Ang Binhi ng Pagka-Kristyano

“Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.” (Mateo 13:8)

Ang ‘BINHI’[1] na tinutukoy ko rito ay may kinalaman sa pundamentong mensahe ng Biblia at ng Ebanghelyo na siyang kinakailangang maitanim sa puso ng isang tao upang magkaroon ng isang mapagbalik-loob na pagkakilala sa Diyos o maging isang tunay na Kristyano.

Sa KJV tinatawag ito sa katagang ‘knowledge of the truth’ (1 Timoteo 2:4). Ito ay mahalagang pundamento ng Kredong Kristyano.  

Kung wala ang binhing ito sa puso ng tao, hindi tayo makapaghuhubog ng tunay na Kristyano.

Walong Pundamento[2] ang sangkap ng BINHI. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Diyos ng Biblia. Isang biblikal na pagkakilala sa Diyos na hatid ng liwanag at pahayag ng Biblia (e.g. Juan 4:24; 1Juan 1:5; 4:8). (Spotify)
  2. Makasalanang Likas. Pagkakilala sa sarili bilang likas na makasalanan; na kung saan maging ang ating makalupang katuwiran ay katumbas lamang ng maruming basahan sa paningin ng Diyos (Isaias 64:6) (Spotify)
  3. Isang Daan. Pagtanggap kay Jesu-Cristo na Siyang nag-iisang Tagapagligtas ng sangkatauhan (Juan 14:6) (Spotify)
  4. Mga Kambing sa Simbahan. Isang kamalayan na mayroong mga tao sa loob ng simbahan na ‘pakunwaring Kristyano’ (Mateo 7:21) (Spotify)
  5. Mga Tupa sa Simbahan. Pagsasagawa ng Tunay ng Pagsisisi (1 Tesalonika 1:9) (Spotify)
  6. Trinidad. Ang Diyos ng Biblia ay Banal na Trinidad (e.g. Mateo 28:19) (Spotify)
  7. PagkaDiyos ni Cristo. Si Jesus ay likas na Diyos; Siya ay Anak ng Diyos. Hindi ‘ginawa’ o ‘ibinigay’ ang Kanyang katatayuan bilang ‘Panginoon,’ ito’y likas Niya bilang Anak ng Diyos (e.g. Juan 8:58). (Spotify)
  8. PagkaDiyos ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay hindi puwersa o enerhiya, kundi Personang Diyos (e.g. Gawa 5:4) (Spotify)

[1] Gaya ng sa talinghaga ng ‘Manghahasik.’ Dalangin ko na ang binhing ito ay mahasik sa ‘matabang lupa.’ (Mateo 13:1-9). Intensiyunal ang pagkakagamit ko ng pang-isahan o singular ‘binhi’ sapagkat nais kong bigyang diin na ang mga ito ay nagkakaisa; yun ay, walong sangkap ng isang binhi.

[2] Originally, ang Audio recording ay ginawa noong June 2013.