Mukha Lang

Inspirado ng Genesis 4:1—9

I

Akala’y tumangkilik ng santa
Mukha’t tinig ay anghelita.
Presensya’y sintamis ng sampagita,
Ngunit mukha lang pala.

II
Mahusay sa himig at habi ng salita.
Udyok ng kasanayan sa hirap at t’yaga.
Puso’y mapapalapit na may simpatya’t kalinga;
Ngunit kaylupit, katapatan mo’y susuklian ng hinala.

III
Oh! anak ni Cain, tulad mo’y matamis na pain.
Mga anak ni Bathala, sa iyo’y nahuhumaling.
Naniniwalang ika’y bukas na maunawain;
Inakalang tagapagbantay ng kaluluwa namin.