Salot sa Pagkalalake

“likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis…” (Genesis 1:26)

Blessed is the man who walks not in the counsel of the wicked, nor stands in the way of sinners, nor sits in the seat of scoffers… (Psalm 1:1, ESV)

Dahilan sa walang sawang presentasyon ng mundo – advertising world –tungkol sa imahe ng pagkalalake, karaniwan ng ideya na ang sukatan ng pagkalalake ay nasa Alak, Babae, Sigarilyo, Car na magara, Bangko-dolyares, at Network ng socio-pulitikal na kapangyarihan (ABS-CBN). Hindi man ito ipinangangalandakan, pero sa kanilang aksyon, gusto nilang sabihin, “Kung meron ka nito, wala kang talo,lalakeng lalake ka tol.”  Pero, kaylungkot at kaasar na makita (as in), na maraming lalake ang lumalangoy sa ganitong mga pagkahumaling, na anupa’t iniisip nila na kapag wala silang mga ganito, ay wala na rin silang silbi, walang ligaya. Tuloy, ang kanilang prinsipyo, hangarin, at layunin ay humihimlay sa kandungan ng salapi, makamundong kapangyarihan, at nakapanginginig na tawag ng pita ng laman.

Sa liwanag na bigay ng Biblia (yun lang, na matagal ng ibinasura sa values ng ating Bayan), kung titingnan natin ang pagkalalake ‘ayon sa mata ng Diyos’ na lumikha sa kanya, makikita natin ang malaking pagkakaiba – pagkakaibang guguho ng makamundong pananaw. Kabayan, alam mo kasi, sinasabi sa Biblia na nilikha ng Diyos si Adan ayon sa Kanyang wangis at larawan (Genesis 1:27). Yun lang, sana’y naniniwala ka parin sa Diyos at sa Kanyang Biblia. Dito kasi ay sinasabi sa atin na nagmula at nakabatay ang tunay na pagkalalake ng lalake sa Panginoon. At ang batayan na iyon ay makaDiyos, hindi makaMundo, hindi makaSarili. Sa madaling salita, ang lakas at ligaya ng pagkalalake ay nasa kalooban ng Diyos![1]

Pero yun nga, ng pumasok ang kasalanan sa buhay ng tao, nang sinakop siya ng kultura ng kasalanan at pinaligiran ng mga taong nagtatampisaw sa kamunduhan; ang tao ay sinira, winasak, pinagdilim, at ginawang hangal ng kasalanan. Ang isip at damdamin ng lalake ay ginawang hangal at buktot ng kasalanan. At sa halip na siya ay maging maka-Diyos, o manumbalik sa Diyos upang hanapin ang kabuluhan ng kanyang pagkalalake, inibig pa niyang maging makamundo at makasarili. Bakit? Dahil sa simpleng dahilan na ang pagiging makaDiyos raw ay isang kahinaan! Bunga nito, ipinapaliwanag at ipinapamuhay niya ang kanyang pagkalalake ayon sa bagay na gusto niya, na ayon sa kanyang pananaw, at ayon sa gusto ng mundo. Oh, hangal na lalake!

Wika ng Pastor sa California[2] na si John Macarthur,

“Man’s basic problem is preoccupation with self. He is innately beset with narcissism, a condition named after the Greek mythological character Narcissus, who spent his life admiring his reflection in a pool of water. In the final analysis, every sin results from preoccupation with self. We sin because we are totally selfish, totally devoted to ourselves, rather than to God and to others.”[3]

Point is: ang salot sa tunay na pagkalalake ay ang pagiging makaSarili, mahalay, mayabang, at malayaw. Iyan ang mga salot-kahinaan na sa mundo’y masarap ang timpla at lasa, ngunit sa katunaya’y lasong nakapandidiri sa at bumubulok ng kaluluwa. Oh, gawang-impyerno na salot.


  • [1] Ang pangungusap na ito ay tumatawag ng pagbubulay.
  • [2] Isang lugar sa Amerika na talamak ang Moral Relavity – na ang katotohanan raw ay ‘depende sa iyo’
  • [3] Matthew 1-7, Moody, 1985, 447

Note: ang sanaysay na ito ay orihinal na naisulat noong September 2012