“Aray Ko” ng Kabataan

Yaong sinabi ni Pablo kay Timoteo[1]
Naging batingaw na umulit-ulit sa dinig ko.
Oh Diyos ko, malaking hamon ito
Sa Katagpuang tinatawag Mo[2]

Baka ang iba’y magtampo, dulot nitong prinsipyo[3]
Di kinagawian, di kinahiligan sa awit ng Bayan ko.

Pita ng laman umaapoy sa puso ng kabataan
Hinele at dinuyan sila ng social mediang may kasagwaan
Sinanay silang damhin ang ‘laman’
Udyok ng lipunang walang sambahan.[4


  • [1] 2 Timothy 2:22 – “youthful lust”
  • [2] Partikular silang mga kabataan dito sa Dasma, lalo’t sa kanilang galing sa ‘West’ national High School.
  • [3] Aral muna, wag munang ‘Jowa-Jowa.’ Mauubos at malalagas ang purity. Tapos di pala kayo maging forever.  Asar.
  • [4] Yun ay, konteksto ng sentralidad ng simbahan sa lifestyle ng pamilya, pagpapalaki sa mga anak, prinsipyo ng gabay sa mga kabataan, at pagkakaunawa at pagsasabuhay ng prayoridad – gaya ng ‘Pag-aaral’