Bahaghari

Genesis 9:13
“Inilagay ko ang aking bahaghari sa ulap, at ito ay magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.”

MULA sa ulap dumuyan ang Bahaghari
tanda[1] ng awa ng Hari ng mga hari.
Bahang gumunaw sa makasalanang lahi
Ang sabi ng Diyos, ‘Di na ganyan muli.’[2]

SA Bahaghari makikita ang pangungusap ng Biyaya[3]
Pangungusap rin ng Langit na sa likas nati’y walang tiwala.[4]
Magtitiwala ka ba Oh Langit sa makasalanang Lupa?
Sa tinubuan ng mga binhing ubod ng sama?[5]

PUSO ng tao’y talagang makalaman
Tibok, panlasa, at gawi ay makapita ng laman.[6]
‘Konkupisyensa ang essenya,’ wika ni Calvin na theologian.[7]
Kalooban ng tao’y di gugusto sa hilig ng Kalangitan.[8]

Ni sa makulay na Bahaghari hindi siya masiyahan,
pagkat di maitaas ang noo at makasaludo sa Kalangitan.
Tunay na Bahaghari kanyang pinalitan
ng bandilang kinulayan ng hilig ng Laman.[9]


  • [1] May isang pananaw na nagsasabi na ang ‘bahaghari’ (rainbow) ay nalikha lamang sa tagpong ito (Cambridge Bible for Schools and Colleges, 1921).
  • [2] Tingnan ang Genesis 9:15. Sapagkat ang susunod na paraan ng paggunaw ay hindi na sa pamamagitan ng tubig o Baha, kundi sa pamamagitan ng apoy. Tingnan ang 2 Peter 3:12.
  • [3] Tingnan ang Genesis 9:11-17
  • [4] Tingnan ang Genesis 8:21
  • [5] Ang theolohikal na doktrina ng ‘Total Depravity.’
  • [6] Kapansin-pansin na tinawag ng Diyos ang sangkatauhan na “flesh.” Tingnan ang Genesis 9:15 at ikonekta ito sa 6:3,5.
  • [7] John Calvin. “Institute of the Christian Religion.” Book 2, Chapter 1, Section 8.
  • [8] Tingnan ang sinasabi ni Apostol Pablo sa Roma 8:5-6 at ilakip na rin ang tinaguriang ‘Christian Hedonism’ ni John Piper.
  • [9] Kontra sa ‘hilig ng Kalangitan.’ Tingnan ang Roma 8:5-8 at ikonekta ito sa Roma 1:18-32.  Ang bandilang tinutukoy ko rito ay ang bandila ng LGBTQ