Ang Mundo ay kinalatan ng maraming putak na ‘definition’ tungkol sa kagandahan. Ang Television, Internet, YouTube, TikTok, Facebook at iba pang Social Media platforms ay kakikitaan at kapaparinggan ng iba’t ibang mga ideya, programa, pamamaraan, at panawagan tungkol sa pagpapaganda at kagandahan. Ang Mundo ay mayroong sariling mga ‘terms, conditions, and means’ tungkol sa kagandahan. At syempre, kapag hindi mo taglay ang mga bagay na kanilang defined o offer, then…hindi ka maganda sa kanilang paningin.
Tuloy, isang nakalulungkot na moral na problema ngayon ang lagay ng maraming mga kababaihan na pinupugaran ng mga ideyang sumisigaw at sumisilaw sa kanilang paningin na ang ganda ay nasa damit, nasa lipstick, nasa uri ng pabango, nasa pangalan ng parlor na pinupuntahan, nasa ayos ng buhok, sa dami ng mga nagkaka-crush o naghahangad sa kanya, at lalo’t higit ay sa dami ng kanilang nakakabig na likes mula sa Social Media gamit ang mga damit, gimmick, at tanawing provocative and seductive. Ang thousand or thousands of likes sa Facebook ay anyo ng ‘power’ ‘influence,’ and ‘money’ para sa mga babae ngayon, subalit ang moral na problema ay, ginagamit nila ang tawag ng pita ng laman upang ito’y makamit.
Ang sabi ng Panginoong Jesus,
Ang bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad (epithumeo—selfish desire, kasakiman, gustong angkinin) ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kanyang puso. (Mateo 5:28)
Tunay na tunay ang sinabi ng Panginoong Jesus rito; sa level ng puso ay isa ng pangangalunya ang ginagawa ng isang lalaki na tumitingin ng may masamang hangad sa isang babae! Sa standard ng Langit, ang ganyang uri ng tingin ay isa ng ‘adultery.’ Subalit sa kabilang banda, sa panahon ngayon, ang moral at espirituwal na problema rin ay ganito: ‘Eh paano kung ang babae na mismo ang naghahatid, nagpapakita, pumupukaw, at tumatawag ng masamang pagnanasa para sa kanya?’ Tapos gagamitin pa ng iba ang konsepto ng ‘freedom of expression’ or ‘art expression’ na parang ang lahat ay ‘permissible’ o pwedeng gawin in the name of freedom, ngunit di isinasaalang-alang ang punto ng moral responsibility and accountability. Kaya naman, matapos sabihin ng Panginoong Jesus ang Mateo 5:28, may idinugtong na mga pangungusap na ganito ang sinasabi:
“Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.” (Mateo 5:29-30)
Personal rito ang panukoy, subalit pwede rin ang prinsipyo sa panlipunan o ‘social.’ Sa madaling salita, maging yung ‘sanhi ng pagkakasala’ ay may parusa rin. Sa katunayan, mas matindi ang pangungusap ni Jesus sa Mateo 18:7
“Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito.”
Kita mo yan babae? Kung ikaw ang ‘source’ ‘influencer’ ng tukso – ayon sa sinabi ng Anak ng Diyos, na Siyang lumikha ng Langit at Lupa, na Siyang magiging Hukom ng lahat ng nilalang – “kakilakilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan” ng tukso! Hindi lang pagpunta sa impyerno ang mangyayari sa iyo, kundi doon sa impyerno ay mapupunta ka sa isang napakatinding antas o ‘degree’ ng kaparusahan. Kaya nga minsan pa, “kakilakilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan” ng tukso.
Kaya naman, nakikiusap ako sa mga kababaihan, lalo’t sa inyo ng nagsisimba: huwag kayong padala sa uso ng mundo pagdating sa anyo, galaw, at trending ng kagandahan. Huwag ninyong gamitin ang inyong katawan, alindog, ka-seksihan upang gumawa ng mga provocative at seductive na mga contents na hindi lamang nagpapababa ng iyong moral na dangal bilang babae kundi nagiging source o influence rin ng masamang pagnanasa o pag-iisip sa maraming mga kalalakihan. Ang iyong katawan bilang babae ay bigay ng Diyos at taglay mo rin ang Kanyang wangis, therefore, ihandog mo ang iyong katawan para sa Panginoon. Magdamit ng maayos. Huwag mong ilantad ang iyong katawan sa madla. Huwag manukso! Huwag mong gawin ang ginagawa ng Diyablo (manunukso) at mapabilang sa kanyang mga kampon at ‘daughters.’ Maging babae na may takot sa Diyos at may paggalang sa sarili. The Lord will provide for your needs, hindi mo kinakailangan na mabuhay o kumita ng pera sa pamamagitan ng paglalantad ng mga bagay na dapat ay pribado at sagrado at inihahanda para sa matrimonya ng kasal.
Ang sabi ni Apostol Pedro, “Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos (yun ay, may kontrol sa sarili). Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos.” (1 Peter 3:3-5)