“Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.” (1 Pedro 1:12)
KABAN
Sa gitna ng mainit na klima at lugar ng kahambugan;
Sa lugar na pinupugaran ng iba’t ibang lalang ng kadiliman;[1]
Nakita ko! Oh! nakita ko! ang pagbaba ng galak ng kalangitan![2]
Nadama ko! Oh! nadama ko ang pagdapo nito sa puso ng Tagpuan![3]
KAPANGYARIHAN
Unti-unting tumutubo ang mga binhing hinasik sa hirap at ginhawa,[4]
Dinilig ng pag-asang susulyapan ng humirang na Magsasaka.[5]
Kahit walang Aircon at bubong na kayganda,
nilimliman at kaylusog na naisilang ng Espiritung Dakila.[6]
KONPESYON
Kaya kagalakan ng Langit[7] aking nadarama,
Bumubulong, nagpapadama: “Hala tumutubo na.”[8]
At Oo, sa gitna nila…
Malapit ko ng sabihin: “Arise!” “Bumangon ka!”[9]
- [1] John 16:7-15, ang dakila at mapanakop na pagkilos ng Espiritu Santo sa lugar ng kadiliman
- [2] Tingnan ang kalagakang ito sa Luke 15:10, kasama na rin ang Ephesians 3:10
- [3]Ikumpara sa Exodus 25:20
- [4] Mark 4:4-9
- [5] Matthew 12:24
- [6] Tagpuan’s ministry motto: “Creating Biblical Values.”
- [7] Minsan pa, Luke 15:10
- [8] 1 Corinthians 3:6
- [9] Ephesians 5:13-14; 1 Thessalonians 5:5, ngunit sa militar na punto na hawak ang bandila ng Great Commission – ‘Church Militant.’