Tatlong punto ang binibigyang diin sa episode na ito:
- Ang pagkakaunawa sa “mercies of God…” (Romans 12:1) ay mula sa pahayag ng “the gospel of God” (Romans 1:1—5), na kung saan tumatawag ng hamon ng pagtugon sa pamamagitan ng pagsunod, sa anyo ng “present your bodies as living sacrifice” (Romans 12:1-2).
- Ang pangunahing punto ng TKL sa Romans 12:1-2 ay “pagsunod sa Diyos.” Sa madaling salita, ‘Theology of Obedience’ ang nais buohin, paunlarin, at isulong sa TKL series na pagbubulay, para na rin sa kapakanan ng mga tupa sa ‘Tagpuan.’
- Sa aking nakikita, ang “gospel of God” (Romans 1:1) ay tumatawag ng responsibilid (ng Kilos-Loob) sa tao (lalo’t sa Kristyano) na “sumunod,” o sa kataga ng talata sa KJV, “obedience to the faith” (Romans 1:5). Sa madaling salita, ang pinakabuod ng TKL series ay ‘pagsunod’ bilang tugon sa ‘mga habag’ ng Diyos o sa ‘ebanghelyo ng Diyos’ (Romans 12:1-2 with Romans 1:1-5).