Konpesyon

Ang KONPESYON ay isang malikhaing pagbubulay na inspirado ng Confession ni San Agustin at ng makatang sining ni Balagtas. Ito rin ay udyok ng mga salmo ni David na bagamat isang matapang na mandirigma subalit ang puso’y romantiko sa Diyos.

“Ang bayan ko’y hindi na makapagbasa ng lohikang mahaba,
kaya’t idadaan ko na lamang sa maiksing tula.”
Iyong limiin ang istraktura’t kaayusan
Ito’y makatang kapangyarihan
Hugot sa mabisang pahina ng Kasulatan
puntirya’y pangungusap sa iyong lihim na kalooban.