Maraming uri ng magagaling na pananalita at pahayag na naitala sa kasaysayan. Bawat bansa ay mayroong kinikilalang batikan o dalubhasang mamamahayag na walang kasing husay sa tula, talumpati, balagtasan, dula, at pakikipagtalastasan – katulad ng ating makata na si Francisco Balagtas. Ngunit ang lahat ng mga taong ito ay nahimlay sa hukay ng kamatayan. Tinangay ng katandaan ang kasibulan ng kanilang kalakasan, maliban sa diwa ng pahayag na kanilang itinanim sa puso ng bawat umiibig sa karunungan.
Noong ako ay nasa Bible School, naitanong ko sa sarili ko, “What is the language of Heaven?” Pagkatapos ng ilang larong theological na debate, natagpuan ko ang sagot paglipas ng isang linggo. Hehe, yun nga lang, iba sa mga maiinit na teolohikal na diskusyon na sasagot kung ano ang wika ni Adan at Eba sa Eden. O kaya’y kung ano ang wika na gamit ng Dios sa Langit at ng mga anghel. Ang sagot na natagpuan ko ay tungkol sa tono ng wika ng Langit na pasok sa anumang lingwahe, kasi ang tono ng vocabularyo ay nasa puso. Perosiguro natagpuan ko ito, kasi pagkatapos ng mga larong debate, may something sa konsensya ko na biglang naghatid ng aking attention sa Colossians 4:6, kung saan sabi ni Pablo,
“Let your speech be always with grace, seasoned with salt, that ye may know how ye ought to answer every man.”
Maging maingat kayo palagi sa inyong pananalita na para bang may timplang asin, upang inyong malaman ang nararapat na pagsagot sa bawat tao (FSV)
Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapakipakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao (MBB)
Sa pagkakabasa ng talatang ito, biglang kumislap na tanong ko sa aking sarili: “Anong uri ng dila at pananalita mayroon ka?” Then sa mabilis na pagbubulay, isang insight ang natutuhan ko mula sa talata: Ang ‘grace speech’ ay yaong pagsasalita ng mga bagay na tama (ang Nasusulat) sa maayos na pamamaraan (Espiritu Santo).
Ang ibig kong sabihin, ang “speech” na “with grace” ay dulot ng Salita at Espiritu ng Dios. And then, pagkatapos nito, bigla kong naalala ang bunga ng Banal na Espiritu sa Galatians 5:22-23 na ang sabi, “But the fruit of the Spirit is…”
Naisip ko tuloy, pwede bang i-apply ang bunga ng Espiritu Santo na sinasabi dito sa Galatia sa ponto ng ‘gracious speech’ sa sinasabi sa Colossas? Pwede bang i-apply ang extension ng bunga ng Espiritu sa larangan ng dila o pananalita? Kumbaga ay, ang sabi kasi sa Colosas 4:6 na ang grace speech ay ‘seasoned with salt’ – kung saan ang katagang ito ay isang metaphor or figure of speech para sa punto ng “kaaya-aya at kapakipakinabang” na pananalita. And so, ang ginawa ko ay gamit ang Galatians 5:22-23, ginamit ko ang mga prutas ng Banal na Espiritu bilang siyang “kaaya-aya at kapaki-pakinabang” na prinsipyo o pamamaraan ng pananalita. And so, ganito ang lumalabas…
Ano ang sangkap o ingredients[1] ng mabuting pananalita?
(Prinsipyo ay mula sa Galacia 5:22-23)
- With love – May pagmamahal at pagmamalasakit sa iba.
- With joy – It doesn’t always mean naka-smile ka magsalita, but nakakasaya ng espiritu ang iyong communication sa iba.
- With peace – Hindi nagdudulot ng gulo at pangamba. May assurance; ang Oo mo ay Oo, ang Hindi ay hindi – hindi ka confusing at nakakayamot. Mayroon ka bang kilala na pag magsalita pa lang eh, away na?
- With longsuffering – May pagtitiis o may pasensya kahit nakakaasar na ang nangyayari o nararamdaman mo. Yung tipong ang kausap mo eh bruha talaga, pero nagtitimpi ka parin sa iyong sagot. Wow. Ang dami niyan sa workplace.
- With Gentleness – Mahinahon, hindi palabulyaw, kundi banayad, hindi pakawala at hindi magaspang. Pangit ang parang kikay at kingkong na pananalita sa iba. Eh bakit, kaya mo bang hawakan ang matinik na dahon ng pinya?
- With Goodness – Laging mabuti ang sinasabi, hindi nakakainis pakinggan. Pangit kasama ang mareklamo, wala kayong matatapos. Tama ba ako?
- With Faith – Laging may pag-asa, hindi nag-aalinlangan sa Biblia, o nangangamba; kundi walang takot na magtiwala sa Diyos, kahit na pinagtatawanan ka pa ng matalino-kunong mundo.
- With meekness – Mapagpakumbaba, hindi mayabang ang dating, hindi mahangin! Hindi palasagot sa maling paraan.
- With Control – Hindi palaganti sa mapanghamak, kundi marunong magpigil. Hindi madaling padala o makanti (provoke) ng masamang sinasabi ng iba. Marunong pumili ng salita, sa tamang oras, lugar, at pamamaraan.
Sa aking palagay, kapag ganyan ang ingredients ng ating pananalita, hindi malabong makapagsambit tayo ng “famous speech,” na kahit na hindi tumatak at palakpakan sa kasaysayan, ngunit magbibigay ng pagpapala sa buhay ng tao sa ating paligid sa kasalukuyan.
So…musta ang bunganga mo?
Musta…..ang….laman…..ng puso……mo?
Ang sanaysay na ito ay orihinal na naisulat noong 2006. Rebiso, 2024
[1] At tilamsik lang actually ng kabutihan ng talata o ng mga katangian ang nabanggit ko rito. Maari n’yo pa itong pagbulayan ng husto .