Kabataan, Sana’y Alalahanin Mo ang Diyos

“Remember now thy Creator in the days of thy youth, while the evil days come not, nor the years draw nigh, when thou shalt say, I have no pleasure in them;” (Ecclesiastes 12:1 KJV)

Kabataan, ikaw ang kinakausap rito ni Solomon. Ang sabi niya, “Remember now.” Kaya’t kung wala ka pang relasyon sa Diyos, kung hindi mo pinapahalagahan ang pagkaMakaDiyos, ito na ang oras na mag-isip-isip ka. Tingnan mo minsan pa ang talata, sinasabi ng napakatalinong hari sa Israel na ang pag-alaala sa Diyos (sa katunayan, ang diwa sa Hebreo ay ‘pagbabalik loob sa Diyos’) ay “now,” “ngayon.” Ngunit alam mo ba na ang talatang iyan ay panawagan na mula sa isang pantas? Sa katunayan, sa isang philosopher king. Ergo, ang panawagan na ito ay hindi dyologs, low-brainer, unintelligent, impractical, and killjoy; it’s a wise calling. Kaya ang hamon ng talatang ito, kung matalino ka, yun ay, kung talagang matalino ka, hindi mo ito mamaliitin o babalewalain.  Sa madaling salita, ang talatang-panawagan na ito ay hindi mo dapat ipagpabukas.

At dahil nga ikaw ay tinatawag ng Diyos na alalahanin Siya, ito ay dapat mong gawin “ngayon.” Huwag mo itong ipagpabukas sapagkat hindi mo alam kung magigising ka pa sa kinabukasan. Hindi mo hawak ang buhay! Oh! Sa tingin ko naman ay hindi ka mangmang sa mga bali-balita minsan, na lumabas lang ng bahay eh, malamig ng bangkay nang matagpuan. Kaya nga, sabi ni Solomon, alalahanin mo ang Diyos, “Bago dumating ang mga masamang araw…”

You see, diba it’s common GMRC sense at logical sense na ang Panginoon ang nagkakaloob ng ating hininga sa araw-araw? At kung loobin Niya na ito ay bawiin, wala tayong magagawa upang ito ay pigilin.  Diba? Sa Theology ay tinatawag namin iyang “Common Grace.” Ang sabi ni St. Paul,  “In Him we live, and move, and have our being…” (Acts 17:28).  Kaya mayroong isang awit na umaamin ng ganito: “Hiram sa Diyos ang aking buhay….”

Kaya nga, ipagpasalamat mo sa Diyos na patuloy mong nararanasan ang bawat umaga. Ang lakas, freshness, at sigla ng iyong katawan bilang ‘kabataan’ ay pagpapala ng Diyos – lalo’t kung mayroon kang mga responsableng mga magulang na nagpapakain sa iyo ng mabuti – ng gulay at fried chicken.