Ang kabataa’y kaybilis magpasya
Naku’t walang paki sa konsekwensya.[1]
Yinayakap ang nasang agad na nakikita.
Aartehan ka na may paiyak-iyak pa.
Pangingibabawan kang siya ang nasa tama.
Anyare’y gawa ng kanyang silakbong pagnanasa.[2]
[1] Isang pagbubunyag ng baho na umalingasaw sa lansangan – 03-21-22-26. Maihahalintulad ko ang desisyon na iyon sa kwento ni ‘Phaeton,’ naghatid ng impyerno. Tunay, “Rashness belongs to youth…” Cicero.
[2] Sa kataga ni Pablo, “evil desires of youth” (2 Timothy 2:22).