Dalubhasang Manunudla

Genesis 10:8-9
“Si Nimrod ay nagsimulang maging makapangyarihan sa lupa. Siya’y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon…”

KABAN
MULA sa tatlong lalakeng anak ni Noah
nagmula kay Ham,[1] isang pinunong pambihira.
Ngunit ‘pambihira’ di sa malasakit na pamamahala
kundi sa tiranong pangingibabaw sa kapwa.[2]

KAPANGYARIHAN
SA pangangaso ng buhay ng kapwa[3]
Si Nimrod ay dalubhasang manunudla
Daig pa niya ang pana ni Cupido
lisik ng mata niya’y nakapanlulumo[4]

KONPESYON
PUSO ko’y tinudla
ng mga pakunwaring diwata[5]
Animo’y mga anak ni Bathala
sa ganda’t tamis ng mukha’t salita.[6]

Masakit na panunudla’y nagmumula sa maamo;
sa akala mong ‘forever’ na kaibigan mo.
Kapag ‘okay’ ka’y oportunistang dikit sa iyo[7]
pag bumagsak ka’y “Et tu Brute?”[8] huling salita mo.


  • [1] Iugnay sa Genesis 9:18-27; 10:6, 8. 
  • [2] Isang ‘tyrant’ o malupit na awtokratikong pinuno, iyan ang karaniwang turing ng mga komentarista ng Biblia kay Nimrod. Tingnan halimbawa ang sinasabi ni John Calvin, ni Adam Clarke, Keil and Delitzch. Ang pangalan mismo na ‘Nimrod’ ay nangangahulugan ng paghihimagsik.
  • [3] Tingnan ang komentaryo ni Keil and Delitzch.
  • [4] Stunning and intimidating; alam mo yun, yung ‘Shin no Ippo’ (paralyzing terror) ni Jin-e na unang mabagsik na kalaban ni Kenshin Himura. Or pwede rin na i-illustrate sa pamamagitan ng konsepto ng ‘Conqueror’s Haki’ sa anime na mundo ng OnePiece.  
  • [5] Tingnan ang mga talatang ito: Awit 55:12-14. Tingnan ang Konpesyon 5—’Relihiyosong Mapagpanggap.’
  • [6] Tingnan ang sinasabi sa Kawikaan 26:23-26; Jeremias 9:8. 
  • [7] “People are loyal until it seems opportune not to be.” Isang napakagandang pangungusap ng actor na si Benedict Cumberbatch sa pelikulang ‘The Fifth State’ (2013).
  • [8] Ito ang huling salita ni Emperor Cesar. Isang mahapding kamatayan.