Talinong Di-Akademik

“Remember now thy Creator in the days of thy youth, while the evil days come not, nor the years draw nigh, when thou shalt say, I have no pleasure in them;” (Ecclesiastes 12:1 KJV)
“Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan” (Kawikaan 1:7).

Sa Part 1 ng ating pagbubulay, binigyang pansin ko na yung pag-alaala o pag-remember sa Diyos na sinasabi rito ay hindi dyologs, di low-brainer, unintelligent, impractical, and killjoy; it’s a wise calling. Ang isang kabataang matalino, yung talagang matalino, ay hindi babalewala o mangmamaliit sa makaDiyos na values. Minsan pa, ang panawagan na ito ay nagmula sa pinaka V.I.P. at powerful na tao sa Israel noong 970 B.C – ang philosopher king ng United Kingdom of Israel.  

Pero yun nga, yamang inuugnay natin ang ‘remember now thy Creator’ sa punto ng ‘fear of the Lord,’ (na inilatag ko sa Part 2), madali lang kung gayon sabihin or i-adduce na ‘ang pasimula ng karunungan’ sa buhay ng isang tao ay sa ‘moment’ o sandali (chronologically) na alalahanin niya ang Diyos – yun ay, pag-aalalang maghahatid sa pakikipag-relasyon. See?

Now, pagdating sa usapan ng karunungan o kaya’y talino, maraming mga pala-palagay ang mga Kabataan sa mga salitang ito o sa konsepto nito. Halimbawa, para sa Mundo (mundum), ang pagiging ‘marunong’ raw ay yaong pagiging magaling o matalino sa Matematika, Agham, at Teknolohiya. Syempre, ang mga subjects na iyan ay maganda, how I wish ‘marunong’ o matalino rin ako sa mga subjects na iyan. Pero yan ba ang ibig sabihin ni Solomon ng “karunungan” sa kanyang aklat ng Kawikaan? And so, sa mundo, ang salitang ‘marunong’ at matalino ay madalas na nakakonekta sa taong laging may hawak na libro, yung nasa loob ng laboratoryo, valedictorian, o summa cum laude. Now, no debate at all, ang mga taong ganyan ay talagang matatalino at saludo ako sa kanila. Kaso nga lang, yung konsepto at larawan ng ‘karunungan’ na tinutukoy ni Solomon ay hindi nakapundasyon sa deskripsyong iyan. Ang karunungan na tinutukoy ni Solomon ay ‘God-centered’ o sa salita ko pa ay ‘dunong na umiikot sa Diyos,’ gaya ng pag-ikot ng ating planeta sa haring araw.  Ibig sabihin, ang talino mo ay inihahandog mo para sa Kanya; para sa Kanyang ebanghelikong Gawain; para sa ikasusulong ng Kanyang Kaharian, at sa ikatitingkad ng Kanyang Nasusulat na salita. So let’s say parang ganito: Sabihin natin na matalino ka sa Algebra, pero hindi mo nari-realisa yung logic ng Diyos sa mga numero; well kapag ganyan, ang Algebra mo ay hindi magpapalago ng iyong takot o pagpapahalaga sa Diyos na ‘Creator’ ng lahat ng bagay, maging ng Mathematics. Sa isang banda, alam mo bang ang Algebra ay nagsasanay ng iyong isip na maging maingat sa pagsasaalang-alang ng mga ‘koneksyon at kanselasyon’ ng mga bagay-bagay? Hence, supposedly, dapat sana itong mag-contribute sa iyong isipan pagdating sa ‘art of decision making.’ Ibig sabihin, ang galing mo ngang mag-solve ng Algebra, subalit tuliro ka naman sa pagpili ng tamang kaibigan, sa punto ng Values ay masasabi kong hindi ka pa rin talaga matalino. See my point?

  • Orihinal na Salaysay 2009, Pagsasapanahong Rebiso, August 2025
  • Part 3 ng Sanaysay
  • YouTube & Spotify Versions