Noong hindi pa nagagawa yung bubong ng aming bahay, kapag umuulan, mayroong nakakadisturbo at nakakairitang tulo na pumapatak sa aking pinaka paboritong lugar sa bahay – ang aking higaan. Dito sa Dasma, personal kong paborito ang Tag-ulan o kapag umuulan – sa saliw na rin ng awit ng Rivermaya na ‘Ulan.’ Marami akong nagagawa at masarap ang aking pakiramdam kapag umuulan – kasi wala ring pasaway na bata sa labas na ‘spoiled’ ng pasaway na maingay na magulang.
Gusto ko ng ulan! Kung ang aking maybahay ay ‘hot blooded’ o ‘wolf’, ako naman ay ‘cold blooded,’ ala-‘vampire’ kumbaga. Hehe. Anyway, gustong-gusto ko ang tag-ulan pero naaasar talaga ako kapag tumutulo na sa higaan ko ang ulan na inaasam. Isa pa, hindi ko magawang akyatin ang bubong sapagkat napakataas, kailangan ko ng ‘expert’ na lulutas ng aking problema. At minsan nga, ang sarap-sarap na ng tulog ko sa madaling araw sapagkat ang lakas ng ulan, subalit bigla na lang akong nagigising sapagkat pinapatakan ang mukha ko ng nakakairita at nakakadisturbong tulo. Talagang bigla akong babangon; gigil ngunit walang magawa. At sinasabi ko sa sarili ko,‘Bukas na bukas rin ay tatawagan ko si Mr. Expert.’
Ayon kay Solomon, may isang uri ng babae na ang pag-uugali ay katulad ng nakakairitang tulo sa loob ng bahay. Sa Proverbs 27:15 ay ganito ang sinasabi,
“Like an unending dropping on a day of rain is a bitter-tongued woman.” (BBE)
“Ang patuloy na pagtulo sa araw na maulan at ang babaing palaaway ay magkahalintulad.” (AB)
Ang talatang ito ay maaaring ikumpara sa punto rin ng Proverbs 19:13; 21:9, 19.
Hmm, kung titingnan mo, ang paglalarawan sa talata (sa Tagalog) ay “babaing palaaway.” Pero sa Ingles, ang pagiging ‘palaaway’ niya ay may kinalaman sa pananalita (‘bitter tongued’). Pero sa ibang salin, ang ginamit ay ‘brawling’ (Coverdale). At ang salitang “brawling” – at least ayon sa Oxford dictionary and definition – ay ‘a fight in a rough or noisy way, especially in a public place.’ Sa ibang English versions ay ganito pa ang mga salitang ginamit na synonyms or complement para sa ibig pang sabihin ng salitang “palaaway.”
- “Contentious woman” – Geneva, NET, Webster, YLT, NASB, and KJV
- “Woman of strifes” – SLT
- “Quarrelsome wife” – ESV, GW, NLT
- “Nagging spouse” – MSG, CSB
Sa popular na salin sa Tagalog (TPV), ganito ang pagkakasabi ng talata, “Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila.” Minsan pa, may kinalaman ulit sa ‘bibig’ ang pagkukumpara, sa ‘way’ o paraan ng pagsasalita. Pero yun nga, sa mga English translators, kapansin-pansin ang madalas na paglabas o paggamit ng salitang ‘contentious.’ At minsan pa, ayon kay Oxford, ang salitang ito ay nangangahulugan ng ‘causing or likely to cause an argument; involving heated argument; given to arguing or provoking argument.’ At yun nga, makikita mo na related sa bibig o pananalita, lalo’t sa paraan ng pananalita. Kita mo na? Dagdag pa, maituturing ko na ang kanyang kabaligtaran ay ang babaeng sinasabi sa Kawikaan 11:16.
“Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan, ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan.” (TPV).
Gayunpaman, ang Kawikaan 27:15 ay maituturing kong nagtataglay ng mahabing usapin; bagay na hindi ko kayang talakayin sa isang sanaysay. Ang paksang ito ay nangangailangan mismo ng kanyang sariling serye sapagkat maraming dapat isaalang-alang.[1] Halimbawa, (1) naniniwala ako na hindi hinahatulan sa kawikaan ang ‘sanguine’ na personality ng isang babae. (2) Kumpara ngayon, noong unang panahon, ang mga babae ay hindi pa napagkakalooban ng pribelihiyo na makapag-aral o maging edukada. Ibig sabihin, hindi ko nakikita sa kawikaan na inaalis sa babae ang karapatan o kaya’y kakayahan na magbigay ng mga argumentong-lohikal. Para sa akin, kapag ang babae ay nagiging ‘aral,’ siya’y nagiging maingat sa kanyang asta at pananalita (bagamat may mga tinaguriang edukada ngunit mahadera pa rin). (3) Ngunit hindi ako naniniwala na itinataguyod rito ang “ism” ng modernong feminism, gaya halimbawa ng karapatang isagawa ang ‘abortion.’[2]
Sa lahat ng ito, ang maliwanag sa akin ay ito: hinahatulan sa kawikaan ang pagiging ‘mahadera’ ng isang babae. At ayon sa AI definition ng Google,
“Mahadera” is a colloquial Tagalog term derived from the Spanish word majadera, meaning foolish, stubborn, or whiny, and is often used to describe an audacious or talkative woman. The word originally refers to a “pounder” or “crusher” but evolved in meaning through its use in Spanish and then in Tagalog to describe someone perceived as excessively demanding or troublesome.
Ang paksang ito ay tumatawag pa ng mahabing pagsisiyasat.
Balikan ang Part 1, Part 2, Part 3, at Part 4
- [1] Tingnan halimbawa ang article na ito: https://sarahjoconnor.com/2020/04/22/the-stereotype-of-the-nagging-contentious-wife-understanding-proverbs-in-its-original-setting/
- [2] Basahin ang article na ito: https://www.gotquestions.org/feminism-Christian-feminist.html