Amang Abraham

Genesis 12:1-2
 “Umalis ka sa iyong lupain…Gagawin kitang isang malaking bansa…”

KABAN
MULA sa sampung-pangalan ng banal na lahi[1]
Sa ika-sampu ay ang lalaking pinili.[2]
Sa lalaking hirang ng biyayang maluwalhati
bubuohin ang bayang bubusugin ng kandili.[3]

KAPANGYARIHAN
SA buhay niya makikita ang kapangyarihang dakila
pagkat bubuo ng bansa mula sa baog na bahay-bata.[4]
Ang kadakilaan ay isinisilang ng impossible
mula sa Poong pag kumilos ay talagang grabe![5]

KONPESYON
PUSO ko amang Abraham ay niyayakap mo.
Unang hokage ka ng bayang Kristyano.[6]
At kahit ako’y isang mamamayang Pilipino,
ako’y anak mo ng dahil kay Cristo.[7]
Oh! Manalig ka puso ko sa Diyos ng imposible!
Huwag mong tantiyahin[8] ang ‘tawag’ Niya batay sa iyong pag-aari.
Mahilig Siyang kumilos sa paraang wala ng masasabi,
upang itikom ang bibig ng palataas ng sarili.[9]


[1] Basahin ang Genesis 11:10-26. Tingnan na rin dito ang note ng ‘The NIV Study Bible’ (1985).
[2] Tingnan ang Genesis 11:26
[3] Basahin ang Genesis 12:1-3
[4] Genesis 11:30
[5] Tingnan ang mga talatang ito na nagpapakita ng mga scenario at prinsipyo na walang impossible sa Diyos: Genesis 18:14; Exodo 14:21-22; Job 42:2; Isaias 43:19; Jeremiah 32:17, 27; Mateo 19:26; Marcos 10:27; Lukas 1:37; Efeso 3:20
[6] Roma 4:17-22
[7] Roma 4:12 cf Galatia 3:14
[8] Basahin mo ang mga talatang ito: Job 5:9; 37:5; Proverbs 3:5-6; Ecclesiastes 11:5; Isaias 55:8-9; Jeremiah 10:23; Habakkuk 1:5; Romans 11:33; 1 Corinthians 1:25; Ephesians 3:20
[9] Partikular na basahin ito 1 Corinthians 1:27-29 at ikumpara alinsunod sa prinsipyong punto sa mga talatang ito: 1 Samuel 2:3; Awit 31:18; 94:4; Kawikaan 16:18; 29:23; Isaias 2:11-12; Jeremias 9:23-24;  Daniel 4:37; Santiago 4:6.