Ang Dalawang Ibon

Genesis 8:10,11
“…muli niyang pinalipad ang kalapati. Pagbalik nito kinagabihan, ito’y may tangay nang sariwang dahon ng olibo.”

MULA sa Diyos ay may dumating na Dakilang Hangin[1]
na Siyang nagpahupa ng Bahang Kaylalim.[2]
Si Noah bagamat pinalibutan ng matalim na lagim,
pag-alala sa kanya ng Diyos ay kaygaling.[3]

SA paglipas ng mga araw ay nagpalipad ng dalawang ibon,
una’y makalaman, ikalawa’y makadahon.[4]
Una’y ligaya’y hanap linamnam ng lamangkati,[5]
ngunit ikalawa’y kontento sa gulay at puso’y may ngiti.[6]

PUSO mo’y nagtatampisaw sa batis ni Dionisio![7]
Demas![8] Mauwak mong tinatangkilik layaw ng mundo!
Madalas mong sabihin, “Buhay ko naman ito?!”
“Sino ba sila?” “Sino ka ba?” “Anong paki mo?”

‘Hangin ng Diyos’ dalhin Mo kami sa tuktok na pananaw.[9]
Tulad ng kalapati’y makita ang sandamakmak na pumanaw.[10]
Sa makalamang humaling turuan kaming umayaw,[11]
sagipin kami mula sa kending-lason…ng food-trip-fashion’g takaw.[12]


  • [1]Sa verse 1. Partikular kong tinutukoy ang ‘Espiritu ng Diyos,’ ang Dakilang ‘Pnuema.’ Basahin ang note rito ng ‘The NIV Study Bible’ (1985).  
  • [2] Walang iba kundi ang Deluge.
  • [3] Divine care (NIV Study Bible)
  • [4] Tingnan ang verses 7 and 11
  • [5] Ayon sa Notes ni Henry M. Morris (The Defenders Study Bible), ang uwak ay ‘carrion eater.’ Kumakain ng mga laman ng bangkay.  
  • [6] Tingnan mo rin ang sinasabi sa Proverbs 15:17, at i-relate sa kwento na matatagpuan sa Daniel 1:8-15. Wala talaga sa uri ng pagkain ang ligaya at kapayapaan sa buhay eh. Oh! Ito ay tumatawag ng malalim na pagbubulay, lalo’t sa panahong ito ng lifestyle ng Food-Trip-Fashion.
  • [7] diyos ng alak at layaw; kilala rin sa bansag na ‘Bacchus.’
  • [8] Tingnan ang karakter na ito sa 2 Timoteo 4:10
  • [9] Biblical worldview or transcendental view or makalangit at makaDiyos na pananaw sa buhay.
  • [10] Bakit? Tingnan at balikan ang sinasabi sa Genesis 6:3, 5. At i-relate ito sa footnotes: 5,6, and 7
  • [11] TKL ng Romans 12:1-2
  • [12] It seems to me na ang lifestyle na ito ay modernong porma at bihis ng ‘7 Deadly Sins’ – lalo’t kung isa-psychologize mo na ang intention at motibo ng lifestyle na ito ay: Pride, Greed, Wrath, Envy, Lust, Gluttony, and Sloth. Iyan ay tumatawag ng malalim na pagbubulay. (I-relate sa footnote 9).