‘Intimacy with God’ ni Donald G. Mostrom: Isang paguulat sa nilalaman ng Chapter 1.
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. (Genesis 1:27)
Sa aking maliit na library, ang aklat na ‘Intimacy with God’ ni Donald G. Mostrom[1] ay maituturing kong naghatid ng maimpluwensyang kontribusyon sa aking pagbubulay sa tinatawag kong “Deus Veritatis.”[2] Ang aklat na ito ay unang nailathala noong 1983. Hindi ko maituturing na sikat ang may akda ng librong ito. Sinubok kong i-research ang may akda sa Internet ngunit sa Amazon ko lang nakita ang aklat niya; hindi ipinakita ang mukha at background ng awtor. Gayunma’y kahit na hindi siya sikat, ngunit sa pagbabasa ko ng kanyang aklat, napaghinuha kong may edipikasyong-biblikal na hatid si Mostrom sa ating kaluluwa – lalo’t higit sa disenyong-pangangailangan nito na makipisan sa Diyos. Tunay na gumagamit ang Panginoon ng mga hindi sikat upang matuon tayo sa sikat ng Kanyang salita.
Sa aking palagay, ang pinaka-premise o pundasyong-pananaw ng kanyang aklat ay nabubuod sa kanyang sinabi na “God desires fellowship with human beings.”[3] Wika niya, ito ay “remarkable thought”[4] o pambihirang pananaw; na ang Diyos ay sabihing nagnanais o naghahangad ng “fellowship” sa Tao, gayong Siya sa Kanyang Sarili bilang Diyos ay “complete”[5] (ganap) at “self-sufficient”[6] (sapat sa sarili). Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng anumang labas sa Kanyang Sarili; Siya si Yahweh, ang self-existent at self-sufficient One.
Gayunman, wika ni Mostrom, ang Biblia ay hitik sa kamalayang ang Diyos ay nagnanais ng pakikipag-relasyon sa atin; nais Niya ng ugnayan! Nais ng Diyos na makipisan[7] sa Tao.[8]
Anim na dahilan ang nakita ko na ibinigay ni Mostrom upang ipaliwanag ang premise (pananaw) na “God desires fellowship with human beings.”[9]
- Imago Dei
“Indication”[10] o pahiwatig o patotoo ang wangis at larawan ng Diyos sa ating buhay hinggil sa pagnanais ng Diyos na makipisan sa atin. Ayon kay Mostrom ang Imago Dei (wangis ng Diyos) sa buhay ng tao ay,
“…to the kind of personality we have; to our mental and emotional characteristics, our powers of choice, our moral attributes – all patterned after God’s personality.”[11]
Kaya’t kung ang Diyos ay walang pakialam sa atin; na wala Siyang hangarin na makipisan sa atin, disin sana’y hindi Niya tayo nilikha ayon sa Kanyang wangis.
Kaugnay pa nito, wika pa ni Mostrom, “good word”[12] o magandang salita ang “fellowship” para tukuyin ang ugnayan ng Tao at ng Diyos. Gamit ang Genesis 2, inilarawan niya ang fellowship na ito na:
- “Two-way Interaction”
- “Whole”-way interaction[13]
Sa madaling salita, bigayang-tugon ang relasyon. Hindi nilikha ng Diyos ang Tao na robot.[14] Hindi Niya nais na maging tameme tayo sa Kanyang harapan o dili kaya’y kawawang-sunod-sunuran. Wika ni Mostrom,
“If naming involved discovery of the true character and identity of these creatures, this was perhaps a far greater discovery than we might realize, carried out in a marvelous, functioning fellowship with the living God.”[15]
Ito ay magandang pangungusap. Maganda itong pagisipan pa ng mabuti.
Dagdag pa niya,
“It was not God’s intention to create human being whose identity and function would be wiped out by His own greatness.”[16]
Dagdag pa riyan, dahil ito ay “whole” way interaction, walang manipulasyon na nagaganap. Bagkus, ang ugnayan ay buong-ugnayan na may kalayaan. “He called on them to operate at full capacity.”[17] Oh, mahusay itong pananaw. Buong pagkatao (katawan, isip, puso, lakas, etc) ang ninanais ng Diyos na itugon natin sa Kanya. “Love the Lord thy God with all your heart, mind, soul and strength.”[18]
Kaugnay sa sinabi ni Mostrom, masasabi ko na ang buhay-pagtugon natin sa Diyos ay hindi dapat na compartmentalized, kundi dapat na centralized. Ibig kong sabihin, ang Diyos ang pundasyon at sentro at Siya rin ang lasa at kulay sa bawat aspeto. Oh, this is deliciously insightful. Ito’y napakasarap na pananaw.
Gayunpaman, ayon kay Mostrom, ang katangian ng fellowship na ito na dinisenyo ng Diyos ay na-corrupt ng kasalanan.[19] Kung kaya’t sa pagpapaliwanag ng fellowship o pakikipisan ng at sa Diyos, magandang isaalang-alang ang epekto ng kasalanan o ang doctrine ng total depravity (peccatum orihinale) sa ugat-pagkatao at maging ang influence ng old sinful nature sa buhay ng Kristyano.
Subalit sa biyaya ng Diyos, paliwanag ni Mostrom, ang Diyos ay gumawa ng mga “extraordinary measures”[20] para muling i-secure ang pakikipisan Niya sa tao. Gamit ang 2-6 na mga dahilan, patuloy na ipinakita ni Mostrom na pinatunayan at pinatibay ng Diyos ang Kanyang pagnanasa na makipisan sa Tao sa pamamagitan ng mga sumusunod na dahilan.[21]
- Mga Tipan ng Diyos sa Biblia.
- Ang disenyo ng Tabernakulo; ang priestly system, maging ang Templo.
- Ang dakilang utos; ang Shema na tumatawag at nag-uutos sa Tao ng buong-pakikipisan sa Diyos.
- Pasensya ng Diyos sa pamamagitan ng panawagan ng pagsisisi at pagbabalik-loob (Isaiah 65:2).
- Pakikipagusap ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan.
Tungkol sa #6 ay nagustuhan ko ang sinabi ni Mostrom.
“All scripture is God-breathed…Scripture is the out-breathing of God’s heart.”[22]
Iyan ay magandang pangungusap. I say, a theologian is a man after God’s own heart. Ang theologian ay mapuso sa Diyos at puspos ng puso ng Diyos! Kaya’t ang sabihin na ang Theology ay hindi practical, hindi supernatural, na walang buhay, na academic exercise lang, ay isang pang-iisulto sa puso ng Diyos.
Wika pa ni Mostrom,
“He entered into the process, by which His redemptive speaking was recorded and preserved in written form.”[23]
Ang eternal o walang pasimula at walang wakas na Diyos, na nagsalita ng mensahe ng kaligtasan sa kasaysayan ay presenteng nagsasalita sa atin ngayon sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Oh, ito’y isang masarap na katotohanan na dapat ay magpanabik sa atin sa pagbabasa at pagbubulay ng Banal na Kasulatan. Ngunit kaylungkot na kung hindi ganito ang ugali at pagharap mo sa Biblia, maituturing kong malamig ang relasyon mo sa Panginoon. Ang Diyos ay nais makipisan sa iyo. Handa at kusa ka ba na makipisan rin sa Kanya? Harinawa kaibigan…harinawa.
Orihinal na sanaysay: October 18, 2018. Pagsasanapanahong Rebiso: September 17, 2025.
- [1] Mostrom, Donald. Intimacy with God. New York: Guideposts, 1983.
- [2] Reality of God
- [3] Mostrom, p.13
- [4] Ibid
- [5] Ibid
- [6] Ibid
- [7] Isang malalim na Tagalog para sa salitang “fellowship” o “communion.” Ginamit sa 2 Corinto 13:14, Ang Biblia, 1978.
- [8] Ibid
- [9] Ibid
- [10] Ibid
- [11] Ibid
- [12] Ibid
- [13] Mostrom, p. 14
- [14] Or wika ni Mostrom, “He did not plan to create shells or mere puppets to manipulate.” (p.14)
- [15] Mostrom, p.14
- [16] Ibid
- [17] Ibid
- [18] Deuteronomy 6:4-5
- [19] Mostrom, p. 14
- [20] Ibid
- [21] Mostrom, p.14-15
- [22] Mostrom, p. 15
- [23] Ibid