“Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay.” (Ecclesiastes 12:1)
“Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.” (Ecclesiastes 12:13-14)
Kung pag-uugnayin ko ang 12:1 at 12:13-14, ang salitang “alalahanin mo” sa v. 1 ay nagpapahiwatig ng pusong magbabalik loob sa Diyos. Sa madaling salita, ang pag-alaalang dapat gawin ng isang kabataan sa harapan ng Diyos ay hindi lamang sa isip, kundi mula sa puso. Ito ay dapat na totoo, at hindi lang pakitang tao. Pero tingnan mo pa ang talata, ang sabi, “Remember now thy Creator…” “Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo…” By context and interpretation, yung capitalization ng salitang ‘Creator’ sa Ingles at ‘Maylalang’ sa Tagalog ay nagpapakita na ang tinutukoy rito na dapat alalahanin ay ang Diyos. Sa madaling salita, ang Diyos ang dapat alalahanin ng isang kabataan habang mayroon pa siyang sariwang lakas na pwedeng ihandog sa Panginoon. And so, by purpose o sa layuning punto, ang pag-alaalang ito ay maghahatid sa pakikipag-relasyon sa Diyos. At yun nga, gamit ang talatang ito, pwede nating sabihin na ang tunay na pagkaMakaDiyos ay ‘relasyon sa Diyos,’ ‘not mere religion’ o yung sabihing may relihiyon ka. Bakit? Sapagkat gamit lamang ang karaniwang obserbasyon, matutuklasan natin na hindi lahat ng pagsasabing ikaw ay ‘may relihiyon’ ay talagang ‘may relasyon sa Diyos.’ Bakit? Sapagkat gamit ang sinasabi sa 12:13-14 na iniuugnay ko sa 12:1, ang tunay na relihiyon kasi ay may itsura – o relasyong itsura. At ano ang itsura ng pakikipag-relasyon sa Diyos? Well, gamit ang sinasabi sa talatang ito, ang pakikipag-relasyon sa Diyos ay:
- Pagkakaroon ng banal na pagkatakot sa Kanya, ang ibig sabihin, Siya yung pinapahalagahan ng puso mo sa lahat ng bagay; Siya yung inuuna mo sa lahat ng bagay. Iyan ang ibig sabihin ng ‘pagkatakot sa Diyos.’ Ang essensya kasi ng kasalanan ay ang alisin o di-pahalagahan ang Paningin at Puso ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa (Kawikaan 1:7, 29; 2:5; 3:7; 8:13; 9:10; 10:27; 14:26—27; 15:16, 33; 16:6; 19:23; 22:4; 23:17).
- Pagsunod sa Kanyang salita, yun ay, sa Nasusulat Niyang salita. Subalit nakakalungkot na marami ang pumupunta ng simbahan subalit walang kaalaman sa Nasusulat na salita ng Diyos. Sila’y mangmang sa aral ng Panginoon. And so, kung pumupunta ka ng simbahan at sinasabi mong sumasamba ka sa Diyos, pero hindi ka aral sa Nasusulat na turo Niya, ang tanong ay: ang iyo kayang pananambahan sa Diyos ay nakalulugod sa Kanya? Isa pa, kung sinasabi mong naniniwala ka sa Diyos, ngunit hindi mo alam ang Kanyang Nasusulat na salita, tingin mo kaya ay magkakaroon ka ng tamang pagkakilala sa Kanya?