Ang Dalagang Magtatagumpay sa Laban ng Buhay

Minsan pa, sa series na ito na “Kaakit-akit na Babae,” sa Part 1 ay tinalakay ko “Si Magandang Sanhi ng Tukso.” Sa Part 2 ay ang “Pilosopiya ng Kagandahan.” Sa Part 3 ay ang “Prayoridad ng Magandang Dalaga,” na kung saan ang emphasis ay sa ‘Ugali.’

At ngayon in relation to Part 3, nais kung pag-ugnayin ang Proverbs 14:1 at Proverbs 31:11-31. Ang Proverbs 14:1 ay ginamit ko sa Part 3 na kung saan natuon ako sa ‘general principle’ ng katagang “Bawat pantas na babae ay nagtatayo ng kanyang bahay” (TAB). Bagamat ang tinutukoy na babae sa talata ay karaniwang may asawa na, subalit humugot ako ng ‘general principle’ mula sa Ugali or attitude na pwedeng pakinabangan ng mga kadalagahan ngayon.

Now, ganyan rin ang gagawin ko sa Proverbs 31:10-31. Kukuha ako ng general principle mula sa ‘Ugali’ ng tinatawag na “virtuous woman” (KJV) na mayroon ng asawa (Proverbs 31:10); at i-a-apply ko ang mga ugaling ito sa dapat hubugin at pahalagahan ng mga dalaga upang sila’y magtagumpay sa hamon at laban ng buhay.

Hermeneutically speaking, (1) ang Proverbs 14:1 ay pinalawak o binigyang komentaryo sa Proverbs 31:10-31. (2) Isang kapaki-pakinabang na pastoral research kung aaralin ang passage na ito sa kanyang cultural at historical background. Napapanahon itong paksa sa mga lokal na simbahan ngayon. (3) Interesting para sa akin or ‘food for thought’ na ang aklat ng Kawikaan ay tinapos sa tila pagbibigay ng tribute o pagsaludo sa isang “virtuous” na babae – considering na ang author ng Proverbs, si Solomon, ay tinangay ng maraming mga kababaihan.  

Pero yun nga, sa aking pag-uugnay ng 14:1 at 31:10-31, ito ang prinsipyong (attitude principles) aking nakikita na magandang maging palaisipan sa iyo Oh dalaga ng aking Bayan at ng Simbahan. Ang particular question ko ay ito: ‘Paano maitatatag ng isang dalaga ang kanyang sarili na kung saan ay nakapaghahatid siya ng karangalan (validation) sa kanyang sarili at tahanan?

Gamit ang liwanag ng salita ng Diyos (Bible Light) sa Proverbs 31…

  1. Sa nakikita ko sa 31:10, ang isang babae o dalaga ay dapat na magpahalaga sa pagpapalago at pagpapatingkad ng kanyang karakter o mabuting ugali. Dapat niyang makita o marealisa na ang ‘character building’ ay isang pundasyon na mag-iingat sa kanyang pagkababae o pagkadalaga. Sa madaling salita, nagpapahalaga siya sa GMRC, sa Values Education, at sa word of God. Hindi niya ito nakikitang outdated, old-fashioned, or killjoy. At yun nga, mula rito sa v.10 ay makikita natin ang mga bunga ng ‘character building’ sa kanyang dalagang buhay. Ang ibig kong sabihin, nakikita ko ang v.10 na ‘cause’ at ang verses 11—28 ay mga ‘effects’ or fruits ng character building na nililinang at hinahasa niya sa kanyang buhay.  Okay? Remember this ‘cause-effect’ as you read ang mga sumusunod na puntos.
  2. Sa verses 11-12, nasisilip ko rito yung ugali ng katapatan. Mapagkakatiwalaan mo siya. Hindi siya playgirl o manggagamit na babae. Hindi siya ‘shady’ o yung maaalangan ka na magsabi sa kanya o magtiwala sa kanya kasi ibebenta ka niya o iba-backstab ka. She is trustworthy. Hinaharap niya ang issue on its face, up-close and personal.
  3. Sa verses 13-15, 24, at 27, matingkad na ipinapakita ang kanyang ugali ng kasipagan. Sa katunayan, ang Proverbs 31:10-31 ay tungkol sa kanyang mga pagpupursige sa buhay (“fruit of her hands” v.31). Isa siyang masipag na babae. Hindi tamad; hindi tambay. Hindi maarte, hindi puro paganda. Priority niya sa iskedyul ang gawin ang mga assignments niya sa school, hindi yung ‘jowa-jowa’ o kembot-kembot sa Tiktok. Marunong siyang maghugas ng plato sa bahay, nagpupunas ng mga alikabok sa bahay, at maaasahan sa iba pang chores o gawaing bahay. Maaasahan siya ng kanyang magulang. Hindi siya aalis ng bahay na hindi muna natatapos ang kanyang mga tungkulin sa tahanan. At hindi siya nagdadabog o nagmamaktol sa pagsasagawa ng mga gawaing ito, kahit na nangangahulugan pa ito na hindi na siya makakabukas ng Facebook at Tiktok sa buong araw. Oh! Kaakit-akit ang ganyang uri ng dalaga. May ganyan kanyang Gen Z (1997-2012) at Gen Alpha (2010-2024) ngayon?
  4. Gamit ang verses 16-19, nakikita ko rito na siya yung tipo ng babae na ‘nag-iisip.’ Ang ibig kong sabihin, siya yung tipo ng babae na hindi nagpapatangay sa bugso ng kanyang damdamin o ng kanyang ‘cravings.’ Kapag may pera siya, hindi siya pinapatakbo ng luho ng buhay, kundi tinitingnan niyang mabuti kung ang kanyang bibilhin ay may praktikal na gamit at may mahabang pakinabang. Planado ang kanyang gastos o mga bibilhin. ‘Aray ko po!’ sigurado ang sigaw ng maraming mga babae ngayon, lalo’t sa panahong ito ng Shopee at Lazada at Grab.  Hehe.
  5. Sa v. 20, siya yung tipo ng babae na maalalahanin sa mga mahihirap. Hindi siya yung tipo ng babae na dahil sosyalista at fashionista ay ayaw ng makitang nagbibigay limos sa mga pulubi o nakikipag-usap sa mga batang kalye – na para bang masisira ang kanyang dress-to-kill na outfit at classy na make-up.
  6. Sa vv. 21—22, maalaga siyang babae. Ayaw niyang nagkakasakit ang kanyang mga mahal sa buhay. Listo siya sa kasabihang “Prevention is better than cure.”
  7. Sa v. 23, 28, siya yung tipo ng babae na pinag-uusapan ng may respeto ng kanyang mga kapitbahay. Respetado. Bakit? Kasi hindi siya yung tipo ng dalaga na walang inatupag kundi ang Facebook, games, pagpapaganda, at paghahanap ng boyfriend. Proud ang kanyang mga magulang kapag nakikipag-tsikahan sa mga kapitbahay kasi, “Yang dalaga kong iyan, ang priority niyan ay pag-aaral. Wala iyang boyfriend!!! Salamat talaga sa ‘Tagpuan’ na pinupuntahan niyan. Ipagluluto ko talaga ng masarap na pansit yung kanilang Kuyang Pastor.” Sagot ko naman, ‘Amen.’
  8. Lastly, gamit ang vv. 25 at 26, siya ay isang babaeng may tapang ng loob na bunga ng ‘conviction’ o paninindigan sa Nasusulat na Salita ng Diyos – yun ay, sa liwanag ng Salita ng Diyos o ‘Bible Light.’ Mayroon siyang prinsipyong pinaninindigan. Kapag sinabi niyang ‘hindi,’ hindi talaga yun. Siya ang tipo ng babaeng hindi mo magagawang bastuhin o kaya’y magpapabastos, dahil balot siya ng dangal. May respeto siya sa sarili at hindi siya nag-aastang flirty. Ang sabi ni Cervantes, “The woman who is resolved to be respected can make herself so even amidst an army of soldiers.” Oh, I like it!!! Very attractive ang ganyang dalaga! Actually, in relation to respect, dito sa v. 25, sinasabi na ang katangian o description ng damit o pananamit ng isang respetadong babae o dalaga ay: “strength and honour” (KJV). Hindi siya seductive at provocative manamit. Ouch!!!

Kita mo? Iyan ang mga principles or attitudes para maging ‘established’ ang sarili ng isang babae o dalaga. Iyan ang foundation ng kanyang ‘validation’ o confirmation ng kanyang worth at ang maghahatid ng karangalan sa kanyang pamilya. I don’t care kung ano ang uso o trend ngayon sa Mundo ng mga kabataan (lagi namang pabago-bago iyan, walang consistency), what matters is, ‘ano ang ipinapakita ng liwanag ng salita ng Diyos?’ Ang sinasabi ni Lord sa Kanyang Salita ang siyang pinakamahalaga at ang talagang totoo magpakailanman, kaysa sa pauso o pananaw ng Mundo. Ang sabi ni Jesus, “Heaven and earth shall pass away, but my words shall not pass away.” (Matthew 24:35)

At dalaga! Ang mga puntos na iyan sa Proverbs 31 ay maaasahan mo! Patatatagin at bibigyan ka ng tagumpay ng mga iyan. Yes, ‘narrow way’ yan, hindi iyan sikat sa iyong mga kaklase o ka-eskwela, but that’s the KKK way to lasting fruit and meaningful victory.

Sa lahat ng pwedeng panapos na kawikaan, nagtapos ang Proverbs sa ganitong papuri at konklusyong ukol sa tunay na kagandahan:

“Charm is deceitful and beauty is vain, but a woman who fears the LORD is to be praised…” (Proverbs 31:30, ESV)

Orihinal na Konsepto ng Salaysay 2009. Pagsasapanahong Rebiso, September 2025