Sa aking lokal na ministeryo sa Dasmarinas Cavite, sa pamamagitan ng TAGPUAN, aking pinasimulan ang isang pundasyunal na serye na pinamagatan kong TKL o Theolohiya ng Kilos-Loob.
- Ito ay isang theolohikal na pagbubulay sa liham ni Pablo sa Roma na partikular na nakapundasyon sa theolohikal na prinsipyo ng Roma 12:1-2 at 1:1-5. Empatikong prinsipyo ng serye ang ‘Pahinungod’ o paghahandog ng sarili sa Diyos.
- Ito ay isang pagtuturo na hangaring punan ang ‘gap’ sa pagitan ng ESP sa Public School at Youth Ministry.
- Ang mga mensahe sa paksang ito ay available sa PDF at Audio pormat. I-clik lang ang kategorya na ‘TKL series’ upang makita ang lahat ng episodes sa pagbubulay na ito.
Kontekstong Episodes
Sa puntong ito, para higit na mailagay sa maayos na pambungad at konteksto ang Season 3-4 ng TKL, ilalagay ko rito ang mga nakarang episodes noong ang B.L.F. (Bible Light Fellowship) ay wala para sa Sta. Maria at hindi pa nagbabagong-anyo bilang isang TAGPUAN.
I-klik lang ang episode.
- Episode_1_ Ang mensahe ay pangunahing nakapundasyon sa theolohikal na punto ni Aquinas hinggil sa kabutihan ng ‘kalooban ng Diyos’ na siyang ‘pambungad’ pagmumuni sa ‘Theolohiya ng Kilos-Loob (TKL).
- Episode_2_Binigyang pansin rito ang paksa ng ‘spiritual senses’ gamit ang pananaw ni John Wesley.
- Episode_3_Dito ay sinimulang talakayin ang tinatawag namin sa Tagpuan na HP at HL, yun ay, Hirap ng Paligid at Hirap ng Loob.
- Episode_4_Gamit ang Awit 13, pinagbulayan sa sermon na ito ang Hirap ng Paligid at Hirap ng Loob
- Episode_5_Payak na sinasagot rito ang dahilan kung bakit ang Kristyano ay naghihirap – sa punto ng kanyang relasyon kay Jesus; kay Jesus ng Biblia na hindi sikat sa mundo.
- Episode_6_Pag-uugnay ng TKL sa Demonology. Yun ay, ang Kristyano ay hindi dapat na mangmang sa mga galaw ng demonyo.
- Episode_7_Sa Ingles ay ‘Concupiscence.’ Ang pagbubulay na ito ay nakapokus sa HL (Hirap ng Loob) na kalaban ng Kristyano. May kinalaman sa pita ng laman.
- Episode_8_Gamit ang prinsipyo sa Awit 13, inihayag rito ang isang pag-uugali ng pagbubuhos ng sarili sa Diyos; walang itinatago, walang pagkukunwari.
- Episode_9_Gamit pa rin ang Awit 13, ipinahayag rito ang apat na kalugihan ng Di-Kristyano o ng mga taong walang relasyon sa Diyos.