Pag-asa ng Bayan at Kabataang Babae

Turo nina Aristotle at Rizal na ang “Pag-asa ng bayan” ay ang mga kabataan. Ngunit tanong ko naman: Sino o ano ang pag-asa ng mga kabataan?

Bago ko sagutin ang tanong, isang kabataan na Wattpad writer sa alias na Sata_Ka ay nagbigay ng talumpating-sulat na pinamagatang “Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?”[1]Sa kanyang sulat ay kinilala niya ang mga pagkukulang at pagkakamali ng presenteng kabataan gamit ang pananaw na “…ang paligid ang humuhubog sa isang kabataan para lumandas ng mali.”[2] Gamit rin ang pananaw na ito, kanyang sinabi na ang kabataan ay may kakayahan na matuto at bumangon mula sa pagkakabagsak sa kamalian, at dahil rito’y siya parin ay maituturing na pag-asa ng bayan. Gusto ko yung heart ni Sata_Ka sa kanyang sulat. To be fair and considerate, may element of truth sa kanyang sinabi, bagamat maituturing kong hindi fundamental truth. Tulad ng ibang kabataan, hinugot niya ang kanyang sagot sa behavioral perspective[3] ng secular Psychology pagdating sa usapin ng social behavior ng tao. Tuloy, ito ay nagpapatotoo sa akin na kailangan talaga ng mga kabataan ngayon ang sagot na hindi galing sa kanilang sarili (nature) at paligid (nurture) kundi galing sa Langit (supernatural). Ito ang kailangan nila upang maging tunay na pag-asa ng bayang Pilipinas.

Ngayon ay hayaan ninyong ipaliwanag ko ng kaunti ang supernatural na iyan – na hinihingi ang inyong tiyaga sa pagbabasa.

Okay, alam mo, ang kabataan ay hindi pag-asa ng bayan in themselves. Basic Christian perspective ay: all are sinners and come short of the glory of God (Romans 3:23). Hindi kabataan ang source ng hope, kundi sila rin ay kabilang sa mga umaasa – mga dapat umasa. Sa aking palagay, ay dapat bisitahin ang kasabihang ito – ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan’ – ayon sa problemang pananaw na inilagay at ipinalagay ng mga millennials at new generation tungkol sa ibig sabihin nito.  Ibang-iba kasi ang mga kabataan ngayon; tila malayo sa uri ng kabataan na hinahangad ni Rizal.  For example, sabi mismo ni Rizal – sa saling Ingles ni Purino,

“Awaken and prepare the mind of the child for every good desirable idea – love for honor, sincere, and firm character, clear mind, clean conduct, noble action, love for one’s fellowmen, respect for God – teach this to your children…Teach your children to guard and love their honor, to love their fellowmen, their native land, and to perform their duties. Tell them repeatedly to prepare death with honor…”[4]

See?  Para sa mga Kristyano, marami tayong makikita na ‘common grace’ insights sa pangungusap na ito. Ngunit ito ang masasabi ko.

Ang kabataan ay may dapat asahan para maging instrumento ng paghahatid ng pag-asa sa bayan. At sa Kristyanong pananaw, syempre iyon ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Para mangyari yung sinabi ni Rizal, ang sinabi ng psalmista sa Psalm 119:9 ay dapat na matanim sa puso ng bawat kabataang Pinoy,

“Young people can live a clean life by obeying your word.”

Iyan ang pag-asa ng kabataan! Wala ng iba. Oo, wala ng iba. Oh, tayo ngayon ay nasa panahon kung saan laganap sa ating bayan ang kahalayan. At kung inyong susuriing mabuti, ang mga kabataang babae at lalake ang siyang nagpapakalango rito. Ang mga kabataan ng panahon nating ito ay maiinit sa laman. Mga aggresibo! Mga mapanukso! Mga mapangahas![5] At ang masama pa nito, ini-interpret nila ang kapahangahasan, pagpapaseksi, o paghuhubad bilang isang “art,” “work,” at “entertainment.”[6] 

Now, iyan ang isa sa mga problema ng ating bayan. Ginawang business ang sex. Ginawang arts ang nudity by saying na ang katawan raw ng babae ang pinakamagandang tanawin sa daigdig and therefore it needs to be exposed for so-called art appreciation.  At nakalulungkot isipin na maraming mga kababaihan ang nalilinlang at maging nahuhumaling sa kaisipan na ito. Handa silang ipangalandakan sa madla ang kanilang katawan at alindog para kumita ng pera – kung hindi man magpa-pansin. Mabilis raw kasing kumita ng pera kapag laman na ang ibinibenta. Diba’t tamang sabihin na ito’y kalandian?

Now, bakit ba kasi dapat maghubad ang isang babae sa madla? Bakit siya nagpapaseksi o nagbabawas at nagpapaiksi ng mga damit sa camera, sa Facebook, sa YouTube? Ano ba kasi ang nasa isipan ng mga kababaihan natin ngayon? Gusto lang ba magpapansin kasi kulang sila sa pansin? Dahil ba sa yung ganitong dressing-style ay comfortable kasi mainit sa Pilipinas? Or let’s say ito kasi yung damit ni ‘idol’? What’s the reason?  So ladies tanong ko ito sa inyo? Kumusta ang dressing style mo? Nagpapapansin ka ba? K.S.P. ka ba? Uhaw ka ba sa attention ng mga lalake? Nanunukso ka ba? Well, kung hindi ka Kristyano, I understand why. Walang Holy Spirit na nagbabantay ng iyong pananamit at puso. However, kung ikaw ay isang Kristyano at ang pananamit mo ay mapanukso, mahiya ka sa Panginoong Jesus na iyong Tagapagligtas at Panginoon. Nasaan si Jesu-Cristo sa pananamit mo? Kung hindi mo maipasakop sa kanya ang hita mo, gaano pa ang puso mo?

Maraming dapat sabihin rito – lalo’t sa moral isyu ng Pornograpiya sa ating bansa na tsitsarong nginangatngat ng mga kabataang lalake sa kanilang cellphone.[7] Ngunit kung babalikan natin ang talata ng Psalmista, matututunan natin ang source o bukal na lilinis sa ating mga kabataan sa Pilipinas – ang salita ng Diyos. At alam po ninyo, hangga’t ang ating mga kabataan ay hindi babalutin ng godly purity sa kanilang buhay, hindi sila kaylanman magiging pag-asa ng bayan sa punto ng moral na kaunlaran ng bansa – na siyang pundasyon ng pulitikal at ekonomikal na pag-unlad. That’s why Christian leaders, napakahalaga ang pagbububuo ng mga stratehiya sa pag-evangelize ng ating mga kabataan ngayon – sa kanilang campus, lugar-tambayan, gadgets, media, atbp.

So, ang kabataan na maaasahan ay siya na dalisay. At magiging dalisay lamang ang kabataan kung ang Banal na Kasulatan ay magiging pundasyong-kasiyahan sa kanilang buhay.

Ang sanaysay na ito ay orihinal na naisulat noong 2012. Rebiso 2019.



[1] Sata_Ka. “Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?” https://www.wattpad.com/378004949-mga-talumpati-kabataan-pag-asa-pa-nga-ba-ng-bayan Accessed March 6, 2019.

[2] Ibid.

[3] Dalawa kasi ito: Trait Approach at Behavioral Perspective. Natutuhan ko ito mula sa: James Woodward, Valuing Age: Pastoral Ministry with Older People, ed. Wesley Carr, New Library of Pastoral Care (London: SPCK, 2008), 57–61.

[4] Purino, P. Anacoreta. Rizal, the Greatest Filipino Hero. Manila Philippines: Rex Bookstore Inc., 2014. P. 173. (2018, revision).

[5] Wika pa sa Textbook ng Grade 10, Module 14: Seductive and Provocative

[6] Sayang at hindi ko layunin sa article na ito na ipaliwanag ang mga terms na ito. Hahaba ang article.

[7] Sa ibang article ay magpo-focus ako sa mga kalalakihan naman, pasensya na mga girls.