Si Magandang Madoktrina

Pakinggan sa Spotify

(Orihinal na naisulat, Agosto 2007, ang Orihinal na pamagat ay: ‘Ang Tunay na Maganda, Madoktrina’

“But let it be the hidden man of the heart, in that which is not corruptible, even the ornament of a meek and quiet spirit, which is in the sight of God of great price.” (1 Peter 3:4)

Ganda ng talata diba? Grabe, iba talaga mangusap ang Espiritu ng Diyos!

Gumaganda ang isang babae kapag may mabuting ugali. Naaakit sa kanya ang pusong matured sa Panginoong Jesus! Ang ugali ang dapat na maging pangunahin at likas na make-up ng babae! Ito ang kanyang spiritual aura or let’s say appeal na parang gravity na humihila at umaakay ng kalooban patungo sa pagsunod sa Panginoong Jesus. Iyan ang pampagandang nakakalimutan ng maraming mga babae ngayon, Kristyano man o hindi. Syempre, hindi ibinabasura ng talata ang pagsaaayos ng panlabas na anyo. Bagkus kanyang ibinibigay ang pinaghuhugutan nito – puso sa harap ng Diyos.

Ang tunay na kagandahan ay nasa puso. Oo alam ko na gasgas na ang ganyang linya at madalas sinasabi ng iba na ang ganyang pananaw ay palusot na lang ng mga babaeng hindi napagkalooban ng magandang mukha at hubog ng katawan. Gayunpaman, iyan parin ang totoo. Sapagkat sa batayan ng paningin ng Diyos, puso ang tinitingnan Niya. Wika ni Apostol Pedro,

“…pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Diyos.”

Kaya nga, wala akong pakialam sa tingin at sinasabi ng Sanlibutan tungkol sa kagandahan ng babae; ang mahalaga sa akin ay kung ano ang tingin at sinasabi ng Diyos tungkol sa kagandahan. Kasi sa totoo lang, yung mga kesyo magaganda, makikinis, mapuputi, mga seksi-raw, at mababangong mga babae ng panahong ito, eh sa paglipas na panahon ay kukulubot rin. At ito: Kapag ang babae ay nabubuhay sa kalayawan o kamunduhan, may something na nangyayari sa kanyang pagkababae na yung tinatawag kong aura ng purity, gracious appeal, freshness of dignity, at respect ay nawawala. Alam ko mga girls na alam nyo iyan. Kasi, under the inspiration of the Holy Spirit, noong sinabi ni Pedro na ang tunay na kagandahan ng babae ay nasa puso at batay sa tingin ng Diyos, kanyang itinuturo sa atin na ang desenyo at kalikasan ng kagandahan ng babae na inilagay ng Diyos sa kanya ay hindi nakaugat sa katawan, kundi sa diwa, sa puso. Kaya nga, very interesting yung sabi sa talata na yung attitude na “meek” and “quiet spirit”  ay “great price” o “malaking halaga” sa paningin ng Diyos. Kita mo yun? Ang ganda nito grabe! Ito yung kaakit-akit sa Diyos. Hindi yung pabango mo, hindi yung damit mo, o yung make-up mo, o yung foundation mo sa mukha, o yung re-bonded hair mo…hindi…bagkus ang malaking halaga sa paningin ng Diyos ay yung babae na may pusong mapagpakumbaba o maamo – sa madaling salita, spiritual character.

Kaya nga, napakayaman sa espitiwal ng babaeng may maka-Diyos na pag-uugali; nakakain-love sa lalakeng Kristyano ang kanyang espiritwal na kagandahan. At syempre ang pag-uugali na iyan ay hinubog ng wastong aral.

Ang salita ng Diyos ang siyang nagpapaganda sa puso ng babae. Ito ang naglilinis ng kanyang pagkatao at nagbibigay sa kanya ng kagalang-galang na kagandahan na binigay at hinubog ng aral ng Diyos. Kaya nga, kung ikaw ay babae at nais mo ng tunay na kagandahan, ibabad mo ang iyong puso sa salita ng Diyos at tiyak na ikaw ay magiging tunay na kaakit-akit.

Ito ang punchline: Ang tunay na maganda madoktrina.