salitang “entice” (KJV) sa verse 10. Ito ay isinalin sa ibang salita na “lure” tempt” at “hikayatin.”  Literally, ito ay nangangahulugan ng “open the way.” Ibig sabihin, nagbibigay sa iyo ng opportunity at sikat na platform ang mga masasamang tao para matukso o mahikayat ka nilang sumama sa kanila. Subalit yun nga, ingat ka, kasi ang kanilang mga sinasabing opportunity, fame, money, at power ay tulad ng masarap at mamahaling cake na may lason. Subalit yun nga, kung ang isang lalake (at pati na rin babae) ay may ‘prinsipyo’ na galing sa Salita ng Diyos, magagawa niyang matatag na tumanggi sa alok ng uso ng mundo. Kita mo?

Okay dagdag pa. Ang salitang “consent” (KJV) ay interesting na salita. It simply means: “tanggihan mo,” learn to say “NO” with firmness of mind and feet. May mga tao kasi na nagsasabi ng “Hindi,” pero paglipas ng ilang mga araw ay matatagpuan mong nasa lugar o kasama na ng (mga) taong kanyang sinabihan ng “No.” At sa aking karanasan sa ministeryo sa mga kabataan, madalas akong maasar sa mga kabataang babae na nahulog mismo doon sa sinabihan nila ng ‘No.’ Oh! Pambihira! Awit! Diyos ko patawarin ka!

Basahin ang Part 1: Pagtuklas sa Tunay na Lalake


  • [1]Elaine J. Kennedy, Leading and Guiding Youth, Christian Education in the Church for Youth (Church Strengthening Ministry of Foreign Mission Board, SBC, Inc), 20-23.
  • [2] 2 Timoteo 2:22, MBB
  • [3] Remember also our TKL – Romans 12:1-2, the KKK concept
  • [4] Partikular mong basahin ang Kawikaan 1:8-10