Masamang Maganda

Pakinggan sa Spotify

Orihinal na naisulat, Hunyo 14, 2019

Isang quote mula sa pilosopong si Pythagoras ang aking nabasa. Ganito ang sabi niya,

“There is a good principle which created order, light, and man, and an evil principle which created chaos, darkness, and woman.”

Mayroong malinamnam na pilosopikal at historical na contexts ang pangungusap na iyan. Subalit hindi ko layunin na ibahagi rito. Ngunit sa saglit na pagbabasa sa quote na ito, maari kang mapangiti (lalake) o maasar (babae). Nang binasa ko ito sa harapan ni Mrs na may pabirong emphasis, kulang na lang ay sabunutan niya ako. It seems na ikinumpara o binigyang contrast ni Pythagoras ang lalake at babae sa Yin at Yang – Negative at Positive. And take note, si Pythagoras ay itinuturing na geometry genius, and so, magaling siya sa mga measurements and calculations. Hahaha – if you get my point.

Tila sa sinabi ni Pythagoras, lumalabas na ang Yin o ang negative ay ang babae, samantalang ang positive o ang Yang ay ang lalake.  Biruin mo, iniugnay niya ang babae sa mga katagang “evil principle,” “chaos,” at “darkness.” Grabe.

Sa kasalukuyang research ko sa feminismo, yari tayo sa mga Gabriela ng ating bayan kung yayakapin natin si Pythagoras. Of course, gusto kong sabihin agad na ang ganitong pangungusap ay biased, gender-discrimination, at hindi totoo.  Pero alam mo, bahagi ng religious background sa kasabihan na ito ay nagmula sa isang alamat ng mga Griego tungkol sa pinagmulan (Pandora) ng babae. Sinasabi sa alamat na ang babae raw ay parusa ni Zeus sa mga lalake.  Isang parusa na mabilis at mabisang tatanggal ng kanyang depensa. Tinawag ito ni Zeus na “Beautiful Evil.”[1]

Now, sa mga lalakeng galit sa mga babae, magandang insights ito. Bayani nila si Pythagoras. Hehe. Pero yun nga, yan ang religious background ng salita ayon sa alamat ng mga Griego?[2] Ngunit bakit “beautiful evil,” bakit ganito ang naging katawagan sa babae? Well, mahaba itong talakayin sa philosophy. Ngunit sa mabilis na kasagutan, syempre bilang Kristyano, hindi tayo panig sa ganitong buktot na kahatulan sa ating mga kababaihan. Ang babae ayon sa Biblia ay nilikha ayon sa wangis at larawan ng Diyos; siya ay nilikha na kapantay sa dangal ng lalake (Genesis 1:26-29). Subalit sa common sense o tinatawag kong common grace observation, mayroong practical o experiential point ang pananaw ng mga Griego. Paano? Well, maraming dapat sabihin, pero isa ay ito. Ang babae kasi bagamat binabalutan ng kagandahan ay madalas na nagiging sanhi ng kasamaan. At dahil sa ganyang paraan, tuloy maraming nagiging “beautiful evil” na girls sa panahon ngayon. Pero, anong evil ba ang nagagawa nila? Syempre, tulad ng boys, marami rin. Halimbawa, ginagamit nila ang kanilang beauty sa panunukso, sa halip na sa mabuti at kagalang galang na inspirasyon. Now, I tell you, marami akong masasabi tungkol rito lalo’t higit sa katuruan ng Biblia tungkol sa pagkababae na gusto ng Diyos.  Pero ito na lang at please be open-minded. Isipin n’yo na lang, bakit lumalaganap sa ating lipunan ang pornograpiya? Syempre, madalas na ang sinisisi ay ang mga bastos na kalalakihan. Of course, mayroong bahagi ang mga lalake sa paglaganap ng pornograpiya; madali kasi silang matangay ng mahalay na tanawin na dulot ng alindog ng babae at dahil rito’y bentang-benta ang pornograpiya o pa-seksing katawan sa commercials, Facebook, at YouTube – “ang dami mong likes girl” sabi nga ng isang estudyante sa High School.  Ngunit sa kabilang banda, (bilang pag-balanse) dapat rin nating isipin na mayroong bahagi ang mga babae sa paglaganap ng pornograpiya. Paano? Hindi ba’t napakasimple ng dahilan? Sapagkat sila man ay willing o gusto na pumasok sa kahalayan, na magdamit ng may kahalayan, at mag-isip ng may kahalayan. Now, prangka iyan, pero, mali ba? Kung paningin ng Diyos ang huhusga, exaggeration lang ba itong obserbasyon o kahatulan? Now, I tell you, bahagi ito ng aking philosophical research at aware ako sa mga feministic idealogies kung bakit nangyayari ang pagbabawas ng saplot o paghuhubad sa mga palabas ng ating mga Filipina. Facebook pa lang, maari ka ng mag-deduce sa kahaliparotan ng isang babae.  At iyan ang dahilan kung bakit ang isang lalake ay pinapayuhan ng Biblia na huwag matuon sa alindog kundi sa katangian. Ang sabi sa Proverbs 31:30,

“Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised.”

Kita mo? Kung salita ng Biblia ang huhusga, isang “panlilinlang” ang kagandahan na walang bait sa harapan ni Yahweh. Yes, seksi ka nga, ang dami mong likes sa Facebook dahil sa legs at dibdib mong pinakita, ngunit sa paningin ni Jesus, nagiging instrumento ka ng kahalayan.

Ang tunay na kagandahan ay hindi nakaugat sa panlabas na anyo, kundi nasa pagkatakot sa Dios. Hindi parin gasgas ang ganyang katotohanan. Oo, maganda ka nga, pero ang ganda na iyan ay naglalaho, lumilipas, kumukulubot. At ang (mga) lalake na lalapit sayo ay bastos – ibig sabihin, ang gusto lang ay katawan mo.  Pero yung ganda na dulot ng relasyon mo sa Dios (kung meron man) ay pabango ng pabango at iyong ikararangal. At ito pa, parang sinasabi ng Kawikaan na ang ganda sa katawan at anyo ay pagsasawaan. Pero kung ikaw ay may ganda ng katangian, ikaw ay iibigin ng taong may takot rin sa Dios at igagalang maging ng mga hindi kristyano. Kita mo?

So mag-isip isip. H’wag maging masamang maganda, kundi maging tunay na maganda sa harapan ng Diyos. Babae, minsan ka lang maging dalaga at may magandang hubog; ibigay sa Diyos ang puri at kagandahan at tiyak enjoy mo ang tunay na saya ng pagiging babae na pag-aari ng Diyos. 


[1] Hurwit, Jeffrey M. “Beautiful Evil: Pandora and the Athena Parthenos.” American Journal of Archaeology, vol. 99, no. 2, 1995, pp. 171–186. JSTOR, http://www.jstor.org/stable/506338.

[2]Wikipedia. “Pandora.” https://en.m.wikipedia.org/wiki/Pandora (Accessed June 12, 2019)