Sinasabi ni Solomon na ‘ang pagkatakot sa Diyos ang pasimula ng karunungan’ (Kawikaan 1:7). Ngunit ang tunay na may takot sa Diyos ay nagbabalik-loob sa Diyos. Kung walang pagbabalik-loob, walang tunay na pagkatakot sa Diyos. At ang karunungan ng tunay na pagbabalik-loob sa Diyos ay mauunawaan at magagawa lamang sa pamamagitan ng pagbabalik sa sinasabi ng Ebanghelyo, ng Mabuting Balita ni Jesu-Cristo na nasasaad sa Banal na Kasulatan.
Ang mga materyales sa paksang ito ay pupuno sa iyong puso at isipan ng kaunawaan kung ano ang ibig sabihin ng ‘pagbabalik-loob sa Diyos,’ kung bakit ito natin dapat gawin, at kung ano ang benipisyo nito.
Maririnig mo ang mensaheng ito sa Spotify: Click the ‘Episode’
- Episode 1: Wangis
- Episode 2: Hubad
- Episode 3: Maling Akala
- Episode 4: Higit sa Suwerte
- Episode 5: Ang Lugi at Yari
- Episode 6: Ang Daan
Para sa kopya ng sanaysay, narito ang PDF