Puso sa Diyos: Di Perpekto Ngunit Tunay

Ang sanaysay na ito ay tumatawag ng kritikong pagbubulay.

“Whom have I in heaven but thee? and there is none upon earth that I desire beside thee. My flesh and my heart faileth: but God is the strength of my heart, and my portion for ever” – awit ng Psalmista (Psalm 73:25-26)

“Our heart is restless until it rests in You” – sa tuklas ni Augustine

‘Visio beatifica’ (blessed vision) – sa pagninilay ni Aquinas

Be Thou my Vision, O Lord of my heart; Naught be all else to me, save that Thou art; Thou my best Thought, by day or by night; Waking or sleeping; Thy presence my light. – halaw sa taludtod ng maalikabok na himno ng mga nakalipas na siglo.

“God is most glorified in us, when we are most satisfied in him” – Pangaral ni Piper

Marapat aminin na mas madali itong isulat at isambit kaysa danasin. Tama? Syempre, alam ng bawat nagsasabing-Kristyano na ang pagibig sa Diyos ay dapat na maging mapangibabaw at kaakit-akit sa ating puso. Ngunit sa “tunay na buhay” – o siguro mas akmang sabihin – sa “daloy ng buhay,” ang hangarin[1] na ito ay hindi “laging” totoo sa atin. Diba? Hindi natin “laging” mahal ang Diyos ng “buong” puso sa ating dinadama at kinikilos. Sang-ayon ka?

Syempre, maraming dahilan kung bakit hindi natin laging mahal ang Diyos ng buong puso. Ngunit sa pakiwari ko, isang matibay na paliwanag ay dahil sa tinatawag nating ‘lumang kalikasan’ o sa Ingles pa ay, ‘Old Sinful Nature’ (O.S.N).

Kaya’t pa-tama (at tama) sa atin ang realistikong liriko ng isang madamdaming awit.

“Lord my heart is prone to wander; prone to leave the God I love…”[2]

Iyan ang ating suliranin. Gayunpaman, sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng probisyon ng Kanyang Espiritu at Salita, tayo ay sinasangkapan ng kalooban at kakayahan (Philippians 2:23) na hangarin o ibigin ang Diyos ng “buong puso”[3] – o siguro’y mas akmang sabihin “tunay na puso.”

Syempre, hindi magiging perpekto ang pagibig natin sa Diyos habang taglay natin ang O.S.N. at habang naririto tayo sa makasalanang daigdig. Ang maluwalhating pagibig ay magiging pure and full experience lamang sa araw ng kaluwalhatian.

Subalit, pwedeng ihatid o lumalagong-hubugin tayo ng Espiritu ng Diyos sa “tunay na puso” sa harapan ng Panginoon – Ngayon. Oo, hindi “laging buo ang puso,” yun ay, hindi laging perpekto, hindi laging sakop ng Diyos ang buong teritoryo ng ating puso. Ngunit salamat sa habag at tiyaga ng Panginoon, nakikita Niya ang ating “tunay na puso,”[4] maari natin Siyang ibigin (ika ni Schaeffer) ng ‘substantial’ o ‘may tunay na nilalaman.’ Thus, hindi plastic na puso kundi tunay na puso, kahit na hindi perpekto.

Tulad ni Pedro, sa kabila ng ating pagbagsak, sigaw ng tunay na puso ay ito:

“Lord, you know that I love you.”[5]

Ergo…

Hindi sumusuko ang tunay na puso sa masikap at madigmang pagibig sa Panginoong Jesus. Bakit? Sapagkat sa puso ng isang tunay na Kristyano, hindi kaylanman magiging masarap ang pananatili sa kandungan ng diyablo. Ang new heart o bagong puso na bigay at desenyo sa atin ng Espiritu ng Diyos ay maglulupasay ng may kalungkutan at pagdurusa kapag nananatili tayo sa kasalanan.[6]


  • [1] Desire and volition
  • [2] Marty Nystrom
  • [3] Maaring lumabas ang aking pangungusap na oxymoron o may salungatang-pangungusap. Subalit binibigyan ko ng pagkakaiba ang buong puso sa punto ng kalooban (desire) sa buong puso sa punto ng kilos (practice). Gayunma’y ang desire kapag iuugnay sa punto ng panahon (time) ay hindi laging may buong kalooban (i.e. always desiring, bagamat sa punto ng New Nature maaring sabihin na ito ay laging may always desiring and whole heart for the Lord). Ang kaguluhan na ito ay dulot ng dalawang nagtutunggaling kalikasan sa ating persona.
  • [4] Desire of the heart, New Nature
  • [5] John 21:17
  • [6] Implied ito sa sinasabi ni Paul sa Titus 2:11-12, hindi tayo tinuturuan ng Biyaya ng Dios na magtampisaw sa kasalanan na parang baboy. Yes, tayo ay nagkakasala parin, ngunit hindi nananatili sa lubluban nito. Although, magiging debate rito ang time element ng “pananatili.”